The Truth Revealed (prt 2)

395 22 1
                                    


"Ohh? Si Kudo Shinichi lang ang pinapapunta ko dito kaya bakit kayo nandito?" B-boses ni Gin 'to.

----

"W-wala si Shinichi .. H-hindi namin alam kung nasan siya kaya paki-usap kung ano man ang atraso sa'yo ni Shinichi wag mo ng idamay si Ran"

"Hmn? Partner, patayin na ba natin sila? Tutal, hindi na naman nagpakita ang batang detective na'yon at ngayon mukang napapaligiran na tayo ng mga pulis bakit hindi nalang natin sila pasabugin" rinig kong sabi ni Vodka.

"W-wag, b-bigyan pa natin sila ng oras. May 5 minutes pa namang natitira" V-Vermouth?!

Nakakapanigurado ako. Si Vermouth ang katabi ni Ran na ngayon ay mukang wala paring malay. Lumapit ako ng kaonti sa kanila at nagtago sa isang pader. Tama nga ako.

Makalipas pa ang ilang minuto ng katahimikan , nagising na si Ran "Dad!"

"Ran! O-okay ka lang ba?!" Tanong ni Uncle.

"O-opo dad! S-si Shinichi po, nasan?!"

"W-wala, h-hindi siya nagpakita .."

"Itigil na nga natin 'tong usap na 'to" sabi ni Gin.

"Ano papatayin na ba natin 'tong babaeng 'to, partner?"

"G-Gin .. K-kaunti pang oras " sabi ni Vermouth.

Tinutukan ng baril ni Gin si Vermouth "Isa ka bang traydor at gusto mo ng mauna sa babaeng 'to?!"

W-wala na ba akong choice? B-bahala na! "Sandali!" Sabi ko gamit ang boses ni Kudo Shinichi gamit ang voice changing bowtie.

"'Tong boses na 'to .. H-hindi kaya .. " bitin pang sabi ni Inspector.

"Kudo?!" Nang marinig nila Gin ang pangalan ko agad nilang pinagbabaril 'yung pader na pinagtataguan ko. "K-Kudo!"

"S-Shinichi!" Sigaw ni Ran.

"Ngayon, bakit hindi ka lumabas diyan sa lungga mo, detective!" sabi ni Gin tapos pinagbabaril ulit 'yung pader. Nung tumugil siya "Matigas ka ah?"

"Angel!" Sigaw ni Vermouth kaya ibig sabihin tinutukan na ng baril ni Gin si Ran. Nasimulan ko na .. Bakit hindi ko pa 'to tapusin,diba?

Dahan dahan akong lumabas bilang si Conan. Walang nagbago sa expression ng muka kahit alam kong tututukan ako ng baril ni Gin kapag lumabas ako "S-sino ka?!" Tanong ni Vodka.

"C-Conan!" Sigaw nila Ayumi at ng mga pulis at detective "S-Silver Bullet .. ?" Mahinang sabi ni Vermouth.

"Asan si Kudo?!" Tanong ni Inspector.

"Ginamit ko ang voice changing bowtie na ginawa ni Professor Agasa, para magaya ko ang dating boses ko" Humarap ako kila Gin "Nandito na ako .. Kaya kung pwede lang pakawalan niyo na si Ran"

"A-anong pinagsasasabi mo, Conan?!" Tanong ni Uncle.

"Hindi pa po ba malinaw na ang ibig kong sabihin ay ako si Kudo Shini--argh!" Putol kong sabi nung paputukan ako ng baril ni Gin sa kanang braso ko "Conan!"

"Edogawa!" Rinig kong sabi ni Haibara. Lumapit sila sa'kin kasama sila ayumi. "Okay ka lang ba Conan?"

"Conan, tama na! Wag ka ng magpanggap na ikaw si Shinichi! Ayaw kong mapahamak ka! Kahit na minsan inakala kong ikaw si Shinichi, pakiusap wag mong isipin yung mga sinasabi ko noon!" Sabi ni Ran.

"Bata, itigil mo na nga ang paglalaro mo. Wala akong panahon sa--" putol ko sa kanila "Hindi ako naglalaro, nagsasabi ako ng totoo .. Ako si Kudo Shinichi. Isa akong detective na nakatestigo sa isang pagpapalitan dito sa Tropical Land. At dito mismo 'yon diba, Gin?. Pero sa kagustuhan niyong mapatahimik ako .. Pinainom niyo ako ng isang gamot na inakala niyong makakapatay sa'kin---" putol naman ngayon sa'kin ni Haibara.

"APTX 4869 na ako mismo ang gumawa, Vodka, Vermouth at Gin ..." Kalmadong sabi niya.

"H-Haibara!" Sabi ko naman, pero dahil sa sugat ko sa braso hindi ako makagalaw ng maayos "Wag mo naman sa'kin sabihin na ikaw si Shiho Miyano o dapat kong itawag sa'yo ay Sherry .. " sabi ni Gin.

"Tama ka ... Ako nga si Shiho Miyano at ang code name ko ay Sherry. At ito ang naging ipekto sa'min ng gamot na ginawa ko"

"Haibara, a-ano bang nangyayari?" Tanong nila Mitsuhiko.

"A-ano na nga ba talaga ang nangyayari? A-ano bang mga pinagsasabi niyo?!" Tanong ni Inspector.

"A-ang totoo po, Inspector Megure" sagot ko.

Tumayo na ako ng maayos at tiniis na lamang 'yung sakit ng braso ko "Kudo Shinichi .. Shiho Miyano " sabi ni Gin habang nakatututok sa'min 'yung baril na hawak niya.

"Ngayon na niniwala ka na ba?!" Tapos tinanggal ko na 'yung eye glasses ko "Kailangan niyo ng mamatay!"

Hinanda ko na 'yung sarili ko at dali dali akong pumuwesto ako sa harapan ni Haibara dahilan para ako 'yung unang mabaril at kamalas malasan sa dibdib pa ako nabaril "Kudo/Shinichi/Conan/Silver Bullet!" Sigaw nilang lahat.

Nakita kong binaril ni Vermouth yung tali ni Ran at parehas na nilang inataki mula sa likod si Gin at si Vodka. Ginamit ni Ran ang karate para mapataob si Gin at si Vermouth naman ang umataki kay Vodka. Di ko akalain na tutulungan kami ni Vermouth At bago pa ako mawalan ng malay nakita ko pang dumating ang FBI na kasama ang ilan pang miyembro ng black organization.

"Shinichi .. Shinichi!" Boses ni Ran bago pa ako tuluyang mawalan ng malay.

***

"Shinichi! Shinichi!" Ramdam ko ang mga luhang pumapatak sa muka ko na galing sa umiiyak na mata ni Ran. Pinilit kong idilat ang mga mata ko "R-Ran ... S-sorry. S-sorry ... Kung .. N-ngayon mo lang ... N-nalaman ang .. T-t-totoo" hindi ko na napigilan 'yung luha ko, pero ngumiti ako sa kanya.

"A-ano bang pinagsasabi mo! Lalo kitang hindi mapapatawad kapag iniwan mo ako!" Sabi niya habang umiiyak. Nasa ambulansiya kami ngayon papuntang Beika Hospital.

Tumingin ako sa paligid , nandito sila Haibara at ang Detective Boys pati narin si Professor at si Uncle "Ayumi, Genta, Mitsuhiko, s-sorry. H-Haibara, A-ano na bang nangyari sa kanila?" Tanong ko.

"Wag ka ng mag-alala, nahuli na sila .. " sagot ni Haibara.

"Con-- Kuya Shinichi, naiintindihan po namin. Pinaliwanag na po sa'min ni Ai-- Ate Shiho ang lahat .. " Sabi ni Ayumi na nanggigilid na ang luha sa kanyang mata.

"Pero bata, hindi ko akalain na ikaw yung batang detective na'yon. Pero salamat at hindi ka natakot na lumabas kanina para pigilan 'yung pagbaril kay Ran .. K-kahit na sigurado kang mapapahamak ka, salamat talaga. " sabi ni uncle at ngiti lang ang sinagot ko sa kanya.

"I-inaantok na ako ..." Sabi ko sabay pinikit ko na ang dalawa kong mata.

Nagulat nalang ako nung bigla silang nag-iyakan. A-anong meron? "S-Shinichi!!! Please! W-wag mo akong iwan! Please! Shinichi! Gumising ka! Please---" dinilat ko 'yung mata ko at lahat sila natahimik.

Bakit akala ba nila patay na ako? Grabe naman sila sa'kin ...

"B-buhay pa'ko pinapatay niyo na'ko =_="

"You deduction freak!" Tapos siniko niya 'yung sugat ko sa dibdib "Aray! Ran, ayaw mo ba akong mabuhay?!"

"Kasalanan mo 'yan kasi sinundan mo pa 'yung mga lalaking nakaitim na 'yon tapos iniwan mo lang ako basta basta doon!"

"W-wag ka mag-alala hindi na ako aalis sa tabi mo simula ngayon .... "

___
Just continue on next chapter :)
  ---->
|
v

The Truth Revealed (Detective Conan_FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon