Chapter 1: The "Feisty Angels" Gang

829 13 3
                                    

Warning: This story may contain brutal actions and words that is not suitable for "very young" readers. Pero kung immune na kayo sa bad words, edi sige XD 

Dedicated to Ate AM :) Sya inspiration ko dito eh. Mwehehe God Bless po ate! :3

________________________________________________

Alexis "FLAME" Villafuerte's POV:

Nakarinig nanaman ako ng isang malutong na pagsampal. Napangiwi ako sa hapdi. Medyo malakas yun ah!  Putcha! Pangalawa na toh ah.

I like this B*tch. Correction, I really like to Kill this B*tch.

"Is that all you got honey?" Pangaasar ko lalo dito.

"Fvck you! B*tch!" bulyaw nito sa akin at akmang sasampalin nanaman ako.

Mabilis kong hinablot ang buhok nya at hinampas ang nakakabwiset na mukha nya sa lamesa sa tabi ko.Napangiwi siya sa sakit habang nakikita kong namumula na ang kanyang pisngi at biglang may tumulong luha mula sa mata nya. Nakita ko naman ang dugo sa gilid ng labi nito na sanhi siguro ng pagkakauntog ko sa mukha nito. Napangisi lamang ako sa nakikita ko. 

"Suko ka na? Isa pa lang yan suko ka na agad? Hmm.... Ano kaya yung pangalawa na gagawin ko? Tutal nakadalawa ka namang sampal sakin eh." Sarkastikong pagkakasabi ko dito.

Tiningnan ko ang mga kaibigan ko na tapos nang bigyan ng leksyon ang mga alipores nitong mukang ipis na babae na sumampal sa akin. Tiningnan ko ang itsura ng mga alipores ni ipis, may isang Hindi pantay-pantay ang buhok dahil ginupit ni Light. Ang isa naman ay puro lipstick ang mukha at ang isa naman ay puro pasta ang uniporme. Tsk tsk. Medyo naging brutal sila ah at may "mas" brutal pa dyan pero ginagamit lang nila ito sa gang war.

"Tama na yan Angels." Utos ko sa kanila.

Tumayo na sila ng ayos at umupo sa upuan namin kanina dito sa Cafeteria ng school na pinapasukan ko.. Sa ngayon.

"Ah.. Alam ko na kung ano gagawin ko sayo."  Sabi ko sa babaeng nasa harapan ko ngayon.

Akmang lalapitan ko na siya ng biglang may tumawag sa akin mula sa speakers ng School.

"Miss Alexis Margaux Villafuerte, go to the Principal's Office. Now" Napangiwi ako sa narinig ko. Hindi dahil pinapatawag nanaman ako ng isang pricipal, kundi ang pagtawag nito sa buong pangalan ko. Ayoko ng binabanggit ng buo yung pangalan ko. -_____-+++

 Ang totoo nyan, Kumakain dapat ako dito ng tahimik kasama ang mga kaibigan ko. Eh biglang dumating yang mukhang ipis na yan at sinabing nilalandi ko daw ang Boyfriend niya. Tangna, kasalanan ko bang maakit yang boyfriend nya sakin kahit wala akong ginagawa?! Ako na nga nabastos, ako pa masama?! Ugh! Ayan tuloy Nasapak ko sya, gagu eh. -___-  Kakalipat ko lang kasi dito sa School na 'to. Ayy hindi pala, NAMIN. Pangatlo na yata namin toh ngayong School year na toh sa loob ng isang buwan. tsk tsk.

Napatigil ako sa paglapit kay Ipis at tumayo ng ayos. inayos ang buhok, at umalis sa harapan niya.

"See you LATER, darling." Sabi ko sa babaeng mukhang ipis habang naglalakad palabas ng Cafeteria kasunod ang mga kaibigan ko. Hanggang sa makalabas kami ay tahimik pa rin ang mga estudyante sa loob. Hay, ngayon lang ba sila nakakita ng away? Tsk. Eh mukhang mas bully pa nga yata yung ipis na yun kung wala ako dito.

Nang makarating kami sa harapan ng Principal's Office, excited akong humawak sa pintuan.

"Stay here Angels, Ako na bahala dito." Sabay ngiti sa sa kanila ng makahulugan.

Broken CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon