TMS 4

18.4K 344 3
                                    

Reena De Ocampo

Mag-aapat na buwan na ang tiyan ko. Sobrang saya ko nang malamang malusog naman pareho ang babies ko. Hindi ko pa rin alam ang gender nila sabi kasi ni doktora Michelle parang nagtataguan daw ang dalawa baka sa ikalimang buwan magpapakita na ang mga ito.

Hindi ko na rin ulit nakita ang ama nila. Ayos lang hindi naman ako umasa na magko-cross ulit ang landas naming dalawa. Marahil ay hindi talaga sang ayun ang tadhana na magkita ulit kami. Kayayanin kong palakihin ng maayos ang babies ko at bubusugin ko sila ng pagmamahal.

"Tapos ka na r'yan, bakla? Grabe ka naman bakla isang oras kang nakatutunga r'yan sa harap ng salamin at hindi ka pa nakapagbihis. Anong gusto mo bihisan pa kita r'yan?" ani ni Percy nang maabutan akong hindi pa nakabihis at nakatunganga lang sa salamin.

Binigyan ko siya ng nakakalokong ngiti. Mabiro nga.

"Magandang suggestion 'yan , bakla. Sige na bihisan mo na ako." Natawawang ani ko.

"Ew! Mandiri ka nga bakla. Magbihis ka na r'yan. Mamimili pa tayo ng mga bago mong damit. Tumataba ka na hindi na magkakasya ang mga luma mong damit." aniya.

Naningkit ang mga mata ko habang sinusundan ng tingin ang baklang papalas ng kwarto ko. Alam ko namang tumaba ako kailangan pa talagang ipamukha sa'kin at saka tatlo kaya kaming kumain alangan namang magda-diet ako.

Nakasimangot akong lumabas ng kwarto ko nang makita si bakla na nagmi-mirror selfie. At talagang nang iinis pa. Pini-picture-an lang naman ang katawan niyang mukhang palito ng posporo.

"Hihintayin na lang kita rito sa kotse. Nakakahiya naman kasi sa'yo mukhang hindi ka pa tapos d'yan sa picturial mo."

Napatingin naman siya sa gawi ko.

"Ay! Bakla, nand'yan ka na pala. Hindi ka naman nagsabi. Tara na. Gora na tayo." aniya saka pumasok

"Bilisan mo bakla, gusto ko ng himasin ang pwet ni Jollibee." Nang tumuntong sa ikatlong buwan ang tiyan ko hindi na ako mapakaling hindi mahimas ang pwet ni Jollibee sa isang linggo.

Nagsimula kasi ito nang pumunta ako sa school na pinapasukan ni Percy. Habang patungo ako sa faculty nadaanan ko ang isang classroom ng mga special na bata at kasalukuyang may sumasayaw na Jollibee dahil birthday ng isang estudyante no'n. Biglang nagningning ang mga mata ko nang kumikembot-kembot si Jollibee. Walang ano-ano'y pumasok ako ro'n at hinimas-himas ang pwet ni Jollibee.

"Ngiti-ngiti mo r'yan, bakla?" aniya.

"Naalala ko lang ang pwet ni Jollibee. Malapit na ba tayo? I can't wait to touch his butt."

"Kaloka ka talagang buntis ka. Paano mong nasisigurong his si Jollibee, aber?" aniya.

Teka, ano nga ba si Jollibee? Babae o lalaki? Bakla o Tomboy?

"Pakiramdam ko lang. Teka nga, walang basagan ng trip. Ipa-pikot na talaga kita."

"Oo na. Boylet na si Jollibee. Nang matahimik ka na r'yan." aniya.

Mabilis kaming nakarating sa mall. Hindi naman traffic sa daan. Hindi pa naman kasi rush hour sa ngayon.

"Bakla, ayun si Jollibee! Ihinto mo bilis baka makaalis na 'yun." Good timing talaga at si Jollibee ang una kong nakita bago pa kami makapag-umpisang mag-shopping ni Bakla.

"Sandali lang malapit na rin naman tayo sa parking lot. Ipa-park ko muna 'to." aniya.

"E, bakla baka mawala na sa paningin ko si Jollibee." Nakangusong ani ko.

"Edi, pumunta tayo sa branch nila at hanapin natin ang Jollibee na 'yun." aniya.

"E, sige na bakla, promise hindi na talaga kukulitin tungkol kay Jollibee. Sige na, o, paalis na siya." Nanunubig ang mata kong nakatingin kay bakla.

THE BROKEN REAPER --- [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon