TMS 2

21.8K 363 2
                                    

Reena De Ocampo

"Pasensiya ka na miss, lalaki talaga ang hanap ng boss ko."

Buong araw akong naghahanap ng trabaho at pang walong fast food chain ko na 'tong ina-apply-an ngunit hanggang ngayon hindi pa rin ako matanggap-tanggap. Keyso raw lalaki ang hinahanap nilang service crew o di kaya'y wala ng bakante.

Ang hirap maghanap ng trabaho sa panahon ngayon lalo na't kapag hindi ka nakatapos ng pag-aaral.

"Sige po. Salamat na lang po."

Bagsak ang mga balikat nang ako'y makauwi. Isang araw na naman ang nasayang.

"Nakauwi ka na pala, bakla? Kumusta ang paghahanap mo ng trabaho? Nakahanap ka na ba?" ani ni Percy nang makarating ako ng bahay.

"Wala pa rin, e. Bakla, baka may hiring sa eskwelahan niyo kahit janitor ayos lang basta may trabaho ako at makapag-ipon para sa panganganak ko."

"Sinong manganganak?"

Sabay kaming napatingala ni Percy sa itaas. Kahit hindi ko lingunin si Percy sa tabi siguradong pareho kaming nanlalaki ang mga mata.

"Auntie/My!" sabay naming ani.

Akala ko ba sa susunod na linggo pa ang balik ni Auntie.

Ilang beses akong napalunok habang sinusundan ng tingin si Auntie pababa ng hagdan.

"Sino nga ang manganganak?" Pag-uulit nito.

Abot langit ang kaba ko nang pasadahan ako ng tingin ni Auntie Dina.

"Alam ko pong lagi niyo po kaming pinapangaralan at malaki pa po ang pangarap niyo para sa'ming magkakapatid at magpinsan. My, I'm really sorry, buntis po ako." Mangiyak-ngiyak na ani ni Percy habang nakaluhod sa harap ni Auntie Dina.

Kung nasa ibang sitwasyon nga lang kami ngayon paniguradong sasakit ang tiyan ko sa kakatawa. Ginaya pa kasi nito si Toni Gonzaga sa Four Sisters and the Wedding.

"Ako'y tigilan mo Perciciano Makaraeg V hindi ka buntis wala kang matres." ani ni Auntie Dina.

"My naman, its Percy. Bakit naman po kasing  sinunod niyo pa sa mga kanunununuan natin ang panglan ko." Nakasimangot na ani ni Percy.

"Nandito na po ako!" ani ni Pearl, ang bunsong kapatid ni Percy.

"My, nandito ka na? I miss you." ani ni Pearl saka dinamba ng yakap ang ina.

"Bitawan mo na nga ako. Bakit ngayon ka lang? Kanina pa tapos ang klase mo, a." ani ni Auntie Dina.

Bumitaw sa pagkakayakap si Pearl at hinarap ang ina.

Nakahinga naman ako ng maluwag nang naiba ang usapan. Mabuti na lang at late nang nakauwi si Pearl.

"Galing po ako sa bahay ng kaklase ko. Gumawa po kami ng project namin." ani ni Pearl.

"Sana naman nagpaalam ka nang hindi ako nag-aalala." ani ni Auntie.

"Ang akala ko po kasi sa susunod na linggo pa po ang uwi n'yo." ani ni Pearl.

"Ganyan ang isang 'yan, My. 'Pag wala po kayo rito kung saan rumarampa." sabat ni Percy.

Noon pa man hindi na magkasundo si Percy at si Pearl. Spoiled bratt kasi itong si Pearl. Pearl wants. Pearl gets. Habang si Percy noong kaedaran niya ay kailangan pang maka-perfect ng dalawang exam para makuha ang gusto.

"Sino kaya, no, ang naggagala sa ospital sa oras ng trabaho." Nakangising ani Pearl habang palipat-lipat ang tingin sa amin ni Percy.

"Bakit sino ang nasa ospital?" ani ni Auntie.

THE BROKEN REAPER --- [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon