Chapter Two- Hooded Stranger

317 16 0
                                    


Rime's POV

Hello! I'm Rime Chrest. Siguro kilala niyo na ako kung sino ako sa buhay ni Yukine. Wala ako masyadong mga kaibigan kaya si Yuki lamang ang tinuturing kong kaibigan.

Gaya nga niya, ulila na rin ako. Hindi man kinukwento sa akin ni Yukine ang kanyang pinagdaanan pero alam ko masakit iyon.

Kaya alam ko rin na mahirap pa mapagkatiwalaan ang kahit sinumang tao para sa kanya pero hindi ako susuko para sa kanya. Siya na lang ang aking parang kapatid. Patuloy pa rin ako sa pagprotekta sa kanya at handa akong tulungan siya sa kanyang mga problema kahit mahirap man tulungan ko siyang kakayanin ito.

Ako lamang ay may alam sa sitwasyon niya ngayon. Marami ang gustong patayin siya at hindi ko alam kung anong dahilan pero sa palagay ko, parang inuutusan lamang sila.

Anyways, papasok ako sa Velmir Academy dahil may nalaman akong tungkol doon na makatulong sa amin pero hindi ko pa rin masabi ni Yukine. Gusto ko rin na malapit lang sa akin si Yuki para mabantayan rin siya. Alam kong malakas siya kaya nga yan ang kinatakutan ko baka kasi kapag may sakaling aatake sa kanya makadulot siya ng malaking pinsala. Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanya na makontrol niya ang sa akin lang ay.....ay...ah! basta gusto ko lang siyang makitang malayo sa panganib.

"Sa wakas! tapos na rin, papasok na tayo Yuki next week sa Velmir Academy."Nag-stretching muna ako sa aking balikat at kamay dahil kanina pa akong nakaupo lang dito at nag-asikaso sa laptop ko.

"Buti naman."Psh..Yukine talaga palagi nalang nakikinig ng music at nagbasa ng libro.

"Alam mo Yuki, mamasyal na nga lang tayo. Palagi nalang kasi tayong nandito lamang sa apartment. Tara! Bili tayo ng bagong gamit!"pagyaya ko kay Yukine at aba inirapan lang ako sa babaeng to.

"Dito nalang ako. Ang daming tao doon, alam mo naman na uncomfortable talaga ako sa ingay nila". Eto na naman siya kahit kailan talaga hindi niya type ang magpasyal pasyal, tamad talaga maglakad.

"Eh? Sige na..libre ko pagkain kaya halika na!"Hinila ko si Yuki mula sa pagkahiga sa sofa at pinapapunta sa kwarto. Hindi nalang siya umangal kaya bumuntong-hininga nalang siya at sumunod na lamang.

Pagkatapos namin maghanda, pumunta na kami patungo sa mall para bumili ng bagong gamit.

Yukine's POV

*sigh* Nakakatamad talaga ang maglakad. Hindi nalang ako nakipagprotesta pa kanina dahila alam ko hindi titigil si Rime sa pangungulit sa akin para pumunta sa mall.

Nagpunta kami sa kahit anong store at bumili ng mga damit, si Rime na ang pumili ng damit ko dahil wala talaga akong gaanong kaalaman tungkol sa mga fashion na yan. Simple lang naman ako jeans at shirt tapos may jacket tsaka sneakers..okay na yun.

Matapos bumili ng kailangan sa apartment, kumain muna kami sa isang restaurant at tulad sa sinabi niya kanina libre niya to.

"Anong gusto mong i-order ko Yuki?"tanong niya sa akin paglapag sa mga binili namin sa mesa.

"Fries lang at smoothie sa akin". Hindi naman kasi ako gaano kagutom eh.

"Yun lang ba?" Tumango ako."Sige o-order lang ako, bantayan mo ang binili natin". Tumango nalang ulit ako. Tapos iniwan na niya ako.

Hindi naman masyadong maraming tao ang nandito sa restaurant na to kaya medyo hindi siya maingay.

Pagkatapos ng ilang minuto, bumalik na rin si Rime dala ang order namin at inilapag ito sa mesa. Kumain na kami tapos napagdesisyunan na rin namin na umuwi.

Naglalakad lang kami patungo sa apartment dahil malapit lang naman iyon.

"Yuki, bibili lang ako ng ice cream ah? I think may craving ako sa ice cream ngayon eh haha! Hintayin mo nalang ako dito, bibilhan na rin kita". Tumango nalang ako at tuluyan na siyang umalis.
Rime talaga bago pa nga kaming kumain sa restaurant,kain pa rin siya ng ice cream.

Umupo ako sa isang bench at napabuntong hininga nalang...ang sarap ng hangin. Malapit na palang mabaon ng buo ang kalangitan ng kadiliman.

Napansin kong may papalapit sa akin, akala ko si Rime na iyon kaya tumingin ako sa kanyang direksyon.

Nagulat ako dahil isang naka hood na tao ang nakita ko. Hindi ko masyadong makita ang mukha niya dahil madilim na rin at halos matabunan ang mukha niya sa kanyang hood. Napansin ko sa features nang katawan niya at sa tingin ko isa iyong lalaki.

Lalo akong nangingilabot ng tumingin siya sa akin. Sa gilid ng hood niya, some of his dark black hair are revealed and I was surprised to see that there are some blue streaks.

Napasinghap ako ng bigla niyang inangat ang kanyang ulo at nakita ko ang kanyang mukha. He has these blue- green eyes...I'd say he's a really good-looking guy.

Despite those, I'am not like those girls who will easily fall to a face like that. Nag-cross arms lang ako at bored na tumingin lang sa kanya.

He grinned at me and tuluyan na siyang umalis. What the hell was that? He's strange...

A few seconds later, bumalik na si Rime dala ang dalawang ice cream. Binigay niya sa akin ang neapolitan flavored at kinuha ko naman iyon.

"I saw that". Nakangiti ng nakakaloko si Rime sa akin. Nagtataka naman ako sa pinagsasabi niya.

"What do you mean?"takang-taka kong tanong sa kanya. Nakita niya yung weird encounter ko sa lalaking iyon?

"Duh..that handsome yet mysterious guy who passed by you like a couple of minutes ago. When I was heading towards you with our ice creams, nakita ko siyang lumagpas sa akin. He has this cool aura and I caught a glimpse of his undeniably good-looking face". Whatever..I'm not interested in him anyway.

"However, I was intrigued when he stopped as he passed by you, so I hid near the trees and watched. Wait, do you know him?"tanong ni Rime sa akin. Nagkibit balikat lang ako.

"No, I don't". Nadama ko ang malamig na hangin at gabi na pala. "Uwi na tayo", sabi ko sa kanya.

Tumango nalang siya pero halata pa rin ang nakapagtataka niyang mukha. Hindi ko nalang iyon pinansin at patuloy sa paglakad hanggang makarating na kami sa apartment.

"Good night Yuki. Eto yung binili mo, sige pahinga ka na..see you tomorrow". Paalam sa akin ni Rime.

"Bye",tipid kong sagot bago tuluyan kaming pumasok sa kanya-kanyang apartment.

Dumiretso na ako sa kwarto ko at humiga sa kama. Pumikit na rin ako ng aking mata..pagod na kasi ako.

Napaisip na naman ako sa stranger na yun.
That was really weird. It was very strange when he grinned at me. Honestly, I don't find him slightly familiar. But maybe....
.....he knows me.

--------------------------------------------------------

A/N: And that's chapter two..*sigh* I really worked hard for it. Sana naman my efforts have paid off. Sorry nga pala dahil walang blue streaks ang buhok niya sa picture sa taas. Imagine nalang...mianhae..

Please don't forget to follow me:
shane_airah

Assassination 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon