1: Mall

72 6 1
                                    

Chapter 1

That feeling kapag bakasyon na. Sarap ng pakirandam. Yung para bang nawala na yung bigat sa mga braso mo. Nagtiis ka for ilang months hanggang naging isang taon na. Kahit na ayaw mo, dapat tiisin mo parin para mapasaya mo parents mo.

Ang school..para bang isang kulungan. Tayo yung mga prisoners. Tinuturuan tayo maging mabait at sundin yung mga rules. We learn new things, and make new friends. It was a great year. Yun nga lang.. ang boring na.

"Ugh.. mall tayo?" suggest ko sa kapatid ko habang nag aayos ng gamit.

"Sige, wala naman akong magawa eh." sagot niya, walang iba kundi si Kim Hailey Guevarra.Bali, parang siya yung version 2.0 ko. Maganda at matalino din. Not to brag pero na sa genes kasi. I just wanna thank Him for letting my parents meet.

"Kailangan ko na ng bagong damit." sabi ko habang pumipili ng damit sa cabinet ko.

"Halos mapuno na yung closet mo ah?" Sabi ni Kim habang gumugulong sa kama ko.

"Eh..still not satisfied." sabi ko habang umiiling. Totoo naman eh, paulit-ulit na yung mga damit ko.

"Nako, shopaholic ko talaga ate Yvette." Aba? Tinignan ko naman siya ng maigi.

"Dear sister, na sa genes po yan. Porke't adik ka sa sneakers eh." Converse addict to be exact.

"Atleast ako sa sneakers, eh ikaw." sagot naman ni Kim habang tinuturo yung mga damit ko.

"Anyways, kung di ka sasama bahala ka diyan." sabi ko habang tinatanggal yung damit na susuotin ko sa rack.

"I told you, sasama ako."

"I thought you changed your mind. Game?"

At nag unahan na kami maligo. Iba talaga pag may kapatid.

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

Nandito na kami sa mall. Namiss ko na mag shopping kahit paminsan minsan lang. Para sa babae, di mawawala ang paghilig mamili ng mga kung ano.

Sabi nila, maarte daw. Pero let's be real, every single one of us have different opinions. Tsaka di naman lahat tayo ay pareho ang takbo ng utak.

"Ate, why don't we split up?" yaya ni Kim.

"Geh. Meet tayo sa McDo." At nag hiwalay na kami. Dumeretso na ako sa mga shops na pinupuntahan ko palagi. May new release daw sila eh. Forever 21 at marami pangiba.

Sukat dito, sukat diyan.

"I'll take this, and that. Oh, that one too." turo ko dun sa mga damit na napili ko.

"Tss. Arte arte. Kala mo naman ang ganda." narinig kong bulong nung saleslady. Mukhang nagtitiis na lang siya sa akin eh. Pero bakit? Diba nga dapat nag papasalamat siya na may bumibili? Ugh. I seriously can't stand this.

"Excuse me, kung ayaw mong magbuhat ng mga gamit na pinamili ko, okay lang. But why are you even hired kung ganyan lang ugali mo? You know what? Kaya ko magpagawa ng mga damit na to. Kaya ko din bilhin tong tindahan niyo. I don't give a damn kung nasaktan kita. Pero kung itatrato mo din yung mga ibang customers ng ganito, aba wag mo ng ipakita yang pagmumukha mo sa akin." sabi ko sa kanya at akmang lalayas ng nagsalita siya.

"Sino ka ba? Lalas ng loob mong bruha ka!"

"Ako lang naman ang panganay na anak ni Shirwin Guevarra."

"W-Wait so you mean..." nauutal niyang sabi.

"Yes. Ako ang may ari ng mall na to." pagkasabi ko nun, nilayasan ko na siya. Mabait ako sa mabait pero kung ganyan ang trato mo sa akin, I'll give you your own dose of medicine.

Dumeretso na ako sa ibang lugar. Nakakahighblood kasi yung babaeng yun. Ewan ko ba kung bakit pa hinire yun ni dad. Sarap ihampas sa lupa. Kaso sobrang kapal nung mukha niya eh. Dapat sa putik na lang. I'm like, why do they exist? Bakit yung mga ganun na klaseng tao ay nagexist? Sama ng ugali.

Sakto naman nun, may nabangga akong lalakeng nakapink. As in nakapink. Pink shirt, black jeans tsaka leather boots. Tas nakashades pa. Hmm..ayos naman yung taste niya pero why pink?

"Watch where you're going." naiirita niyang sabi. Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"If it wasn't for your shades edi sana nakita mo kung san ka nag lalakad. Tss."

Nagulat naman ako ng tanggalin niya yung shades niya.

"Look, I'm sorry okay? Kailangan ko ng umalis." For a split second, narandaman kong tumigil yung tibok ng puso ko pati nadin utak ko. I don't know what to do. It's been awhile since I felt this feeling..

Di ko na namalayan na umalis na pala siya. Shocked padin ako. Oo, gwapo siya pero there was something. Narandaman ko na lang na may humawak sa braso ko.

"Ate, okay ka lang?" bangit ni Kim. Kala ko nung una manyakis eh. Handang handa na akong baliin yung braso niya.

"O-Oo. May nabili ka na ba?" Nauutal kong tanong. Kailangan ko munang alisin yung mukha niya sa utak ko. My mind isn't functioning well.

"Yep! May bagong stock sila ng converse eh!" Nakita ko namang kumikintab yung mga mata ng aking kapatid. Para lang siyang bata na binigyan ng bagong laruan.

"Kaso lang nga," tinignan ko siya. "May bumanga sa akin. Natapon tuloy yung frappe ko. Kainis talaga." pinat ko lang likod niya.

"Di yun worth it, sis."

"Eh ate, sabi niya ako daw mag laba ng damit niya. Like wtf? Ako? Si Kim Hailey Guevarra inuutusan niya? Mabait ako pero sumosobra na siya." Habang nakikinig ako sa kwento niya, naiinis din ako. Gusto ata masuntok nung lalakeng yun.

"Wag mo na siyang pansinin." I said, doinh my best na pakalmahin siya.

"Kain muna tayo?" I suggested. Tumango naman siya kaagad.

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

"Laki na ng tiyan ko. Can't..breathe..." napatawa na lang ako. Mukhang pusang busog na busog yung kapatid ko. Wait..o bola? Still cute tho.

"Atleast you're full. Let's go?" Sabi ko habang tinatago yung receipt sa bag ko.

"Sure. Palamig muna tayo bago umuwi." Naglakad lakad na lang kami. Di naman kami kilala nung mga staff eh. I don't even know kung bakit ako dito nag shoshop pero ayos na din. Para macheck ko kung may problema ba o hindi.

Ilang minuto din at umalis na kami. Ng pauwi kami, may nakita kaming mga tao na nagkakagulo sa tapat. Nilapitan naman namin ito. May mga nagtitilian pa. Aba muntik pa nga akong masapak nung isang babaita. Tulak dun, tulak diyan. Siguro mga 5 minutes din bago ako nakarating sa harap.

Nagulat ako sa nakita ko. Why is he here?

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Nag-iba na yung style ko ng pagsusulat xD Mas okay ba yung ngayon o yung dati?

Don't forget to vote and comment!

Just One DayWhere stories live. Discover now