Chapter 54: where are you?

4.6K 59 2
                                    

 

 

Adrianna’s POV

 

Hay! Umaga na pala! nakatulog pa rin pala ako kagabi..hay..alas dyes na?! grabe!? tanghali na pala… kanina pa siguro gising si Jonathan…

tiningnan ko yung cellphone ko..aba 1 message received…

From: Mr. Engot

Maaga akong umalis. pupunta ako sa ospital. walang kasama si Maureen dun e…

 

bakit ganito…alam ko na mas kelangan siya ni Maureen pero di ko mapigilan magselos...

“Ano ka ba Adrianna!” sinampal-sampal ko ang sarili ko pero wala nagseselos pa rin ako…

“sandali  lang…ano kaya kung bisitahin ko si Maureen sa ospital? good idea,”

 kahit papano, nag-aalala rin ako sa kalagayan niya.

Naligo na ako at kumain tapos after ilang hours ready na ako, nagpahatid ako sa Driver ko

“sa St. Francis Hospital po tayo,”

habang nagba-byahe kami napadaan kami sa isang fruit shop, bilhan ko kaya siya ng prutas, di ba yan yung uso na regalo sa pasyente? makikisakay na din ako ^_^

“sandali lang, bibili lang ako sa fruit shop”

Pumasok na ako dun sa shop… WOW! andaming prutas! ano kayang gusto niya? Orange? Starwberries? Apple?

“uhm..miss ano ba ang kadalasang binibigay na prutas sa isang pasyente?” tanong ko dun sa tindera

“madalas pong in-order saamin e apple o di kaya orange…pwede din ubas..”

“uhm..sige po, bibili ako…pakibalot na din, lagay mo sa magandang lalagyan…”

“ilan po?”

“bahala ka na, kung ano sa tingin mo ang maganda,”

“okay po,”

after 15 minutes, tapos na. WOW! ganda ng pagkakabalot! napaka creative…sana magustuhan niya at hindi niya naman ako ipagtabuyan…

^________^

JONATHAN’S POV

“bakit hindi mo kinakain yang lunch mo?” tanong ko. kanina niya pa kasi di ginagalaw

“wala akong ganang kumain jonathan,”

“Maureen naman you need to eat…bukas na ang surgery mo,”

“I know…pero wala akong gana,”

“ano ba kasi gusto mong kainin?”

“uhm…wala,”

“Maureen naman oh! ang kulit mo!”

I Hate my Fiance(*^_^*)[COMPLETED~FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon