Nang matanaw niya ang paparating na si Gio bitbit ang pinamili. Agad siyang tumayo pero napangiwi siya sa sakit nang mapuwersa ang sugat niya sa tuhod. Agad namang inilapag ni Gio ang pinamili sa mesa at napatakbo sa kanya. Namumula ang mukha niya sa sobrang sakit dahil nabanat ang sugat niya sa tuhod sa biglaang pagtayo. Para siyang natulos sa kinatatayuan at hindi niya magawang ihakbang ang mga paa.
"Bakit kasi umupo ka diyan?" nag-aalang sabi ni Gio na agad siyang binuhat at iniupo sa mahabang upuan sa ilalim ng puno. Napakunot na lang ang noo niya. Agad nitong tiningnan ang sugat niya na bahagyang dumugo.
"Pasaway ka talaga. Alam mo namang bago palang 'yang sugat mo, binasa mo na agad," anito na agad na umakyat para kumuha ng gamot. Nang makababa ito agad na nitong nilinis at nilagyan ng gamot ang sugat niya.
Napalingon si Cathy sa mga bata na noo'y tila kinikilig habang pinapanood sila. "Bakit ganyan kayong makatingin, ha?" nakangiting tanong niya.
"Ang sweet niyo po kasing tingnan. Bagay po kayo ni Kuya Gio," nangingiting sabi ni Toto.
Lihim namang napangiti si Gio na noo'y abala sa pagtatakip ng sugat niya. Nang matapos ito, nagtaas ito ng ulo atsaka tumingin sa kanya. "Kain na muna tayo, bumili ako ng litsong manok," sabi nito atsaka pinisil ang ilong niya. Kunot ang noong hinawi niya ang kamay ng binata.
"Close ba tayo, ha?" namimimilog pa ang mga matang tanong niya.
"Abah, malakas na naman ang loob mo. Mayapa't may mga Minions ka na," natatawang sabi nito atsaka tumingin sa mga bata na noo'y nanga-kangiti habang pinapanood sila.
"Anong masasabi niyo sa girlfriend ko? Maganda ba?" nakangiting tanong ni Gio sa mga bata na noo'y umakbay pa sa kanya.
Agad namang nag-thumbs up si Toto at nangingiting tumango. "Bagay po kayo, Kuya," sabi nito.
Natatawa namang tinanggal niya ang kamay ng binata na nakapatong sa balikat niya. "Paano tayong kakain? Wala pa tayong kanin." aniya nang tumingala sa binata na noo'y nakatayo sa gilid niya. Napangiti naman ang binata at muling pinisil ang ilong niya na tila cute na cute sa kanya.
Mula sa bukid tanaw na tanaw ng mga trabahador si Cathy habang nagwawalis sa bakuran kasama ang batang si Bebang. Halos magkandahaba ang mga leeg ng mga ito sa pagtanaw sa dalaga. Bihira lang kasing may maligaw na magandang babae sa baryo nila kaya ganoon na lang ang paghanga ng mga ito sa dalaga.
"May bisita palang magandang dilag si Lola Sefa," hindi mapigilang komento ni Gorio na nakatanaw sa dalaga habang naglalakad papalapit sa mga kasamahan na nakasilong sa ilalim ng puno ng Mangga.
"Ano ka ba Gorio, apo ni Lola Sefa 'yon," sagot ni Aling Rosa, ang isa sa tatlong babaeng kasama na magtatanim sa bukid.
"Tingnan mo nga naman, oh. May magandang apo pala si Lola Sefa," sabat ni Mang Kanor, ang lider ng grupo, na noo'y nakatanaw rin sa dalaga.
"Pustahan tayo popormahan na 'yan ni Gorio," kantyaw ni Mang Kanor sa kasamahang binata na noo'y naupo na sa malaking ugat ng puno ng Mangga para magpahinga. Sinegundahan siya ng mga kasamahan at sabay nagtawanan.
"Abah, mukhang nagkakatuwaan kayo, ah," nakangiting bungad ni Gio habang papalapit sa kanila bitbit ang basket ng pagkain.
"Magandang umaga po, Boss," halos iisang tinig na bati ng lahat.
"Nagkakatuwaan lang po kami. Ito po kasing si Gorio mukhang natitipuhan 'yung apo ni Lola Sefa," kuwento ni Mang Kanor na inginuso pa ang nagwawalis na dalaga.
Biglang natahimik si Gio at napatanaw kay Cathy na noo'y nagwawalis sa bakuran. "Oh, talaga Gorio? Type mo ba si Cathy? Eh, ano namang nagustuhan mo do'n? Eh, mukhang kuting lang naman 'yon," kunwaring sabi niya.
BINABASA MO ANG
100 Days With Mr.Arrogant
RomanceMeet "Cathy" Catherine Iguico Roberto.Ang solong anak ng mga Roberto na ipinatapon sa probinsiya upang mailapit sa binatang si Gio. Meet "Gio" Gio Lamberto ang batang haciendero na magpapatino at magpapatibok ng puso ng dalaga.