"Salamat" pumasok na ako sa CR at duon nga bumalik ako bilang si Kudo Shinichi. Paglabas ko akalain niyo 'yun may mga party poppers pa? "WELCOME BACK, KUDO SHINICHI!!!!"
---
Tapos ayon nga nagkainan pa at nagkasayahan nakalimutan na ba nila na may klase pa kami?
At after almost mag 1 hour naglakad na kami ni Ran papasok sa Teitan High kasabay ang Detective Boys, pero dahil sa pagbabalik din ni Haibara sa totoo niyang katawan, naiwan siya kila Professor. "Bye, Kuya Shinichi!" Sabay sabay nilang sabi tapos humiwalay na sila sa'min ni Ran
"S-Shinichi, paano kung may nakita ka ulit na ganung tao susundan mo parin ba sila?" Seryosong tanong ni Ran.
"Ou .. Dahil trabaho ko 'yon bilang isang detective"
"Ibig mo bang sabihin okay lang sa'yo na magkahiwalay ulit tayo?"
"H-hindi iyon 'yung ibig kong sabihin, Ou susundan ko sila pero tandaan mo ran .... Hindi na ako katulad ng dati, maari na akong magpatulong ngayon hindi lang sa mga Japanese Police kundi narin sa FBI diba?"
"Pero Shinichi paano kung maulit ulit ang nangyari sa'yo?"
"Kilala kita Ran, susundan mo ako para pigilan kapag ginawa ko 'yon dahil sa kagustuhan mong maiwasan ang nangyari noon diba?"
"Shinichi ... "
Niyakap ko siya "Wag ka mag-alala Ran, kahit maulit 'ulit 'yon at bumalik ako sa pagiging Conan Edogawa ... hindi parin mababago na mahal kita ... "
"Mahal rin kita, Shinichi ... "
Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya. Hahalikan ko na sana siya nung bigla nalang akong nahulog sa lapag .. O_O ANO NAMAN 'TO NGAYON?! BAKIT LUMIIT ULIT AKO?! "Shinichi?!"
Sa pagkakabagsak ko may nahulog na papel sa uniform ko Heh, wag kang mag-alala lalaki karin after 30 seconds. Hindi ko na nilagyan yung gamot na papasakitin ang dibdib mo, medyo naawa kasi ako. Tsaka, ayaw mo nun exciting ang pagliit mo? Haha! Ganti ko lang 'yan dahil sa pagiging padalos-dalos mo hay! Pasalamat ka nalang at hindi ka pumalya, Great Detective Of The Modern Wolrd!
That Evil-eyed Yawny Girl!
Nagulat nalang ako nung buhatin ako ni Ran na parang bata "R-Ran? I-ibaba mo ako, n-nakakahiya! Uy!" Nakangisi lang siya habang buhat ako at naglalakad siya. Tae, ginawa niya akong isang taong bata tapos ang laki pa ng damit ko >\\\< "R-Ran, i-ibaba mo na ako .. Flat Chested!" Sabi ko dahilan para bitawan niya ako at sa pagbagsak ko sakto namang bumalik ako sa totoo kong katawan."Aray ... "
"Shinichi--" bitin niyang sabi nung halikan ko siya, para hindi niya mapagalitan "Ikaw na ba si Kaitou Kid para magnakaw ka ng halik?! Well siya nagnanakaw ng diamond pero ikaw, halik?!" Sabi niya pero tinakbuhan ko lang siya.
"Pasalamat ka mahal kita, kung hindi lalo kitang ikukulong dito sa puso ko .. " mahinang sabi niya na narinig ko naman.
"Salamat, mahal rin kita at ikaw lang din ang nasa puso ko"
---
At simula nung araw na 'yon lagi na kaming magkasama ni Ran at ng Detective Boys. Lagi kaming mga Detective Boys ang nagsosolve ng mga kaso at pinapayagan naman kaming mag-imbistiga. Si Haibara, kila Professor na nanunuluyan at ang mababait kong magulang ayon, nasa ibang bansa nanaman. Si Kaitou Kid, onti-onti ng naliliwanagan sa nangyari sa daddy niya kaya kaunting clue pa malalaman ko na kung sino ang pumatay sa totoong Kaitou Kid, well sana mahuli ko siya. Si Okiya Subaru o Akai Suichi ay umalis na sa bahay namin at kasama na niya ngayon ang ilan pang FBI. Ang lahat ng bagay sa paligid ay bumalik na sa dati .. Pero ang pag-iibigan namin ni Ran sa isat-isa hindi mababago kahit kailan pa ...
*-*-*-*-*-*-
A\NFirst FanFiction ko 'to. Sana nagustuhan niyo :) vote and comment :) also try my other story, Thanks
THANK YOU FOR READING :)
BINABASA MO ANG
The Truth Revealed (Detective Conan_FanFiction)
FanfictionHmn, fanfic lang po ^^ --- Malalaman pa ba ni Ran na si Conan at Shinichi ay iisa? Mahuhuli pa ba ni Shinichi ang lahat ng miyembro ng BLACK ORAGNIZATION? Paano at Saan? Kailangan pa bang may mapahamak bago matapos ang lahat? Let's All Find Out ^^