Chapter 95: ♥

4.7K 73 2
                                    

{Jonathan's POV}

Tatlong buwan na rin ang nakakalipas nung insidente samin nina Darren. Tahimik na ang lahat. Nagkabalikan na kami ni Adrianna pero hindi na kami magfiance ngayon. Bukas pa. Bukas, sa graduation namin, magpo-propose ako sakanya. Gusto ko lang naman na maramdaman niya kung ganu ko siya kamahal.

Wag kayong mag-alala, hindi na kami magugulo ni Darren, nasa Mental Hospital na siya ngayon. At, hindi rin namatay si Maureen. Okay na siya ngayon, hindi naman kasi vital yung tama niya.

Si music? okay na siya. Hindi niya na rin kailangang pagtaguin ang nanay niya. Okay na sila.

Nagkaayos na rin ang pamilya namin ni Adrianna buhat nung naging issue nung mga kumpanya namin. 

Si philip? Huwag kayong mag-alala hindi na rin siya mangugulo. Nakulong kasi siya. Plano nga sana namin sa huwag nang sampahan ng kaso si Philip dahil blinockmail lang naman siya ni Darren na gawin ang mga bagay na yun pero syempre, hindi lang naman kami ang nagawan niya ng kasalanan. Pati yung ibang mga biktima nung sumabog na eroplano ay nagreklamo. Halos isang buwan din na kami ang headlines ng mga balita. Kapagod din yun, halos di ko makita bebe ko dahil ang daming reporters lagi sa labas ng mga bahay namin. 

Kasal na rin sina Red at Deejay. Hindi na rin naman siguro kayo magtatanong ng detalye di ba? ibang kwento naman yun e. 

At si Maureen? nakakasayaw na siya ulit. Okay na ang lahat. Sa katunayan nga niyan e may boyfriend na si Maureen e. Nakipag blind date kasi yan, tas ayun, bull's eye! unti-unti nadevelop din.

"Hoy! Jonathan! anong plano bukas?" tanong ni Red. Hai, kung alam niyo lang, parang magkapatid na ang turingan namin ng gagong to.

"oo nga jonats, anong surprise ba yan?" tanong naman ni Music na panay ang selfie kasama si Maureen

nagkita kita kasi kami ngayon nina Music, Maureen at ni Red dahil nga sa surprise kong proposal  kay Adrianna.

"Hoy! gee! Don't tell me wala ka pang plan?! OMG naman!"--Maureen

"Ano ba ang dapat kong gawin? kaya ko nga kayo pinapunta dito e!"

"hmmm...may singsing ka na ba?" tanong ni Red. oo nga nuh wala pa akong sing sing. kailangan ba yun?

"nakow! wala pa!? nyemas naman jonats!' OA talaga si Music kahit kelan

"bili ka na," sabi naman ni Maureen "May alam akong bilihan, maganda dun. Dun sa Silver town" dagdag pa niya

"ay oo! nakapunta na ako dun girl! Mau, bili tayo dun ng friendship bracelet! sating tatlo ni Bestie," close na close na talaga silang tatlo. Ayos talaga ang mga babae.

"so, silver ang ring ko kay bebe ko?" tanong ko

"pwede din. Since kilala ko si Yannie, mas favorite nun ang silver kasi daw mas elegante tapos ewan basta may kaek-ekan ang explanation niya sakin,"--RED

"YOSH! bibili ako ng singsing,"

sumama sakin yung tatlo. Nag away away pa nga kami sa loob nung silver town dahil iba iba ang gusto nilang design e. 

"ito na lang jonats, may korteng 8 parang infinity," sabi ni Music

"mas maganda palane lang,"--REd

" hmmm..feeling ko itong may dyamante para extravagant,"--Maureen

hai! mabuti pang di ko na to sinama! ang gulo. tumingin tingin pa ako ng ibang design at may isa dun na umagaw ng pansin ko. Isa siyang sing sing na korteng korona. 

I Hate my Fiance(*^_^*)[COMPLETED~FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon