Chapter Three- Velmir Academy

297 12 4
                                    


Yukine's POV

A week later...

"Yuki....yuuukiiii...."*groan* Tinakpan ko ng unan ang ulo ko para hindi marinig ang pumukaw sa akin at nagdistorbo sa masarap kong pagtulog.

"YUKI! BUMANGON KA NA DIYAN! First day na natin sa class ngayon kaya hindi tayo pwedeng ma-late, okay? Bumangon na lamang ako tutal hindi naman ako makapagbalik sa pagtulog lalo nang naputol iyon dahil sa paggising ni Rime sa akin.

"Ang aga pa nga yata eh," sabi ko habang kinukusot kusot ang aking mga mata.

"Ano ka ba, maghanda ka na. Kapag tapos ka na, baba ka lang naghain na ako ng almusal natin."Lumabas na si Rime sa kwarto ko.

Pagkatapos kong magbihis, tumingin muna ako saglit sa sarili ko sa salamin. Our uniform is this dark blue blazer with a white blouse and a tie underneath and a blue-black skirt. Satisfied with my looks, pumunta na ako sa baba.

Pagbaba ko nakita ko si Rime na naghugas ng kamay. Ngayon ko lang napansin na she looks nice in that uniform. I went to the table at umupo.

"Ahhhh!!"biglang sigaw ni Rime. Agad akong lumingon sa kanya.

"Bakit? Anong problema?"tanong sa kanya na napatakip sa baba dahil parang nagulat.

"Ang ganda mo talaga sa uniporme na yan Yuki! Mas nice pa nga to kesa sa dating school natin."tch.akala ko ano..yun lang pala.

"Psh. Kumain ka na nga." Sumunod lamang siya at umupo sa tapat ko. Pagkatapos namin kumain, umalis na kami patungo sa academy.

Naglalakad lang kami dahil sabi ni Rime malapit raw yun dito.

Huminto kami sa isang bukas na malaking gate na may nakasulat sa itaas na VA. Marami ring estudyante naka uniporme pareho sa amin. Mukhang ito na yung Velmir Academy, ang laki ng gate nila ano pa kaya ang buong campus?

Pumasok na rin kami at namangha sa kagandahan ng kanilang malalakihang buildings. Mayroong isang fountain in front of the school.

Dumiretso na kami sa loob at hinanap ang principal's office. Habang naglalakad sa malapad na hallway, napansin kong maraming tumitingin sa amin pero wala akong pakealam at tuloy lang sa paglakad.

Nang makarating kami roon, pinaupo kami sa guidance counselor at naghintay sa principal. Lumabas mula sa silid ang isang maganda, middle-aged na babae.

"Good morning. Please accompany me inside my office and we'll talk there." Tumayo na lamang kami ni Rime at sumunod papasok sa loob.

Pagpasok namin, sumalubong ang isang malaking opisina na may mga maraming cabinets rin na sa palagay ko lalagyan niya ng mga files. Mayroon ring isang bookcase malapit sa table niya. Wow! Ang daming books, sarap basahin. I love books eh.

"Please take a seat." Sabi ng principal habang umupo sa chair niya. Sumunod na rin kami sa kanya.

"I would like to formally introduce myself. I'am Headmistress Frivette- the principal of this academy." Nag- shake hands kami. "I presume you are the new students who transfered from..(sabay tingin sa isang file).. Pasville High. Right?" Lumingon siya sa amin.

"Yes Headmistress." Sabay-sabay naming pagsabi ni Rime kaya napatingin kami sa isa't isa at ngumiti siya sa akin na nagpipigil ng tawa.

"Very well. Here are your schedules of classes." Inabot niya sa amin ang dalawang papel at kinuha naman namin yun. " I think you both belong to different sections. If you have any clarifications, problems or anything else regarding school. Feel free to come by and see me." Nag-nod nalang kami. Tumayo na si Headmistress at inilahad ang kamay.

Assassination 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon