4: Expect the Unexpected

98 4 2
                                    

Chapter 4

Jace's POV

Nagulat ako. I didn't expect na makikita ko siya ulit. Lalo ng makakasama ko siya at makikita kahiy kailan. This must be fate. Napangisi na lang ako.

Nandito kami ngayong apat, yes apat. Andito kasi yung hinire ni manager.

"Sige alis na ako, Take care" pagpapaalam ni manager. Yung ibang manga kagrupo ko, naggala gala sa mall, pero alam nilang may hinire kami.

Kakatapos lang ng meeting namin kasama yung CEO at yung mga staff para sa bagong project namin. Nandito kami ngayon sa sasakyan busy kumain. Yung iba, may mga sariling mundo. Ako naman tumitingin lang sa bintana at pinagmamasdan yung mga magandang tanawin.

"Ang tahimik pag wala si Seven.." banggit ni Kendall. Napaisip naman ako. Oo nga eh, ang tahimik.

"Ba't pa ba kasi niyang kailangan pumunta ng Korea? Kelan ba yun babalik?" It's been 2 years. May problema kasi yung pamilya niya. Pumunta sila sa ibang bansa para mag pagamot yung tatay niya. I know it's hard, kaya pinayagan na siya ng CEO na umalis muna. Yun lang nga, di namin alam kung kelan siya babalik.

"Kumain ka na lang nga ng saging." sabi ni Tyrell habang inaabot kay Kendall yung isang piraso. May sayad talaga to. Si Kendall naman, hindi alam kung tatanggapin ba o ano. Parang nandidiri na ewan.

"Wag kang manyakis, pre! Kung ano ano iniisip mo." Patawang sabi ni Ace. Lahat sila nag tatawanan. Eh ako, masyadong busy sa buhay. Oo, nakikitawa din ako pero wala ako sa mood. Eto namang si Logan, ang himbing ng tulog sa likod. Parang bata kung matulog. Humihilik pa. Mukhang pagod ang baby namin ah.

Maya maya pa ay knockout na din yung iba. Himbing ng tulog. Lahat sila humihilik. Si manager nga eh, kala ko nag lagay na ng toothpick sa mata niya. Pipikit na rin eh.

Ako, gustong gusto ko na rin matulog. Inaantok na ako talaga kaso kahit anong pwesto gawin ko, di ako makatulog. Pinikit ko na lang ang aking mga mata, pilit na makatulog. Sige na Jace, magpahinga ka na. Kailangan mo pa mag handa.

After some time, I drifted to dream land.

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
Pag uwi namin, dumeretso na kaagad yung iba sa taas at pinagpatuloy yung tulog nila. Mukhang di na nga nag bihis eh. Paakyat pa lang ako ng tawagin ako ni manager.

"Jace, come here." Umupo naman ako sa tabi ni manager. Binigay niya sa akin yung forms ng mga hinire namin. Dalawa sila. Dapat pito kaso sabi ni manager, dalawa lang daw para di magastos. O ayan.

"Okay naman diba?" Sabi ni manager. Mag kapatid pala sila. Isang eighteen years old, tas isa sixteen. Close naman sa age namin so ayos na din. I actually like Yvette, she's perfect. Nag eexcel siya sa studies niya. Na sa top din palagi. Ganun din kapatid niya. But something tells me that she's different. Different enough kaya naging interesado ako sa kanya.

"Kelan daw sila darating?" Tanong ko habang tinitignan ng maayos yung mukha niya.

"Maybe a day or two from now." Hmm.. I can't help it. Is it weird that I feel excited?

The next day, tumungo kaagad ako sa mall. Pano ba tong mga kagrupo ko, inutusan ako bumili ng mga kailangan nila. Porke't ako pinakamatanda eh. Pinabili pa nila ako ng gamot. Si Logan kasi, sinisipon at inuubo. Mukhang natuyuan ng pawis to sa practice. Ilang beses ko na tong pinagsasabihan pero di parin nakinig. Yan tuloy.

Bigla na lang nag vibrate phone ko. Tinignan ko naman ito.

From: Manager
[Jace, we need you. Now.]

Just One DayWhere stories live. Discover now