Chapter 7: Dorm-life: Good or Bad?

396 22 6
                                    

Alexis' POV:

Pagka-gising ko tiningnan ko kung may nag-text. Una kong nabasa yung text ni Yanna. Pinayagan na daw sila tungkol dun sa balak namin na mag-sarili at para na din mas malapit lang kami sa school.

Bumaba na ako at nagpunta sa dining area. May mga nakahain na agad na almusal.

Tinawagan ko na si Mommy at nag-paalam. Pinayagan naman nila ko. Aanhin ko naman kasi yung lawak ng bahay na toh kung ako lang at mga katulong laman? -_-

Maya-maya, tumawag si Yanna, may nahanap na daw sila na pwede namin tirahan. Excited nga eh. Lipat na daw kami ngayon kaya eto ako, inaayos yung mga gamit na dadalin ko. Hindi na ko nagpahatid kasi may sasakyan naman na ko. Sayang lang gas. -__-

Nagkita-kita kami sa coffee shop na lagi naming tinatambayan. Pag dating ko andun na sila lahat.

"Weeee! Hi Alex! excited na ko, lilipat na tayo!" halata ngang excited na sabi ni Jane, may kasama pang palakpak eh. Ingay talaga nito. Nagtitinginan na mga tao sa kanya. tss

"Oy Jane,  Umakto ka nga ng tama sa edad mo! Leche." Badtrip na sabi ni Angel. Nag-pout lang si Jane. Tanginang pout yan. -_- 

"Oh, tara na! Kumpleto na tayo eh. Tunganga pa kayo jan? -_-" Sabi ni Yanna at lumabas na kami.

 Si Yanna ang sinusundan namin dahil sya ang nakakaalam nung lilipatan namin. Ang dami talagang kuneksyon ng pamilya nito. Psh.

Maganda naman yung lilipatan namin. Parang apartment pero Malaki. Ayos na din. Ayaw kasi nila sa Condo ewan ko dyan sa mga yan kung bakit.

Yung apartment nasa isang subdividion pero halatang bigtime yung mga nakatira, at malapit nga lang sa School.

Pinasok na namin yung mga gamit namin at nag-ayos. Tatlo yung kwarto kaya dalawang tao sa isang kwarto.

"Teka, sino magkakasama sa isang kwarto?" tanong ni Rianna. Natahimik naman kami at nagkatinginan. Maya-maya, biglang nagsalita si Jane.

"Alam ko na! Bato-bato pik tayo! Kung sino manalo, mamimili sya ng kasama nya." Sabi ni Jane.

"Tss. Gaga! Pano pipili ng makakalaban?" tanong ni Claire.

"Hmm. Edi maiba taya! Kung sino yung naiba sya mamimili ng makakalaban." Kampanteng sagot ni Jane.

"Tangina, may mapapala din pala sa kagagahan mo noh? Osya, Game na!" Sabi naman ni Yanna. Kahit kelan talaga tong mga toh. -_-

At ayun, nag-maiba taya na nga kami. Una si Claire. Ang kalaban nya si Jane. Natalo ni Jane si Calire kaya ang napili ni Jane ay si Rianna.

Pangalawa si Yanna at Angel. Natalo ni Yanna si Angel at ako ang pinili nya. Kaya ang magkakasama sa kwarto ay Ako at si Yanna, Si Jane at Rianna, tapos si Claire at Angel.

Inayos na namin yung mga magiging tulugan namin. Pagkatapos ay lumabas ako sa terrace. Sila nagluluto ng tanghalian. Bahala na sila dun wala naman akong maitutulong. Wag lang nila susunugin tong bahay. -___-

Nakatingin ako sa may gate. Nanonood ng mga nadaan kahit bihira lang. Ewan ko, napapa-isip nanaman ako. Bakit ba kasi ayaw sabihin ni Kent yung nangyari. Putangina sumasakit ulo ko dahil dun. Tss.

Nakatulala ako pero may nahagip yung mata ko. Teka si...

Zac's POV:

Pagka-uwi ko kahapon galing dun sa bar na yun, Di na maalis sa isip ko yung babaeng pula yung buhok. Di ko alam pero parang pamilyar yung itsura nya. Mababaliw na ako kakaisip kung nakita ko na nga sya dati.

Naisipan ko nalang bumaba at mag-almusal. Makapag-jogging nalang.

Dala ko ang alaga kong doberman na si Ace. Nagpa-ikot ikot lang kami sa subdivision. Hanggang sa mapatapat kami dun sa apartment. May bagong lipat na pala. Naalala ko nanaman sya. Lintek na apartment yan. -_-

Napatingin ako sa terrace nun. Dun ko sya laging nakikita pero...

Si Shana?!

Anong ginagawa nya dito? Sila na ba yung bagong lipat dito? Tss.

Nakita ko syang napatingin din sakin. Yung mata nya parang ang cold. Tss. Bahala na. Makaalis na nga dito.

Umuwi nalang kami tapos nagshower na ko. Pagka-tapos, naupo ako sa kama ko at pinagmasdan yung napaka-ganda nyang mukha. Kinuha ko yung picture nya. Tangina. Malaman ko lang talaga kung sino yung putanginang pumatay sa kanya, sisiguraduhin kong magdudusa din sya.

__________________________________

Author's note:

Hi! Happy 2K reads sa BC :)))) Sobrang saya ko kasi may nagbabasa pa pala nito kahit ang tagal kong hindi na-udate. Loveyou guys :3 Sorry short update. Pinilit ko lang yang update na yan kasi busy po talaga. Salamat sa mga nagrerequest ng update! :))) Loveyou!

xoxo

Leh_ann :3

Broken CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon