A/N
I don't own detective conan ^^ it's just a fan fiction, this is how I imagined DC will end :) please read all the 4 chapter :) thank you
----
GIN'S POV
Kudo Shinichi huh? Sa isip-isip ko habang nakatingin ako sa picture ng isang high school detective.
"Partner, mukang buhay pa siya at mukang walang kwenta 'yung ginawang gamot nung Sherry na 'yon! Ano ng balak mo ngayon?" Tanong ni Vodka.
"Hmn, girlfriend niya ba 'tong kasama niya sa picture-- hindi ba ito 'yung kasama niya sa Tropical Land?!"
"Oo siya nga, partner"
"Heh, Kudo Shinichi ... Mukang magkikita muli tayo. Kung kailangan gamitan ka ng dahas para magtagpo tayo gagamit ako"
CONAN/SHINICI'S POV
"Bakit ba Haibara? Bakit ganyan 'yung muka mo?" Tanong ko kay Haibara pagkalabas ko ng CR at ngayon nasa katauhan nanaman ako ng isang Conan Edogawa "Tinatanong mo ako kung bakit, Kudo?! Gawin mo naman ba na magpakita sa media bilang si Kudo Shinichi tingin mo hindi ako magagalit?! P-paano kung nakita nila Gin 'yun a-anong gagawin mo?!"
"O-oy, easy lang Haibara. H-hindi ko naman sinasadya na makita sa media. Gagawa ako ng paraan .. "
"A-ano na bang balak mo ngayon Shinichi?" Tanong ni Professor Agasa.
"Argh! W-wala akong maisip!"
"Bakit kasi kailangan mo pang pumunta sa isang lugar kung saan magnanakaw si Kaitou Kid? May utak ka naman diba, Sherlock Holmes of the modern world?! Alam mo naman siguro na may mga media duon! T-tapos nagawa mo pang kumuha ng sample ng APTX 4869, You Corpse magnet!"
"Hehe, tulungan mo nalang akong mag-isip ng paraan?"
"I'll pass!" Tapos naglakad na siya papasok sa isang kwarto "That evil-eyed yawny girl"
"Professor Agasa-- yung telepono ... "
"Ano, tititigan niyo lang ba 'yan?" Sabi ni Haibara na nakasilip sa pintuan.
Napabuntung hininga nalang akong lumapit sa telepono at sinagot ito "Oh, uncle Kogoro?"
"C-Conan! N-nandiyan ba si Professor Agasa?!!" Natataranta niyang sabi.
"Opo, b-bakit po uncle?"
"K-kailangan ko siyang maka-usap ngayon. Emergency lang! Brat, papuntahin mo na siya ngayon dito!"
"U-uncle, ano po b---- tsk! Binaba na niya"
"Bakit may problema ba, Kudo?"
"Ano 'yun, Shinichi?"
"Professor, pinapapunta ka sa agency ni uncle .. Tara na! Bilisan na natin, masama ang pakiramdam ko dito!" Tapos tumakbo na ako palabas ng bahay kasama si Haibara at si Professor Agasa.
Papasok palang kami sa loob rinig ko na ang pag-iyak nila Genta, Mitsuhiko at si Ayumi. Mukang may nangyari talaga, pero ano 'yun?!
Binuksan namin 'yung pinto at bumungad kaagad si uncle kay professor "Professor, sabihin niyo sa'kin nasan si Shinichi?! Sabihin niyo sa'kin!!!" a-anoba kasing nangyayari?! Nandito si inspecter Migure at si detective Satou,Shiratori at detective Takagi at ang maraming pulis.
"S-sandali .. " tinignan ako ni professor "Mouri, a-ano bang--" pagputol niya dito.
"S-si Ran .. Si Ran dinukot. Ang sabi ng mga bata, ang sabi sa kanila ang kapalit kay Ran ay isang Kudo Shinichi. Kaya please! Sabihin niyo na sa'kin, nasan 'yung lalaking 'yon?!"
"A-ang sabi nung lalaking dumukot kay ate Ran .. Kailangan na daw nilang tapusin ang lahat .. " sabi ni Ayumi habang umiiyak kay Haibara.
"At sinabi pa nung lalaking may mahabang buhok na nagtakip ng panyo kay Ate Ran bago siya mawalan ng malay ay code name: Gin" G-Gin?!
Nalaman pala talaga nila?! Pano na ngayon?! Si Ran ay!
"Conan ... " may inabot na papel sa'kin si Mitsuhiko "Ang sabi niya .. Ipa solve daw natin 'to kay Kuya Shinichi. Si kuya Shinichi lang daw ang may alam niyan."
"Iyan daw 'yung meeting place. Maghihintay daw sila diyan hanggang 8 ng gabi. Pero Conan! 30 minutes nalang ang meron tayo. Wala bang nababanggit sa'yo si kuya Shinichi tungkol sa code?" dugtong ni Genta.
"B-baka kung anong gawin nila kay ate Ran ... "
Binuksan ko 'yung papel at ang nakasulat ay Lets meet on the Past
"Professor! Nasan si Shinichi?! Buhay ni Ran ang nakataya dito!!!" Sabi ni Uncle.
"Pakiusap Mouri, kumalma ka lang .. Magiging ayos din ang lahat" sabi ni Inspector.
Ou, magiging ayos din ang lahat. Kahit kapalit pa ng buhay ko mailigtas ko lang si Ran sa organization pero .. Napatingin ako kay Haibara Kapag nilantad ko sa black organization na ako si Kudo Shinichi .. Imposibleng hindi nila malaman na siya si Shiho Miyano na siya si Sherry!
"Pero Inspector ... "
"Tandaan mo .. Batas parin ang mananalo. Mapapalitan din ng saya ang lahat ..."
S-saya?! .. Enjoy .. Joy .. Past? Ah! Alam ko na ngayon kung nasan sila! Pero a-ano na ang susunod kong gagawin?! "Nahulaan mo na ang code. Tama ba ako Edogawa?" Sabi ni Haibara.
"Nahulaan mo na ba talaga, Conan?!" Tanong ni Professor.
"N-nasaan?! Nasan sila?!" Tanong pa nilang lahat.
Nasa lugar sila kung saan nagsimula ang lahat! Sa Tropical Land!
"Sa Tropical Land .. " sagot ko.
"Tara na!" Sabi ni Inspector sa mga pulis "Detective Takagi, sasama po kami .." Sabi ni Genta.
"Nag-aalala din po kami kay Ate Ran .. " sabi ni Ayumi.
"Please, Detective Takagi, Inspector" dugtong ni Genta.
"T-tara na! Basta wag lang kayong gagawa ng ikakasakit ninyo .. "
"Opo!"
Sumakay na kami sa sasakyan ni Detective Satou "Ayumi, wala bang sinabi 'yung kumuha kay Ate Ran na dapat si Kuya Shinichi lang ang kailangang pumunta?" Tanong ko naman.
"S-sinabi nila 'yon .. "
"Pero .. Wala naman si Kuya Shinichi!" Sagot ni Genta.
"Parang hindi niya naman mahal si ate Ran!" Sabat ni Mitsuhiko.
Nagkakamali kayo .. Mahal ko si Ran, mahal ko siya higit pa sa buhay ko. P-pero a-ano ng gagawin ko ngayon?
"Mukang kahit ang Great Detective namomoblema din? Ngayon, Kudo ano ng balak mo? Wag mo sabihing ilalantad mo sa lahat na ikaw si Kudo Shinichi?" Mahinang tanong ni Haibara.
"Kung wala na akong choice para maligtas siya, wag kang mag-alala hindi nila malalaman na ikaw si Shiho Miyano" sabi ko sabay baba na sa sasakyan pagkahinto nito sa Tripical Land.
Pumunta kami sa lugar kung saan naganap ang pagpapalitan nuon at hindi nga ako nagkamali .. May sasakyang itim at may apat na tao sa gilid nito. Masyadong madilim kaya hindi namin makita ang mga muka nila ... Pero sigurado ako na sila Gin 'yon.
"Ohh? Si Kudo Shinichi lang ang pinapapunta ko dito kaya bakit kayo nandito?" B-boses ni Gin 'to.
---
A\N
Balak ko lang sana one chapter lang kaso mahaba rin pala, hehe. Guys, 4 chapter po 'to sana magustuhan niyo. Vote and comment :) thank you
BINABASA MO ANG
The Truth Revealed (Detective Conan_FanFiction)
FanfictionHmn, fanfic lang po ^^ --- Malalaman pa ba ni Ran na si Conan at Shinichi ay iisa? Mahuhuli pa ba ni Shinichi ang lahat ng miyembro ng BLACK ORAGNIZATION? Paano at Saan? Kailangan pa bang may mapahamak bago matapos ang lahat? Let's All Find Out ^^