Chapter One - Bad Dream

418 21 0
                                    


Yukine's POV

"Yuki! Its really a nice school. I highly recommend this besides, its one of the top schools. Hindi mo talaga ito pagsisisihan!"

"*sigh* fine..I'll think about it." Honestly, hindi ko na talaga kaya tong aking annoying neighbor/friend/classmate na si Rime. Kapag hindi pa siya titigil diyan parang any time sasabog na talaga ako dahil kanina ko pa ngang sinu-suppress ang anger ko.

Nandito kami ngayon sa aking apartment naghahanap ng bagong eskwelahan. Hindi na kasi ligtas dito simula nung pinatay ang aking mga magulang..palagi nalang may kung sinong aatake sa akin dito. Buti nalang nandyan si Rime na tumulong sa akin.

Kahit hindi ko pa siya maaaring mapagkatiwalaan ng buong-buo, I can always depend on her when times in need.

"Hindi rin gaanong kalaki ang tuition fee dito eh. At sa palagay ko, ilalagay ka niyan sa A class for sure...top ka nga sa class natin", wika niya habang nakatingin lamang sa laptop niya at nag-type.

Gusto niya talagang pumunta ako don kasama siya..pareho nga kaming ulila sa mga magulang namin. Hayy..pagbigyan na nga lang hindi ko gustong makita siyang malungkot marami na nga siyang nagawa para sa akin.

"Oh sige na nga. Diyan na ako papasok kaya wag ka--"hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahi bigla na niya akong yakapin ng mahigpit.

"Arigatou! I'm really happy to be in the same school with you!" masayang pagsabi ni Rime habang nakayakap pa rin sa akin.

Wala na akong nasabi pa at ngumiti na lamang ako. She has always treated me like a sister...sadly, I can't give that feeling back. I can't drag her into this dangerous life I have and hurt her. I can never forgive myself if something happened to her because of me....

"Dahil diyan, magluluto ako ng masarap na dinner para sa atin. Of course, tutulungan rin kita sa dapat mong asikasuhin para makapasok dun". Kumalas siya sa pagyakap sa akin at sinara ang kanyang laptop.

"Haha. You don't have to do that."Ngumiti ako sa kanya at ginulo ang kanyang buhok. Kahit kailan talaga ang bait bait niya.

"I insist. Just wait there okay?" Hindi na ako nagsalita pa at I nodded nalang. Ngumiti lamang siya sa akin at tumayo papunta sa kusina.

Sumandal ako sa sofa at kinuha ang aking cellphone mula sa bulsa ko. Makikinig na lang ako ng music habang maghihintay sa kanya.

Ilang sandali lamang, hindi ko pala namalayan na tulog na ako.

Nandito ako sa isang kwarto kasama ang aking mga magulang. Puro tawanan at biruan lang kami hanggang sa biglang natumba ang pintuan ng malakas at iniluwa nito ang apat na lalaki. Agad akong hinarang nina ina at ama para protektahan ako. Gumawa si ina ng barrier na nakalibot sa aming tatlo para hindi kami matamaan sa binato ng mga lalaki. Palagi ring pinapatumba ni ama ang kalaban gamit ang mga bagay na metal. Pero, nagkaroon ng isang tama ng fireball si ama sa kanyang balikat kaya nanghina ito. Isang oportunidad iyon ng kalaban para atakihin ng sabay-sabay subalit,,,ginamit ni ama ang kanyang hidden ability kumbaga ang kanyang special move. Nagiging pure metal ang kanyang katawan at naitumba niya halos lahat ng kalaban.....but there's a catch.. kapalit nito ang iyong life source kaya ang paggamit niya ng magiging metal ang kanyang whole body ay parang ginamit mo rin ang iyong whole life source..

Dumudugo na ang ilong ni ama at umuubo na rin ng dugo pero kahit iyon pala hindi pa rin sapat para maitumba silang lahat. Ang natirang nakatayong lalaki ay agad na sumugod ng mabilisan gamit ang kanyang
lance. Tuluyan na sanang matamaan si ama pero hinarang siya ni ina at gumawa ng shield pero hindi ito sapat sa lakas ng lancer ng kalaban dahil nagkaroon ito ng cracks hanggang sa tuluyan na itong nabasag at diretso sa dibdib natamaan si ina.

Tulala ako sa nakita ko. Hindi nga ako makagalaw sa kinatayuan ko o makasabi ng isang salita. Hindi ako makapaniwala na ang aking ina ay..wala na. Umiiyak si ama at galit na galit na sumugod sa kalaban na gamit ang kanyang metallic spear-like arm at tinusok ito sa ulo ng kalaban.

Nagawa niya itong patayin at binuhat si ina kahit hinang hina na siya. Lumapit si ama sa akin na dala si ina at yumakap sa aming dalawa.

laking gulat ko ay bigla ring nag form ng knife si ama sa kanyang kamay at tinutok sa akin...

Napamulat ako sa aking mga mata at nawalan ng kaba dahil isa lang iyon panaginip...isang masama at malungkot na panaginip.

"Halika na Yuki! Nakahanda na ang ating hapunan sa mesa. Dali!"Hinila ako ni Rime patayo at pinaupo ako sa mesa.

"Tikman mo nga to". Inilagay niya ang ulam sa plato ko. Sumubo ako ng isang kutsara at ninamnam ang lasa. Napangiti ako ng lihim.

"So how is it? Masarap ba? Ano na?"sunod-sunod na tanong ni Rime sa akin.

"Hindi siya masarap---- kitang-kita sa mukha niya ang pagkadismaya kaya napangiti ako ----masarap na masarap talaga. Galing mo magluto Rime ah."I chuckled dahil sa biglang pagbalik ng sigla sa mukha niya.

"Yes! Nagustuhan mo nga..hehe Natutunan ko lang yan sa mga libro tsaka I like cooking."Sabi niya sa akin na may malawak na ngiti.

Bumalik lamang ako sa aking pagkain. Nabalik ang isipan ko sa aking panaginip kanina..

..ang huling pagkikita ko sa kanila..

..ang huling pagkakataon na makasama ko sila sa mundong ito..

----------------------------------------------------------

A/N: Hi guys! So okay lang ba yung 1st chapter?? Sana naman nagustuhan niyo..

Don't forget to follow:
shane_airah

Assassination 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon