Chapter 91: December 25th

3.4K 53 3
                                    

{Adrianna’s POV}

December 24th.

{Adrianna’s POV}

nasa mall ako ngayon dahil for sure ay wala rin naman akong gagawin sa bahay. baka nga mamayang christmas eve mag-isa lang ako e.

never pa akong nag celebrate ng christmas eve na may kasama...


Ang tagal ko nang hindi na-ko-contact si music....

alukin ko kaya si music na punta ako sa bahay niya ngayong christmas eve?


while I was walking sa mall, may nakita akong talagang ikinagulat ko.

*NEWS FLASH: PLANE OF FLIGHT 106, CRASHED!

huh? may nag crash na naman? lagi lagi na lang ha. bakit parang nauuso yata ngayon ang pagbagsak ng mga eroplano?

naglakad lakad na naman ako sa mall tas may nakita akong very interesting sa isang store.

hmm...isang bracelet panlalaki. naalala ko si Darren. hmm...oo nga pala may dinner date kami bukas. bibgyan ko siya ng regalo. napakasama ko namang girlfriend kung wala man lang akong regalo sakanya.

pumasok ako sa store at binili ko yung bracelet. magugustuhan kaya to ni Darren.

"Ma'am para po to sa boyfriend niyo no?" tanong nung sales lady na ibinabalot na ang binili ko

"uhmm---" nahiya akong sumagot. oo nga boyfriend ko pero wala pa akong nararamdaman sakanya.

"alam niyo miss, sabi nila kapag ibinigay mo to sa boyfriend mo ang bracelet na 'to sa christmas day, magkakatuluyan daw kayo forever, at hindi na kayo maghihiwalay pa,"

"ganun ba?" iniabot niya na sakin yung binili ko at lumabas na ako ng store.

magkakatuluyan forever? 

jonathan...

bakit ko ba naiiisip yung engot na yun?

nagmo-move on na ako di ba? tapos iniisip ko pa siya?saka...nakalimutan mo na ba Adrianna? siya ang nagpabagsak ng kumpanya niyo! si jonathan Sy ang dahilan ng pagbagsak nang pinaghirapan buuin ng dad mo!

pero...magkakatuluyan forever? kami ni Darren?

bakit parang bigla akong nalungkot dun?

naglakad lakad pa ako nang...

"Adrianna?" isang babaeng nakashades ang lumapit saakin

"hmmm...ate tiffa?! ikaw nga!"

niyakap niya ako tapos nagbeso kami.

inalok niya akong kumain kaya nagpunta kami sa isang ice cream parlor na nandun lang din sa loob ng mall.

I Hate my Fiance(*^_^*)[COMPLETED~FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon