Chapter 78: Confessions

3.6K 55 4
                                    

{Jonathan’s POV}

 

Wala sa usapan namin ang ligawan niya si Adrianna.

“yung kay Adrianna. Wala naman sa usapan natin na pwede mo siyang ligawan di ba?” kalmado lang ang boses ko samantalang siya ‘mas kalmado’ yung tipong ang yabang.

“pero wala rin naman sa usapan natin na hindi ko siya pwedeng ligawan di ba? Just accept it. She has moved on. Wala na siyang pakealam sayo,” sabi niya at bigla pang nag cross arms at nag smirk.

“Darren, mula simula pa lang ba plinano mo na ‘to? Siguro gumaganti ka saakin ano?”

“ganti? Ba’t naman?”

Sinabi ko sakanaya na marahil e ginagantihan niya ako dahil iniisip niya na inagaw ko sakanya si Maureen noon kaya sila nagkahiwalay at ngayon naman, balak niyang agawin mula sakin si Adrianna.

“ano? Ako? Inaagaw si Adrianna? Hahahahaha!” tsss…nakakainsulto yung tawa. Ansarap patayin nito.

“sa katunayan, tama ka. Gusto ko maranasan mo rin ang maagawan. Yung tipong yung dating sayo e magiging pag-aari na iba,”- siya

“wag mong idamay si Adrianna dito!”

“sige. Sasabihin ko na ang plano ko sayo jonathan. Tutal mukhang para na tayong magbestfriend. Sasabihin ko ang sikreto ko sayo pero huwag mong sasabihin ha? Satin lang to,” inilagay niya yung daliri niya sa bibig niya…

“shhhhh,”—siya

“are you fuc*ing crazy?!”—ako

“Lahat to scripted. Oo jonathan, scripted to.”

“scripted?”

“Ako ang dahilan ng pagbagsak ng kumpanya nina Adrianna. Sabihin na lang natin na I have connections. Pagkatapos nun ginamit ko yung pagkakataon para mapalapit kay Adrianna. Sirain kayo hanggang sa gamitin ulit yun para kunwari tulungan siya. At ngayon, nakuha ko na ang tiwala niya. Aaminin ko sayo jonathan, ang boring ng fiancé mo. HAHAHA!”

“FU*K YOU DARREN!!!” hinawakan ko ang kwelyo nang damit niya at saka ko siya sinuntok sa mukha. Pagkatapos ko siyang suntukin at bahagyang may tumulong dugo mula sa mga labi niya. Tas nag smirk siya ng konti habang pinapahid niya yung dugo mula sa mga labi niya.

“ano kayang sasabihin ni Adrianna kapag nalaman niyang sinuntok mo ako?”

“walang hiya ka Darren! Sasabihin ko kay Adrianna ang totoo! The deal’s off!”—ako

“The deal isn’t off. It will never be. Baka nakakalimutan mo, naibigay ko na ang pera kay Adrianna. Nagamit niya na rin yun.” Kompyansang sabi nito

“wala akong pakialam!”

“Ikaw bahala Jonathan. Pero hindi na babalik sayo si Adrianna. I assure you. Mula nung iwan mo siya—“

“HINDI KO SIYA INIWAN! IKAW ANG MAY KAGAGAWAN NITO E! BINILOG MO ANG UTAK KO!”

“oooh…talaga? Hindi ko binilog ang utak mo. Unang una wala kang utak dahil nagpaloko ka saakin. Salamat nga pala sa pakikisali sa plano ko ha? Ito ang tandaan mo jonathan, I’ll make her mine.

I Hate my Fiance(*^_^*)[COMPLETED~FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon