Trivor's POV
Uwaahhh! Uwaahhh! Uwaahhh!
Uwaahhh! Uwaahhh! Uwaahhh!
Uwaahhh! Uwaahhh! Uwaahhh!
"ARRGGH! SHUT THE HELL UP!" Hindi ko na talaga matagalan yung ingay ng dalawang to.
Kagabi pa sila iyak ng iyak. Hindi ko alam kung bakit, hindi naman sila ganito kahit iniwan pa sila ng nanay nila.
"Wag mo ngang sigawan ang dalawang bata. Kung galit ka wag mo silang idamay. Napapabayaan mo na nga sila sinisigawan mo pa." Wala na akong nagawa ng kunin ni Ate Suzane at Claire yung mga anak ko.
"ANO?!---Kailan to nangyari?---KAGABI?!---Bakit raw niya ginawa?!---HINDI MO ALAM?!" Napalingon naman sa akin si Chris habang may kinakausap sa kanyang phone.
"Okey. Okey, papunta na ako diyan." Inend call na niya ang tawag.
"Sino yung tumawag? Kung makipag-usap ka para kang sira. Lalakas ang boses tapos hihina, tapos lalakas ulit at hihina ulit.__Sino ba yun?" Para siyang sira kanina.
"Si-si Courage. Ma-may ginawa kasing di maganda si Yassy." Oh?! Ano na naman kaya ang ginawa nong pamangkin kong yun.
"Ano na naman ang ginawa niya ngayon?" Natatawa kñg sabi.
Ito kasing si Yassy kahit 1 year old pa madami ng kalokohang ginagawa. Akalain niyo yun nilagyan niya ng bubble gum yung uupuan ni Mr. Mahindra nong nagmeeting sila ni Courage sa isang restuarant.
"Yu-yung portrait naming tatlo nahulog, dinrowingan ba naman ng pangil at sungay.__Sige pare, mauna na ako tuturuan ko pa ng leksyon yun." Asus! Tuturuan daw ng leksyon, eh, bibigyan mo pa yun ng reward. Hahaha.
Pagkaalis ni Chris biglang nagring ang phone ko.
Adam Calling...
Ano kayang tinawag ng lalaking to?
"Oh! May problema?" Pangbungad ko agad.
[Boss meron nga, pinasok ng mga Agustin ang hide-out, kinuha lahat ng equipments natin at hinahanapan na tayo ng mga customer natin kung asan na daw yung mga baril na order nila.]
"Kailan to nangyari? Bakit ngayon lang niyo to sinabi sa akin?" Kung ganun kumikilos na pala ang hambog na yun.
[Nong isang araw lang po boss.]
"Ganun ba? Sige, pupunta ako diyan, tipunin mo lahat ng tao natin. I'll be there in 1 hour."
[Hindi na po boss. Papunta na kaming lahat diyan sa pilipinas. Sinabi po sa amin na nahuli naming isang tauhan ni Agustin na magpaparty ito sa makalawa.]
"Okey! Dito na kayo sa mansyon dumiretso ng mag-usap tayo agad kasama ang mga pinsan ko."
[Opo Boss!]
Madumi ka talagang pakipaglaro Agustin, sinamantala mo ang kahinaan ko. Wag kang mag-alala bibigyan kita ng magandang laro.
-----------------------"Anong pag-uusapan natin at kumpletong-kumpleto tayong lahat?" Kuya Clay.
Dumating na kasi yung mga tauhan namin mula London kasama si Adam ang right hand ko.
Sinabi ko sa kanila na mag-oorganize ng isang masquerade party si Agustin sa makalawa. Lahat ng mahahalagang tao sa larangan ng negosyo, pati ang naghahari sa underground business ay imbitado.
"Uunahan natin si Agustin bago tayo ang mapatay nila."
"Boss, paano natin malalaman kung sino sina Agustin at mga tauhan niya, na lahat ng tao ay nakamaskara?" Gerald, isa sa mga tauhan ko sa London.
"Magpapagawa ako ng mga maskara natin na may tracker para makilala niyo ang mga kasamahan natin kung sakaling magkakagulo na."
"Paano natin malalaman kung mga tauhan ni Agustin ang makakaharap natin sa party? At paano na yung mga inosenting tao sa party na yun?" Jason, isa rin sa mga tauhan ko sa London.
"Sina Michael at Angelo na ang bahala diyan." Tiningnan ko yung dalawa at nag-okey sign pa.
"So, okey na pala ang lahat." Kuya Clay.
"Kailangan niyo lang maghanda sa araw na yun.__Now, meeting is adjourned." Nagsialisan na sila.
"Sigurado ka na ba kay Gael Agustin? Paano si Reena?" Kuya Clay.
*****
2 Chapters to go...Thanks for reading!
-dkc
BINABASA MO ANG
THE BROKEN REAPER --- [COMPLETED]
ActionAfter the death of his unrequited love, Trivor McCain is more aloof to his family. He always go out in the morning and return to home drunk next day with several bruises on his face. Then Reena De Ocampo, a nobody's girl appeared in Hayes-McCain's m...