A/N: pag walang nakalagay na
"____ POV" ibig sabihin nun kay Yvette parin ito. I hope di kayo malilito. Sorry ㅂᆞㅂ .- - -
Chapter 3
Dafuq. Ako lang ba o..? Kinuskos ko naman ang mga mata ko. Kala ko nag hahallucinate ako. Ugh malas talaga. Mapaloob o labas nandito parin siya. Ano ba ginawa ko at minalas ako ng ganito?
"Uhh..ate, ayos ka lang?" Tanong sa akin ni Kim. Hindi. Di ako okay. Gusto ko manapak ngayon.
Nakatitig lang ako sa kanya. Di ko inalis ang tingin ko sa kanya. Porke't gwapo eh. Sabi nga nila, di porke't maganda ibig sabihin maganda ang ugali. Napaisip naman ako. Ano ginagawa niya dito? Bakit ang raming nag titilian na para bang sikat siya? Idol ba to or something? Sa ugali niya? Wow. Malay mo rich kid lang diyan sa tabi tabi. O kaya naman sikat na Youtuber.
Habang nag iisip pa ako ng mga babagay sa kanya, sakto nun, nagkatinginan kami. Eye contact talaga. Para bang ilang minuto din kaming nakatingin sa isa't isa. I decided to move my gaze away.. Inalis ko yung tingin ko sa kanya. Parang may something nung nagkatinginan kasi kami. Hinatak ko na ang aking kapatid at nagmartsa paalis.
Why? Bakit ko naman sasayangin ang oras ko sa kanya? Like, we don't even know each other. Malay mo tumigin lang siya sa akin kasi na sa harap ako. Besides, he's just a stranger that I accidentally bumped a while ago. Nothing more, nothing less.
"Ateee.." biglang na pa whine si Kim. Problema nitong batang to? Binigyan ko naman siya ng 'what' look. Masyado akong busy dito.
"Yung lalake kanina na sobrang puti.." sabi niya habang lumilingon sa likod. "Siya yung nakabangga sa akin." Tinaasan ko naman siya ng kilay. Yun? Yung pader na yun? Kaya naman pala. Nasesense ko yung pagiging masungit na vibes nun.
Sa mukha pa lang niya, obvious na. Buti na lang ang puti niya kundi...
Pumunta na lang kami sa office ni mama since wala na kaming mapuntahan. Fashion designer kasi siya. Tutal break naman niya, hinila namin si mama para lumabas. Binilin ko dun sa mga office workers na sila muna bahala. Mga professionals naman sila eh.
Naglakad lakad kami, kumain kain din. Nakakamiss. It's been so long.. di naman namin maalis si dad sa trabaho. Kahit naman yayain namin siya, maya-maya ay aalis din kaagad. Sobrang busy. Weekends di rin namin siya nakakasama.
Inabot na kami ng gabi pero mukhang di pa kami napagod. Umuwi na lang muna kami at nanood ng mga old movies. Mag marathon kami ng Mission Impossible. Di talaga malalaos tong palabas na to.
Pumunta muna ako ulit sa kusina para kumuha ng popcorn. Habang nag aayos, bigla naman pumasok yung mukha niya sa utak ko. Bakit ba puro siya na lang yung naiisip ko? Dahil ba kasi masyado siyang gwapo? Di naman ata. Kung ganun, bakit pag nakakakita ako ng gwapo hindi naman sila nag stustuck sa utak ko katulad ngayon. Ugh, may problema na ako.
I shook my head. Tama na, Yvette. How can one person have this huge impact on me? I admit, gwapo siya. Yun lang. Bumalik na ako kaagad sa sala at nakitang tulog na si Kim. Nilapag ko muna yung bowl at umakyat sa taas para kumutan ang kapatid ko. Napagod din to, ano. Ang himbing ng tulog ah.
Sobrang busy naman si mama sa kakanood. Tumabi na lang ako kay mama. "Ma, dito ka na kumuha." Sabi ko habang inaabot sa kanya yung bowl na punong-puno ng popcorn.
"Salamat, nak." Nakangiti niyang sabi. Napangiti din ako.
After some hours, pinatay ko na yung TV at nag unat. Galing talaga ni Tom Cruise. Thumbs up! Nauna ng umakyat si mama. Syempre pagod din galing sa trabaho. Inayos ko muna yung mga pinagkainan bago tumungo sa kwarto ko.
YOU ARE READING
Just One Day
Novela Juvenil[Taglish] Darating ang isang araw na kailangan mo ng maging independent. As for Yvette and her sister Hailey, the time has come. Kaya eto ngayon, naghanap sila ng trabahong mapapasukan. Okay na sana eh. Kaso syempre di pwedeng masaya ka lang palag...