The Decision

9.4K 206 33
                                    

Gandang gabi guys last day ng leave ko and tomorrow papasok na ko ulit hays nakakatamad ng mag work pero kailangan kasi walang panggastos hehehe

Chapter Fourteen is here and Ken is going to sacrifice something para lang muling makasama si Louie, and sobrang martir nang tao na to tsk tsk...

Picture of Ken Kristoff on the right======>>>>>>

Song is Anything for You by Gloria Estefan

**************************************************************************************************************************

CHAPTER FOURTEEN

Ken's POV

Lingid sa kaalamanan ni Louie ay kinausap ako ng Daddy nito bago mag graduation.

"Ken alam kong may nag offer sayong magtrabaho sa ibang bansa at alam kong maganda ang offer nila, but I still want to try to offer you a position in our shipping company, alam kong mas maganda ang magiging posisyon mo kapag tinanggap mo ang offer sa iyonh mangibang bansa pero gusto ko pa ding subukan dahil alam ko kung gaano ka nagging malaking parte sa buhay ng anak ko." Lark said, Louie's Dad.

Hindi ko alam kung paano niya nalaman ito pero one of our speaker already offer a really good position sa akin sa Dubai para sa seven star Hotel doon, hindi ko pa sila sinasagot dahil gusto ko munang pag-isipan ang bagay na iyon bago ako magdecide.

Kaya nang inaya akong ni Tatay na pumunta ng Baguio bilang graduation gift daw niya sa akin ay pumayag na ako since sila Louie naman ay pupunta ng States bilang graduation gift sa binata.

Ilang araw pa lang kaming nagkakalayo ay talagang namimiss ko na siya.

"Anak ano ba kaya nga tayo nagpunta dito maglibang." Puna sa akin ng Nanay ko nang mapansin nitong malalim ang iniisip ko.

"Nanay may nag offer kasi sa akin na magtrabaho sa Dubai at napakaganda ng offer sa akin pero nagdadalawang isip pa din ako." I said sounding a little bit trouble.

"Nasa sayo naman ang desisyon anak, may pumipigil ba sa iyo upang mangibang bayan?" she asked me seriously.

"Si Louie." I said to myself but instead sinabi ko na lamang na ayaw kong malayo ako sa kanila, well totoo din naman iyon dahil ayaw ko naman talagang malayo sa pamilya ko ngunit mas malaking reason ay sa kadahilanang ayaw kong malayo kay Louie.

Thinking that I will not see here for just few days ay nagpapasakit na sa puso ko, tanga na ako siguro dahil papalampasin ko ang isang bagay na minsan lang dumaan sa akin subalit anong magagawa ko mahal na mahal ko yung tao.

Ngunit sa isang banda ay hindi pa din maialis sa isip ko na maaring pagkakataon na ito upang magbagong buhay ako at kalimutan ang binata.

"Hays nalilito na ako Nanay." I said at napansin kong seryoso akong tinitignan nito na biglang nagpakaba sa akin.

"Ang dahilan ba kung bakit ayaw mong umalis ay si Louie?" she asked me seriously at nabigla ako at hindi ko alam ang sasabihin ko dahil hindi ko alam na nahahalata nito ang nararamdaman ko sa best friend ko.

"Anong ibig niyong sabihin?" I asked him threading what answer is she going to say.

"Kilala na kita Anak, kaya huwag kang magkaila alam kong natatakot kang wala si Louie dahil siya ang matalik mong kaibigan at alam ko naman kung gaano kayo ka close sa isa't isa." she said at bahagya akong nakahinga ng maluwag dahil ang akala ko alam na nito ang tunay kong pagkatao, pero bakit ganoon kahit iyon ang sinabi ng Nanay ko ay ramdam kong may iba siyang gusting sabihin.

The First Time Ever I Saw Your Face (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon