Chapter I #FirstClashOfLove

11.5K 195 5
                                    

Kasalukuyang nag-eempake ng damit si Cathy nang pumasok ang daddy niya sa kuwarto. Iyon kasi ang araw na bibiyahe siya papunta sa Nueva Ecija kaya minamadali na siya nito.

"Dad, do I really have to do this? Can I just stay here in Manila?" muling hirit niya sa ama na noo'y nakatayo malapit sa kanya.

"No. Naitawag ko na 'yan sa lola mo. Hinihintay ka na no'n for sure."

"Dad, naman! Bakit kailangan ko pang pumunta ro'n para matuto ng mga bagay-bagay while I can also learn here? Promise, I will behave, Dad. Hindi na ako magka-clubbing kasama ng mga friends ko. Aayusin ko na rin ang studies ko. Just let me stay here," naglalambing na yumakap pa siya sa baywang ng ama.

"I'm sorry, anak. My decision is final. Hinihintay ka ng lola mo sa probinsiya." Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya at bahagyang tinapik ang ulo niya bago siya tinalikuran.

"Dad!" habol niya.

"Just continue packing your things. Baka gabihin ka sa biyahe," narinig niyang sagot ng ama habang pababa ng hagdanan.

"Hey! Dad. Wait!" Nagmamadaling hinabol niya ang ama at naabutan niya pa ito sa kalahatian ng hagdanan.

"What do you mean by that, Dad? Baka gabihin ako sa daan? You mean hindi mo ko ihahatid?"

"Why should I? Malaki ka na. Dapat matuto ka ring magbiyaheng mag-isa."

"But Dad, that's too much!" nagmamaktol na sabi niya.

"No, Cath. That is just the beginning of everything your going to learn," nakangiting sabi nito.

Masama ang loob na bumalik siya sa kuwarto at ipinagpatuloy ang pag-eempake. Desidido na ang daddy niya na ipadala siya sa probinsiya para maranasan niya ang hirap ng buhay. Masyado na kasi niyang tine-take for granted ang mga bagay-bagay na mayroon siya. Nag-aalala ang daddy niya para sa future niya. Sa edad niya kasing bente tres, wala pa siyang malinaw na direksiyon sa buhay. Ni hindi nga siya makapag-decide kung ano ba talaga ang kursong gusto niya. Ilang beses na siyang nagpapalit-palit ng course dahil wala siyang tiyaga sa pag-aaral. Kapag humihirap na ang mga lessons bumibitaw na siya. Kaya tuloy hindi siya matapos- tapos sa college. Halos mag-campus tour din siya sa dami ng school na napasukan niya. Hindi naman masasabi na mahina ang ulo niya. Dahil naipapasa niya naman ang mga subject kapag gusto niya. Wala lang talaga sa loob niya ang pag-aaral.

Solong anak lang si Cathy at solo parent lang din ang daddy niya dahil namatay ang mommy niya nang ipinanganak siya. Pero hindi naman niya naramdaman na may kulang sa kanya. Dahil pilit pinupunan ng daddy niya ang pagkawala ng mommy niya. Iyon nga lang aminado ito na hindi maganda ang naging pagpapalaki nito sa kanya. Dahil masyado siyang na-baby nito.

Dahil madali niyang nakukuha ang mga bagay-bagay. Hindi siya natutong magpahalaga sa pera at sa mga pinaghihirapan ng daddy niya. Wala siyang alam gawin sa buhay kung hindi magbulakbol kasama ng mga kaibigan niya. Ni hindi nga siya marunong mag-ayos ng sarili niyang silid. Palibhasa'y bata palang siya sanay na siya sa mala-buhay prinsesa na ibinigay sa kanya ng Daddy niya. Lumaki siyang walang alam gawin kung hindi kumain, matulog, mag-gala, magsaya at magwaldas ng pera. At iyon ang mga bagay na nagpapabagabag ngayon sa daddy niya. 'Yung sa pagdating ng araw na wala na ito sa tabi niya. Ano na ang mangyayari sa kanya? Paano na siya mabubuhay?

Pagkatapos nilang mag-usap. Tinawagan ng daddy niya ang inaanak nito na si Gio para ipagbilin ang dalaga. Twenty- six years old pa lang si Gio pero hindi tulad ng dalaga, may direksiyon na ang buhay nito. Isa na kasi itong kilalang Engineer sa bayan nila. Pabalik-balik na lang din ito sa abroad. Wala nang mga magulang ang binata pero hindi naging hadlang iyon para makapagtapos ito ng pag-aaral. Ito na rin ang nagsilbing ama't ina sa kapatid nitong si Guia na kasalukuyang nakatira sa Canada.

100 Days With Mr.ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon