"W-wag ka mag-alala hindi na ako aalis sa tabi mo simula ngayon .... "---
"Shinichi ...... "
"Kaya please lang Ran, patulugin mo muna ako?" Yung muka niya .. Halatang nainis siya sa sinabi ko kaya tinulugan ko siya sa sobrang takot.
***
"Idiot, syempre makakabalik pa siya no!" Hattori?!
Dinilat ko na ang mata ko at bumungad sa'kin sila Mom, Dad, Ran, Detective Boys, Sonoko, Hattori, Kazuha wait! Bakit nandito rin ang mga detective at si Inspector lalo na ang FBI?!
"Oh co-ahem ahem Kudo, buti gising kana? Kamusta ba ang pakiramdam mo?" Tanong ni Inspector Megure.
"O-okay na naman po .. " sagot ko pero nagulat ako nung yakapin ako ni Mom pagkaupo ko"Buti okay na ang Shinichi ko"
"M-Mom, n-nakakahiya >\\\< "
"Kudo .. " tapos may inabot sa'kin na papel si Haibara. S-sulat galing kay Vermouth ... Binuksan ko na at Kudo Shinichi, ikaw talaga ang Silver Bullet na nakapagpataob sa organization namin. Gob well done, Silver Bullet Vermouth ....
"Waa! Buti buhay ka parin matapos ng tama na 'yon, hahaha!" Sabi ni Hattori tapos inakbayan niya pa ako.
"Pero Shinichi, kailan ka makakabalik sa dati mong katawan?" Tanong ni Ran.
"Ou nga, Kudo" dugtong ni Kazuha.
"Excited na ang Ran mo na makabalik ang asawa niya no" sabi ni Sonoko na ikinapula ko >\\\<
"Bukas matatapos ko na ang gamot para sa pagbabalik niya sa totoo niyang katawan. Sapat na ang nakuha kong data para sa gamot .. " pagsagot naman ni Haibara.
"Talaga, Ai-I mean Ms. Shiho?" Masasaya nilang sabi. Pero kung ang lahat ay masaya si Ayumi, Genta at si Mitsuhiko naman ay tahimik lang sa tabi "Ayumi, Genta, Mitsuhiko, may problema ba?" Tanong ko.
"Kung b-babalik ka na bilang si Kuya Shinichi .. Ibig sabihin ba noon mawawala na ang Detective Boys?" Tanong ni Mitsuhiko.
"Hindi na ka na ba namin makakasama bilang si Conan?" Tanong ni Ayumi.
"At si Haibara, hindi narin ba namin makakasama?" Tanong ni Genta.
Biglang nawala ang saya sa paligid. Kaming dalawa ni Haibara hindi namin alam kung anong dapat naming sabihin "Pwede parin naman nating ipagpatuloy ang Detective Boys diba? Kung mawawala ako bilang si Conan Edogawa wag kayong mag-alala babalik ako bilang si Kudo Shinichi 'yun ay kung tatanggapin niyo parin ako ... Mas maganda kung sama sama tayong magsosolve ng mga cases diba? " nakagiting sabi ko sa kanila.
Sa sinabi ko nakita ko ulit ang mga ngiti sa mga muka nila "Tatanggapin po namin kayo, Kuya!"
"At ang isa pa, malapit lang ang bahay ni Kudo kila Professor at wag din kayong mag-alala hindi na ako aalis kila Professor ^^" sabi ni Haibara. Yinakap kaagad siya ni Ayumi.
"Kudo, kapag okay na ang pakiramdam mo tatanungin ka namin para sa ilan pang impormasyon" sabi ni Inspector, tumango lang ako.
"Tara na Takagi, Satou, Shiratori"
"Opo, Inspector! Oh pano Kudo, magpagaling ka ah?" Sabi ni Detective Satou.
"Kaya pala ang galing mong maghanap ng mga clue pag may mga cases, isang mahusay na detective pala ang nasa katauhan mo" sabi ni Detective Takagi.
"Edi ibig sabihin, si Detective Mouri ay---" napatigil ang lahat at nagtinginan kay Uncle "Ibig sabihin, hindi si Dad ang nagsosolve ng mga kaso kung hindi si Shinichi?" Nagtatakang tanong ni Ran.
"P-pero paano?" Tanong ni Kazuha.
"Gamit ang stun gun wristwatch na inimbento ni Professor Agasa ay pinapatulog niya ang Great Sleeping Detective Kogoro kung tawagin at ginagamit ni Kudo ang voice changing bowtie para magaya niya ang boses ng Great Sleeping Detective para ma solve ang kaso" pagsagot nalang bigla ni Haibara.
"Shinichi!!!!!" Hala!!
"HAHA! Oh pano Mouri, goodluck sa mga kliyente mo without the help of Conan Edogawa, HAHAHA!!!" Masayang sabi ni Inspector Megure habang papalabas sa room ng hospital kasama sila Detective Takagi "Humpf! Papatunayan ko sa'yo Shinichi na ako parin ang Great Detective"
"Ate Ran, pwede mo ba kaming samahan na bumili ng hapunan ni Co-kuya Shinichi?" Tanong ni Ayumi.
"Ou nga pala no, tara bili na tayo ng panglahat. Oh pano Shinichi, bibili lang muna kami" sabi ni Ran.
"Sabay na ako sa inyo, Ran" sabi ni Uncle.
Luamabas na sila ng room at ang natira sa loob ay ako, si Haibara, si Professor, si Dad, si Mom at si Hattori. Biglang may kumatok at nung pagbuksan ni Hattori at isang nurse ang pumasok "Ah, pwede po bang maiwan niyo muna kami ng pasyente. May i-checheck lang po ako sa kanya"
"O-okay .. " tapos lumabas na sila.
"Kaitou Kid, ikaw 'yan diba?" Tanong ko.
Tinanggal niya 'yung mask niya "Argh! Lagi mo talaga akong nahuhuli ... "
Umupo siya sa gilid ng kama ko "Buti okay kana? Napanuod ko sa balita ang pagbagsak nila. Iba ka talaga, detective"
"Heeeh?? Muka ba akong okay, matapos kong mabaril sa dibdib? .... Kid, may gusto lang sana akong tanungin. Bakit ka nagnanakaw, pero binabalik mo rin naman?"
"Hindi ko akalain na tatanungin mo sa'kin 'yan pero sige sasagutin ko. Simple lang dahil gusto kong lumabas at magpakita sa'kin ang pumatay sa daddy ko. Nagbabakasakali ako na baka pag nagpanggap ako bilang si Kaitou Kid baka sakaling magpakita siya at magtaka kung bakit buhay pa ang pinatay niya .. "
"Ang ibig mo bang sabihin ang dad mo talaga ang totoong Kaitou Kid?"
Tumango siya "Kung ganun pala ang rason mo .. Kung gusto mo tutulungan kita sa kaso?"
Bumalik ang ngiti niya "Ikaw lang ang mapagkakatiwalaan kong mahusay na detective .. Pero bago 'yon magpagaling ka muna" tapos nagpalit na siya at naging Kaitou Kid na ulit siya.
"Pumunta lang ako dito para kamustahin ka. Magpagaling ka, Kid Killer~" tapos lumipad na siya gamit ang hang glider.
Makalipas pa ang ilang araw nakalabas narin ako ng Hospital at ito na ako ngayon kila Professor hinihintay lumabas di Haibara sa kwarto. At ang napansin ko lang padami ng padami ang pumupunta dito sa bahay nila Professor, una sila mom at dad lang kasama sila Ran at Uncle pero ngayon pati ang Detective Boys, mga Detective at si Inspector Meguri at ang FBI na sila Agent Camel at mukang habang nasa Hospital ako nalaman na ng FBI na si Okiya Subaru at Akai Suichi ay iisa.
Bumukas na ang pinto at pati si Haibara ay nagulat din sa sobrang dami ng tao "K-Kudo " tapos hinagis na niya sa'kin 'yung gamot. Inabot niya narin sa'kin yung high school uniform ko, may klase kasi kami ni Ran after 1 hour. Akalain niyo 'yun wala akong pahinga?
"Salamat" pumasok na ako sa CR at duon nga bumalik ako bilang si Kudo Shinichi. Paglabas ko akalain niyo 'yun may mga party poppers pa? "WELCOME BACK, KUDO SHINICHI!!!!"
___
Just continue on next chapter :)
---->
|
v
BINABASA MO ANG
The Truth Revealed (Detective Conan_FanFiction)
FanfictionHmn, fanfic lang po ^^ --- Malalaman pa ba ni Ran na si Conan at Shinichi ay iisa? Mahuhuli pa ba ni Shinichi ang lahat ng miyembro ng BLACK ORAGNIZATION? Paano at Saan? Kailangan pa bang may mapahamak bago matapos ang lahat? Let's All Find Out ^^