Reena De Ocampo
Mag-iisang buwan na akong nagigising tuwing umaga na parang hinahalukay ang loob ng tiyan ko. Tila naging asawa ko na ang inidoro dahil ito na lagi ang nakikita pagkagising ko.
Dali-dali akong tumakbo papunta sa banyo at sumuka na naman ng puro laway. Ganito na ang routine ko sa araw-araw. Parati na rin akong inaantok na hindi naman ako antukin. Natatakot naman akong magpa-check up baka ano na ang sakit ko tapos ma-de-depress ako at mamatay. Ayoko pang mamatay ng maaga. Marami pa akong pangarap sa buhay.
"Bakla, ano bang pinagkakakain mo? Araw-araw ka ng nagsusuka r'yan at tingnan mo nga 'yang sarili mo sa salamin ang putla-putla mo na. May sakit ka ba na ayaw mong sabihin sa'kin?" ani ni Perciciano o Percy, ang pinsan slash bff kong bakla.
"Wala akong sakit, no. Umalis ka na nga r'yan nagugutom na ako baka gusto mo ikaw ang-" Naputol ang sasabihin ko nang biglang sumabat si Percy
"Kadiri kang bakla ka. Hindi ako tomboy at saka hindi tayo talo. Magpinsan tayo." aniya.
Napataas ang kilay ko. Ano bang sinasabi ng baklang 'to? Di kaya iniisip ng baklang 'to na papatulan ko siya?
"Bakla ka! Iniisip mong papakpakin kita? Linisin mo nga 'yang nilulumot mong utak. Kung ano-ano ng kababalaghan ang pumapasok d'yan."
"Bakit, hindi ba? Sinabi mong baka gusto mo ikaw ang-"
"Paglulutuin ko. Bakla ka, hindi ako i-moral para patulan kita." Natatawang ani ko.
"Oo na. Sorry na. Ako na ang may berdeng utak." aniya.
"So, ano? Tatabi ka na dahil nagugutom na talaga ako." Nagbigay daan naman si Bakla para makadaan ako.
Pagkarating ko ng kusina agad akong naghanap na pwedeng lutuin sa loob ng refrigerator. Nangunot ang noo ko nang wala akong makitang ingredients para sa gusto kong kainin kaya isinara ko na lang uli ref.
Nakalumbaba akong napaupo sa high chair malapit sa kitchen counter. Gutom na gutom na talaga ako.
"Akala ko ba gutom ka na bakla. Bakit nakalumbaba ka r'yan? Ang dami r'yang pagkain sa ref." aniya na kakapasok pa lang ng kusina.
"Wala r'yan ang gusto kong kainin, e."
Kainis naman, e, hindi ko namalayan naubos na pala 'yung stock ko ng pancake at pineapple tidbits.
"Ang alin 'yung pancake? Ay! Bakla para kang naglilihi. Buntis ka ba? Teka, paano ka mabubuntis wala ka namang boylet. Don't tell me nakipag-jugjugan ka sa kahit sino? O to the M to the G-O-D!" aniya saka nahihinang napaupo sa harap ko.
Kaloka talaga 'tong baklang 'to. Ako buntis? Paano mangyayari 'yun ni wala nga akong boyfriend at hindi ako nakikipag-
"Hoy! Bakla, nangyari sa'yo? Namumutla ka lalo. Malala na ba ang sakit mo? Dadalhin na kita sa ospital. Sabi mo wala knag sakit. Magsalita ka naman. Kinakabahan na ako sa'yo." Natatarantang aniya.
"Okay lang ako may naalala lang. Perciciano-"
"Eww! 'Wag mo nga akong tawaging Perciciano nakakabawas ng kagandahan, e." aniya.
"Oo na Percy. Wala akong sakit at hindi ako buntis kaya manahimik ka na r'yan. Anong oras na, o, baka malate ka na naman sa klase mo."
"Oo nga pala baka wala na akong abutang estudyante sa classroom ko. Pero sigurado ka bang ayaw mong dalhin kita sa ospital." aniya.
"Wala nga akong sakit. Kaloka 'to. Umalis ka na nga. Tsupi." Pagtataboy ko sa kanya.
Pagkaalis ni pinsan. Dali-dali akong nagpalit ng damit at nagtungo sa pinakamalapit na botika sa'min.
BINABASA MO ANG
THE BROKEN REAPER --- [COMPLETED]
ActionAfter the death of his unrequited love, Trivor McCain is more aloof to his family. He always go out in the morning and return to home drunk next day with several bruises on his face. Then Reena De Ocampo, a nobody's girl appeared in Hayes-McCain's m...