Chapter 52: super glue

4.3K 58 3
                                    

 

Hindi ko kinaya…. kung hindi pa ako aalis doon baka kung ano nang nagawa ko…baka pinaghahagis ko yung mga upuan nila at baka sunugin ko yung kwarto niung jonathan…

Mula noong nakita kong hinalikan siya ni Jonathan nung birthday niya, alam ko na maaaring magkagusto sila sa isa’t-isa kaya pinilit ko…pinilit kong hindi magpaapekto, nais kong maniwala na ako lang talaga ang gusto niya…pero kahit anong pilit ko hindi ko kaya…nagdududa ako…pero naniwala pa rin akong ako lang… May mga panahon na minsan kunwari sasabihin kong bumalik ako ng Korea para lang sundan siya…alamin kung ano nang nangyayari sakanya, sa kanila pero pakiramdam ko ngayon, kasalanan ko kung bakit nawala siya saakin, hindi ko siya hinawakan ng mahigpit…lagi akong wala sa tabi niya, masyado akong nagduda na nakalimutan kong napapabayaan ko nap ala siya…

PERO

hindi ko na hahayaang mangyari yun… Babalik siya saakin…

 

“Waiter! isa pa ngang beer dito!” Sigaw ko…lulunudin ko na lang ang sarili ko sa Beer dito sa Bar.

Agad naman akong binigyan ng waiter,

“mabuti pang umiinom,” habang umiinom ako bigla na lang may nagsisigaw yung babae dito sa tabi ko

“SABI NG BIGYAN MO PA AKO NG BEER E! BA’T BA AYAW NIYO AKONG BIGYAN!?”

tch! kung makapagdrama akala mo mas malala pa ang problema saakin psh!

ang ingay! di ako makainom ng maayos! gusto kong lunudin ang sarili ko sa alak hindi sa INGAY! pesteng babae to! sipain ko ‘to e!

“Pero miss, kanina pa po kayo umiinom, di niyo na po kaya,” sabi nung isang waiter na pinipigilan yung babae sa kakapalag at kakapilit na bigyan siya ng beer

“psh! iinom-inom kasi di naman pala kaya,” sabi ko

“ANONG SABI MO?!”  sabi nung babae… takte! kala ko tulog na, nakayuko na kasi sa mesa e…yun pala gising pa…di pa masyadong lasing…

“sabi ko iinom-inom ka kasi di mo naman pala kaya!”

psh…makainom na nga lang… Wala nang lalala sa problema ko na iniwanan ng girlfriend! Ang malala pa di ko kayang pakawalan siya!

“HOY! LALAKE! DI PA AKO LASING NUH! NAKAKATATLONG BOTE PALANG NGA AKO NG BEER E!,”

“talaga lang ah?” sabi ko sabay inom nung beer ko

“alam mo bakit ganun? lagi na lang akong iniiwan!! binigay ko sakanya lahat! First holding hands ko! siya pa ang first boyfriend ko, first dance ko, pati first kiss ko!!! pero dahil lang sa ayaw kong pumayag na makipag…makipag…alam mo na yun! dahil lang sa hindi ako pumayag sa bagay na yun, ayun kinaumagahan may bago na agad siyang babae! nakipag-break na siya saakin!!!! ang malala sa TEXT lang siya nakipag break! *sob*sob* “

“wala akong pakialam sa buhay mo,”

“Kahit wala kang pakialam, pakinggan mo lang ako, alam mo ba first time kong pumunta sa bar, sa lugar na ‘to? first time ko din na uminom! first time kung hindi magpaalam sa mga magulang ko na pupunta ako dito! bakit ba ganun siya!?”

I Hate my Fiance(*^_^*)[COMPLETED~FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon