Albert Camus once wrote: Blessed are the hearts that can bend; they shall never be broken; But I wonder, if there's no breaking then there's no healing. And if there's no healing, then there's no learning. And if there's no learning, then there's no struggle. But the struggle is a part of life. So must all hearts be broken?
- One tree hill
The weeks spent with Abelardo were nothing but bliss. We have been in Hyron's island for two weeks. Sa ngayon ko lang naiisip na maayos naman palang kausap ang kapatid ko. Kahit na gaano siya nagkulang sa akin, sa pamilya namin ay handa pa rin siyang tumulong.
Wala namang confirmation kung may blood – relation nga kami ni Abel. Wala na akong pakialam. Ngayon lang ako sumaya nang ganito. I was standing on the balcony of Hyron's room. I was watching the sun as it sets. I was sighing as I stood there. I have never felt so peaceful in my life – ngayon lang. Kuntento naman ako sa kung anong meron ako dito. Gusto ko ito, I'm in love with Abelardo at itataya ko ang lahat para sa kanya.
Last night, he told me the tale about his fifteen year old self that was so much in love with me. It was kinda funny because I couldn't remember him anymore and yet, I know how sincere he was when he told me that.
Naroon pa rin sa puso ko ang pangamba nab aka masaktan ako, pero kung hindi naman ako susugal, wala naman mangyayari sa akin.
Eventually, all hearts were meant to be broken. It's inevitable.
"Hey..." Abel embraced me from behind. He kissed my temple and swayed me a bit.
Being with Abel feels like living in a fairytale – and that scares me. Hindi ko maiwasang isipin na lahat ng ito ay too good to be true at dahil nga ganoon ito ay magiging madugo ang katapusan. Ayokong isipin na magiging madugo ang katupusan. I don't want this to end. I want him to be with me because I'm in love with him. Ibinigay sa akin ni Abelardo ang mga bagay na hindi ibinigay ni Juan Sanque sa akin noon. Ipinaramdam niya sa akin ang mga bagay na akala ko ay sa libro at pelikula ko lang mababasa and it saddens me that I have this feeling that one of these days, our fairytale would end.
"What are you thinking?" He asked me. He kissed that side of my ear and inhaled my scent. I smiled.
"Us." I honestly answered him. "That being with you for the past weeks is heaven and I don't want this to end, but then, the possibility of us being related is just around the corner. Alam kong hindi ko dapat isipin iyon but it scares me, Abel. Ayokong matapos ito."
"Ayoko rin naman, Hyan." Hinarap niya ako sa kanya. Nakangiti siya pero malamlam ang mga mata niya.
Kagabi ay nagisnan kong wala akong katabi. Hindi naman iisang beses lang iyon na tuwing gigising ako sa madaling – araw ay wala si Abel. Hahanapin ko siya pero hindi ko siya nakikita, matutulog akong muli at kapag nagising na ako sa umaga ay naroon na siya at tulog na tulog. Nakalapat pa ang kamay ko sa dibdib niya kung saan malapit ang puso niya.
Ilang beses ko siyang tinanong kung saan siya nagpupunta, sabi niya lang hindi daw siya makatulog kaya naglalakad – lakad siya sa paligid nang isla. Naniwala naman ako, I mean, saan siya pupunta sa disoras nang gabi?
I didn't push through with the question, naisip kong baka kailangan ni Abel ng oras para sa kanyang sarili at nang makapag-isip siya.
"But w-what if..." I trailed off. Just thinking about the consequences of this situation makes me want to cry. Ayokong mawala kay Abel at ayokong mawala siya sa akin. Gusto ko ay kaming dalawa lang ang magkasama. Wala na akong pakialam sa iiba, ngayon lang naman kasi ako nakaranas ng ganitong klase ng kasiyahan sa buhay ko.
All my life I had been so alone. Pakiramdam ko pa ay pinagkakaitan ako ng tadhana dahil ayaw niya akong maging masaya.
Tulad ngayon. Ibinigay sa akin si Abel para sa huli ay bawiin din. Hindi pwede.
BINABASA MO ANG
Once Mine
General FictionWhat will you do if you feel alone, afraid and vulnerable? Hyan Ysobelle Consunji - Demitri feels this way ever since the other half of her died. She felt alone most of the times, afraid because she doesn't have someone to lean on to, vulnerable be...