Chapter 5
Ace's POV
Nakakabwiset talaga yung babaeng yun. Pangalawang beses na to. Nakakagago. Ano ba kasi meron dun? Kala mo kung sino. Tinalo pa ang boss tss. Mas bata pa nga yun kaysa sa akin eh!
Ba't ka affected?
Ganun ba kalakas impact ni Hailey?
Ganda niya noh?
Sino ka ba at ang ingay ingay mo?
Anyways, di ko alam pano natiis ng kapatid at magulang niya yung ugali niya. Heck, di ko nga rin alam kung pano natiis ni kuya ugali ko eh. Basta yun na yun. Idgaf.
Habang naiinis ako dito, bigla na lang nag ring phone ko. Di ko ito pinansin at nagpatuloy parin sa rant ko. Like, di ba siya tinuturuan ng mga magulang niya kung pano gumalang? Aba lang. Kung makasagot wagas. Eh kung ako kaya magturo ng lesson-- TANGNA NAMAN. Nagring na naman phone ko. Sino ba tong hayop na to na tawag ng tawag? Ugh.. Kasi pag di ko naman sinagot, tatawag lang ng tatawag ulit. Might as well end it.
"What?!" Naiirita kong sabi. Panira kasi. Kung kelan patapos na rant ko tsaka naman tong nambwibwiset. Mukhang madadagdagan pa lalo.
"Hello, Ace?" Ay gago talaga. Di ba obvious? Makatanong wagas. Ampucha. Ano na naman ba kailangan nito? Nananahimik na nga lang ako pagtapos akong sagutin nun eh.
"Pambihira ka naman oh. Nanggugulo pa." Tangina talaga.
"I need to tell you something. Kailangan ka talaga dito. Baka interesado ka--"
"Naririnig ko lang boses mo di na ako interesado. Tss." pambabasag ko, ayaw pa kasing bilisan. Straight to the point ang gusto ko. Baka masapak ko to seryoso.
"Meet me at the park. Now. Importante to." Binaba niya na. Hay nako, ano na naman ba kailangan nito? Kung kelan wala ako sa mood eh. Tangina. Pupunta ba ako o hindi? Bakit ko naman susundin tong mokong na to? Pero may kutob ako na importante talaga to eh.. Wala ako magawa kundi nagbihis na lang at bumaba. Nakita ko na nag uusap sila kuya sa baba. Sweet. Magiging sila niyan. Kaso wala na akong time para diyan. Nilagpasan ko na sila at nag suot ng sapatos. Pati na rin cap. At oo, Converse yung sapatos.
"San ka pupunta?" Tanong ni kuya. Di ko na siya pinansin at umalis na. Medyo malayo nga lang yung park dito so almost tinakbo ko na rin on the way. From afar, nakita ko na siya kaagad. Si Kiefer. Mas matanda siya ng isang taon sa akin. Naging kaklase ko lang siya dahil sa club sa school. Di ko parin alam kung pano nagging Vice President to. Parang bakla eh. Baka nga totoo yung rumours. Buti na lang at nakayanan ni Prez.
"ACEEEEEEE!!" pasigaw niyang sabi nung nakita niya na ako. May payakap yakap pa tong nalalaman aba. Buti di ako hinalikan. Tinanggal ko naman yung yakap niya sa akin.
"Dude, wag ka nga. Wag mong ipahalata na bakla ka."
"Ay grabe to. Sige na nga. Tsaka for your information, lalakeng lalake po ako. Bakit? Nadala ka na sa charms ko noh? Yieee shet ang gwapo ko mygahd." Inirapan ko na lang siya. Sarap sapakin nito. Ang daldal pa.
"Ano ba kasi kailangan mo at pinapunta mo ako dito?" Hinila naman niya ako sa may bench at umupo.
"Naghahanap daw ng talented blah blah yung school. Gusto mo sumali?" Putek naman oh. Anong klaseng VP to? Di na nga kumpleto yung details, may balak pa tong mangasar.
"So tinawag mo lang ako para diyan?" Tatayo na sana ako ng pigilan niya ako.
"Actually, diba may mga estudyante na bibisita sa ibang school? Ibig sabihin nun may pupunta rin dito sa atin. So I need your help na maging maayos yung stay nila dito. Tsaka kailangan maging cautious din tayo. Baka may mangyari."

YOU ARE READING
Just One Day
Teen Fiction[Taglish] Darating ang isang araw na kailangan mo ng maging independent. As for Yvette and her sister Hailey, the time has come. Kaya eto ngayon, naghanap sila ng trabahong mapapasukan. Okay na sana eh. Kaso syempre di pwedeng masaya ka lang palag...