You know that romantic notion, that all garbage and the pain is actually really healing, and beautiful and sort of poetic? It's not. It's just garbage and pain. You know what's better? Love.
- One tree hill
"Nay, hindi naman mahirap ito, kung magsasalita ka lang. Sino ba ang lalaking iyon? Iyong Eos? At bakit ka niya kilala?" Tanong ko sa kanya. Mula nang makauwi kami sa bahay ay wala nang ginawa si Nanay kundi ang lumuha nang lumuha. Nakahiga siya sa kama, nakatagilid sa akin at niyayakap ang unan. Kinakabahan ako. Hindi ko gusto ang mukha ng Eos Demitri na iyon – hindi ko gusto ang pagtawag niya kay Hyan ng LOVE.
"Nay..." Hinaplos ko ang balikat niya. Tumingin naman siya sa akin. Humikbi siya at saka huminga nang napakalalim. "Nay, natatakot ako, baka atakihin ako sa puso." I joked. She shook her head. Naupo siya pero yakap niya pa rin ang unan. Pilit niyang pinakakalma ang kanyang sarili.
"N-naalala m-mo ba noong... n-nagtrabaho a-ako sa i-ibang bansa?" Tanong niya sa akin. Hindi ko alam iyon, pero madalas maikwento sa akin nila Kuya na matagal ngang nasa ibang bansa si Nanay dahil doon siya nagtatrabaho. She was in Greece for four years.
"Si E-eos Demitri ang batang inalagaan ko noon." Mahinang paliwanag niya. "I-iyon ang dahilan kung bakit niya ako kilala. He was three that time. N-noong p-pitong t-taon na siya ay u-umalis na ako sa kanila d-dahil na-nagkahiwalay na ang mga magulang niya k-kaya isinama siya ni Madame Hestia sa Barcelona. N-naiwan ako ka-kay Hyperion."
Napatango ako. Hindi ko kilala ag mga sinasabi niyang tao pero mukhang may takot talaga sa mga mata ni Nanay.
"O, ayon naman pala. Kilala ninyo naman pala siya eh bakit tayo umalis? Saka anong kinalaman niya kay Helios Demitri?"
"M-magkapatid sila ni Helios Demitri, Abel." Sagot niya. "A-ang buong akala ko ay malayong kamag-anak lang silang dalawa pero nang makita ko si Helios Demitri dito noong nakaraang sinundo ka niya para kausapin ay kinutuban na ako, alam kong magkalapit sila, pero hindi ko inaasahan na siya ang panganay na kapatid ni Eos. Hindi ko kasi kahit kailan nakasama si Helios. Madalas lang siyang dumalaw noon sa Baba niya pero hindi naman siya nagtatagal. Marahil ay hindi talag sila magkasundong dalawa."
"Ano naman ang kinalaman niyan kay Eaton Demitri, Nanay?" Tanong ko pa sa kanya. Hindi kasi ako talaga mapakali. Pakiramdam ko ay may malaking magiging parte ang taong iyon sa buhay ko at ni Hyan.
Muli na namang umiyak si Nanay sa akin. Hindi ko alam kung bakit habang tumatagal ay lalong lumalaki ang takot ko. May ideya ako sa nangyayari pero pinanalangin kong sana ay hindi tama ang iniisip ko, na sana ay imposibleng mangyari ang iniisip ko.
"I'm sorry, anak." Humagulgol na naman siya. Wala akong nagawa kundi ang yakapin siya. "I'm sorry!" Nanginginig ang buo niyang katawan. Sumisinghap-singhap pa si Nanay habang nanghihingi siya ng tawad sa akin. Para saan ito? Hindi ko na maintindihan ang nangyayari.
I stayed by her side until she fell asleep. Inayos ko ang pagkakahiga niya at lumabas ng silid na iyon. Kailangan kong magpunta sa ospital para sa nightly shots ko kaya lang sa isipan ko ay kailangan kong makausap si Hyan.
Nag-aalala ako.
Pagbukas ko ng pinto ay tumambad sa akin si Hyron Demitri. Iyong weird na kakambal ni Hyan na tuwing nakikita ako ay tila ba gusto akong mawala sa mundo.
His eyes darted on mine.
"Sino ka?!" Sigaw ko.
"Abelardo, you don't have to do that anymore. She knows."
Napaawang ang mga labi ko habang nakatitig ako sa kanya.
"Tang ina naman, sana naman sinabi mo sa akin na sasabihin mo na! Ang hirap naman kasing umakto na hindi ka kakilala!"
BINABASA MO ANG
Once Mine
Fiction généraleWhat will you do if you feel alone, afraid and vulnerable? Hyan Ysobelle Consunji - Demitri feels this way ever since the other half of her died. She felt alone most of the times, afraid because she doesn't have someone to lean on to, vulnerable be...