Chapter 2: The "Black Skull" Gang

606 15 3
                                    

Tyler "UNO" Valdez' POV:

Napasigaw sa gulat ang mga babaeng kaklase namin ng biglang suntukin sa mukha si Pinuno. Walang naglalakas loob makabangga 'tong pinuno namin dahil na nga sa nakakatakot ito lalo na pag nagalit. Wala syang pakielam sa ibang tao pero di talaga maiiwasan na maraming makapansin sa kanya. Ikaw ba naman biyayaan ng gwapong mukha at yaman eh. -______-

Bukod sa nakakatakot siya magalit, isa rin sa dahilan kung bakit walang gustong makaaway sya ay dahil sila ang may ari ng Unibersidad na ito. Isa ito sa nasasakupan niya.

Nakatingin lang kaming Lima sa kanilang dalawa habang nagtititigan. psh. Kaya na yan ni Pinuno. -___-

Nakita lang namin na ngumisi si Pinuno at nagsalita.

"Yan lang ba kaya mo? Hina mo pare." sabi nya sabay suntok sa mukha ng lalaking naglakas loob kalabanin sya. Napa-upo ito sa sakit at may konting dugo na ito sa may labi. Sumuntok ulit si pinuno sa tiyan ng lalaki at tinadyakan sa mukha. Hindi na makatayo ang lalaki sa sakit ng mga suntok ni Pinuno. Kahit ang mga kasama ng lalaki kanina ay hindi makagalaw. Tss.

nagsisigawan lang ang mga babae sa sobrang takot ng mga ito sa nangyayari. Tss. Ingay.

"P*tang*ina Manahimik nga kayo!" Sigaw ni Dos sa mga ito. Siya si Dylan. Dylan Rodriguez. Short tempered. Kaya wag na kayo magtaka kung bat ganyan yan. -______-

"Tang*na nga, lumabas na nga kayo!" Sigaw naman ni Tres. Si Terrence Mariano. Mahilig yan sa away. Basagulero, ganun. -_____-

"Tss.. Lahat kayo manahimik. Tangna, may natutulog dito oh!" Yan si Fourth. Kade Magnus. Tahimik lang yan pero grabe magalit. Wag na wag din gigisingin pag natutulog, kundi ikaw ang hindi magigising pag ikaw nasuntok nyan. -_________-

Nakatingin lang kami kay Fifth habang papalapit sa mga babae na maiingay. Nagulat kami nang bigla nyang itinapon sa mga ito ang dala niyang Mocha frappe. Tss. Sira ulo talaga 'tong batang 'toh.

"HAHAHAHAHA! Look at you're ugly faces! Hahahahaha! Priceless!" Pangaasar lalo ni Fifth sa mga babae. Umiyak lang lalo ang mga babae dahil sa ginawa nito. Such a little brat. -___- Yan si Zander Santiago. Pinakabata sa amin.

"Hoy tigilan nyo na yang mga yan. Right girls?" Awat ko sa mga kaibigan kong sira ulo sabay wink sa mga babae. Hoy, hindi ako playboy ah. -_______- Medyo lang. (__ __")

"TSSS..." Sabay sabay na sabi ng mga gagu.

Napatingin ulit ako kay pinuno at sa lalaking bugbog sarado na. Grabe, kawawang lalake. yan kase, si pinuno pa hinamon ng away. -_____-

"Uno, tawagin nyo yung guards, paalisin na yang mga yan dito sa School Ko." Utos niya sa akin. Tss ano pa nga ba magagawa ko? Edi sundin. -___- Yan si Pinuno. Si Zachary Matthew Vallejo. Pffft. HAHAHA! Ganda pangalan eh noh? Pero wag na wag mo babanggitin yang buong pangalan nya kung gusto mo pa makakita ng araw. Mas gusto nyang tawagin syang Zac. Pero sa gangster world, Siya si ZERO, ang Pinuno ng Black Skull Gang. Ang pinuno namin. Ice prince, tahimik at misteryoso. Pero wag mo gagalitin yan. Wag na wag. -_____-

May Siyam kaming sakop na gangs. Puro nasa iba't ibang bansa sila. Konti lang ang nandito sa Pinas.

Lumabas muna ako saglit at tinawag ang isang miyembro ng nasasakupan namin na gang. Iniutos ko dito na tawagin ang guards dahil utos ni Zero.

Haay. Simula nung nawala SIYA naging ganyan na si Pinuno....

Sana mahanap na ni Zero yung nakapatay sa kanya...

Zac "ZERO" Vallejo's POV:

Pagkatapos kong bigyang lekyon ang lalaking 'toh na tulog na dahil sa mga suntok ko, na-upo na ako sa upuan ko. Naglagay ng earphone at tumungo para matulog. Dito sa Eskwelahan ko, Ako lang ang may karapatan sa kahit ano. Ayoko ng pinapakielaman ako. Siya lang ang may karapatan na pakielaman ako. Kaya lang wala na siya...

P*tang*na kung sino man pumatay sa kanya, Hahanapin ko siya....

Alam kong makikita ko din sya...

at papatayin ko din sya...

____________________________________________________

Author's note:

Short update. XD introduction lang po kasi ito sa mga gang/bida. Mihihi

Sino SIYA?

ano ang nangyari sa KANYA?

SINO ang pumatay sa KANYA?

Ano SIYA sa buhay ni ZERO?

Abangan :)

♥Leh_ann♥

Broken CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon