5: The battle

27 2 0
                                    

Zianne's Point of View

Biglaan nalang akong hinila ni Jollibee nang matapos na akong kumain. Kung saan kami pupunta? Malay ko na lang sa gwapong mokong na ito. Wait? Did I just say na gwapo? Wala namang masama. Totoo naman eh... Whaaa!!! Zian tumigil ka nga!

"Nandito na tayo." rinig ko na lang na bulong niya.

Oo. Ang ganda dito. Andito kami ngayon sa garden ng mall--- sa rooftop.

As usual, ano pa ba ang aasahan mo sa mga tao dito? Ano pa nga ba eh di mga couples...

"Doon tayo oh." sabi niya sabay turo sa isang bench na malapit sa may mga ilaw.

"Ang ganda dito ano?" Tanong ko.

"Bagay sayo." bulong niya na halos di ko na marinig dahil sa sobrang hina pero narinig ko naman ng malinaw.

I can't help but to smile. This is also one of my dreams na kapag pumunta ako dito, gusto kong makasama ang forever ko.

Forever?!

So ibig sabihin! Fuck!

Aish... Sana nga. Pero wala namang pinapahiwatig sa akin tong mokong na ito.

Nang biglang...

"Wan?" tanong niya.

"Hmmm?"

"Hindi ka ba naiinitan?" tanong niya.

Oo nga pala. 9 palang ng umaga.

"Hindi pa naman. Maaga palang naman kasi." sagot ko.

"Sabi mo eh."

Sinilip ko siya at nakatingin siya sa may view. Ang ganda ng mukha niya. Bakit ba siya nagkaron ng ganitong mukha?! Saan ba ako makakabili niyan?!

Yung mukhang perpekto. Kulot na pilik-mata, kulay kapeng mata, matulis na ilong at... at... manipis at kulay rosas na labi...

"HOY!!!" sigaw niya sa akin! "Huwag mo ngang pagnasaan ang maganda kong mukha!" banggit niya habang tumatawa.

"Hoy ka rin! At sinong nagsabing maganda ang mukha mo ah? Piling lang?!"

"Aish... aminin mo na kasi... sana gusto mo rin ako." sagot niya sa akin nang pahina ng pahina. Akala niya siguro ay hindi ko maririnig but those words are enough... enough para tigilan na ito. Enough para malungkot ako. Kasi hindi kami pwede. Hinding-hindi. :(

Nanalaytay ang katahimikan sa paligid namin. Dahilan para makapag-isip kami ng payapa.

Ang hirap din ng sitwasyon ko. May tao nga akong gusto, hindi naman pwede. Kasi kahit anong gawin ko when I will turn 18, mag-iiba na at mag-iiba ang buhay ko. Kailangan kong sundan ang yapak ni mommny at daddy. Ayoko silang biguin. Ayokong malungkot sila. Kasi ginawa din nila ito noon. Pinagdaanan rin nila. At ang masaya lang doon, gusto nila ang isa't-isa, na mukhang hindi ko alam kung anong nararamdaman ko.

Normal nga akong tao. Pero pakiramdam ko hindi ako normal. Pakiramdam ko buhat ko ang mundo. Once in a lifetime lang akong maging masaya. Yun ay kung kasama ko ang taong mahal ko. Ang taong nagpapasaya sa akin. Ang taong nagpapangiti at kumukumpleto ng araw ko.

Sana ako lang ang babae sa buhay niya sana wala nang umeksena. Eksena? Sana di ko na makita si...

"Well, well, well..." speaking of the devil.

"What are you doing here?!" Angelo said while pushing me to his back.

"Oh... Easy honey. I willn't bite." She said using her flirt voice version.

"Honey your face." He said while smirking and because of that, I can't help but to giggle. "Ano nga ang ginagawa mo dito!" saad niya ng mahina pero may halong diin.

Truth or Dare?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon