Chapter 9: Unexpected

249 12 0
                                    

Alex's POV:

Sabado ngayon, tanghali, at wala kaming pasok. Nakatambay lang ako sa tapat ng tinitirhan namin at mapayapang nakatingin sa mga puno. Ang dami kong naiisip ngayon. Mamayang gabi na... tsk. Pano ba nila ko nakita? may nakapagsabi kaya? Putangina nakakagago na. 

Napagpasyahan kong bumalik na sa loob nang may mapansin akong lalaking nakatayo sa likod ng puno. Nang mapansin nyang nakatingin na ako sa kanya ay bigla syang tumakbo papunta sa liblib na lugar na natatakpan na ng mga puno. Ugh. Ang weird nya, todo jacket at shades pa, eh punyeta napakainit ng panahon -__-

Hindi ko nalang sya pinagtuunan nga pansin dahil alam kong hindi sya threat. Dahil kung oo at kasama sya nung mga nakakaalam kung naasan ako, marahil ay hindi nya na hahayaang makita ko pa sya at maunahan nya ko mapatay. Tss.

Pumasok nalang ako sa kwarto ko at natulog.

********************************************************

Nagising ako na medyo madilim na, pagtingin ko sa orasan ay 5:47 na ng gabi. Lumabas muna ko saglit at tiningnan yung lima, mukhang naghahanda na sila dahil inaayos na nila yung mga armas nila.

"Napasarap tulog?" panimula ni Rianna. Nagtawanan naman yung apat.

"Pakyu" sagot ko at pumasok na sa banyo para maligo.

Pagkatapos ko maligo ay nagsuot na ko ng damit na lagi kong ginagamit pag may mga gantong pangyayari. Kulay itim na leather jacket at red na tube. Pinartneran ko lang yun ng black na leather shorts at black combat boots. Hinanap ko naman yung maskara ko na pangtakip sa mukha ko para na rin sa kaligtasan ko. Ang itsura ng maskara na ito ay kulay gintong mouth mask na may nakalawit na silver chains. Ang isang pinakamahabang silver chain ay may nakalawit na maliit na korona na may magkaekis na espada na gaya ng aking tattoo. Isa pa sa palatandaan ang maskara na ito na ako ang Queen. Yung lima naman ay mayroon din ngunit kulay itim ang kanila at may silver chain din na nakalawit. Yung pinakamahaba naman na chain ay may disenyong pakpak ng anghel na palatandaan na miyembro sila ng Feisty Angels.

Lumabas na ko at handa na din sila. Sumakay na kami sa kanya kanya naming sasakyan a pumunta sa lugar na tinutukoy ng nasa sulat, isa siyang bakanteng warehouse na mukhang abandonado at lumang luma na. Punyeta, lagi nalang ganito yung hilig nilang lugar. -__-

Pumasok na kami at mukhang kanina pa naghihintay ang gang na ito. Black thunder. Isa sila sa mga gang na nakakaalam kung sino ang pumatay sa Ate ko. Hindi nila alam ang itsura ko dahil nilihim ng pamilya ko na kambal kami ng ate ko.

"You're here.... Queen." Panimula ni Gustav. Sya ang namumuno ng Gang na yon, alam ko yun at kilala ko sila. "Akala ko ay niloloko lamang kami ng nagsabi sa amin na andito ka nga talaga. Hmm.. I wonder..." dagdag nya, "Bakit buhay ka pa?" Sabay ngisi nya sa akin. Pinilit ko pakalmahin ang sarili ko.

"Sinong pumatay sa ate ko?" tanong ko. Tumawa lang sya. Punyeta. "Tinatanong kita..." nanggigigil na sabi ko. Tawa pa din sya ng tawa. "SINONG PUMATAY SA ATE KO?!!" Sigaw ko. Tumigil naman sya at nginisian ako. Tangina, sinusubukan nya pasensya ko.

Sumenyas sya sa gang nya na sumugod, sumunod naman ang mga ito. tantya ko ay nasa 32 katao lahat iyon. tss.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 02, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Broken CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon