Strange Feeling

9.6K 227 19
                                        

Hello guys nakilala niyo na si Taylor Robinson at mukhang natamaan ni kupido ang binata ng makita si Ken Kristoff, will Ken Kristoff fall in love with him or mas mananaig pa din ang nararamdaman niya kay Louie Solis, we'll see.

Chapter 20 of The First Time Ever I Saw Your Face, 10 chapters na lang din pala pagkatapos nito at matatapos na ang love story ni Ken and Louie.

Picture of Taylor Robinson on the right=====>>>>

Song is I Don't Want To Cry by Mariah Carey

***************************************************************************************************************************

CHAPTER TWENTY

Ken's POV

I woke up the next day still exhausted sa lahat nang bagay na nangyari kahapon and I don't really feel like going to work dahil ayokong makitang magkasama si Louie at Jaime ngunit nakapagdecide na din ako na pumasok.

"How do you heal a broken heart, parang sugat na kailangan mong paduguin para mas mabilis gumaling, hindi ko kailangan iwasan ang taong gusto kong kalimutan kailangan harapin ko siya." kausap ko sa sarili habang nakatingin ako sa harap ng salamin.

Nag-ayos na din ako ng sarili bago ako bumaba sa kusina at nakita ko ang Nanay ko na tahimik na nagluluto ng agahan naming.

Nakausap ko na ang Tatay ko ngunit hindi ang Nanay ko kaya bahagya pa din akong kinakabahan habang lumapit ako sa kanya.

"Magandang umaga Nay." mahina kong bati dito.

"Magandang umaga din Anak umupo ka na diyan at malapit nang matapos tong niluluto ko." she said nang hindi man lang humaharap sa akin.

After few minutes ay sabay na kaming kumakain nang agahan nalaman ko na maaga palang pumasok si Tatay sa trabaho.

Nanatiling walang salita ang namagitan sa amin at nauna na akong basagin ito dahil ang feeling ko ay mababaliw na ako, hindi ako sanay na ganito katahimik si Nanay.

"Nay tungkol po sa..." sabi ko sa mahinang boses ngunit pinigilan niya ako sa pagsasalita and saw understanding in her face.

"Anak matagal ko nang alam ang totoo." nakangiti nitong turan na nagpalito sa akin.

"Pe... pero paano?" I asked her, iniisip ko bang kung may nasabi ako dito nang hindi ko sinasadya, pinilit kong halukayin sa alaala ko ang ganoong pangyayari ngunit wala akong maalala.

"Huwag mo nang pahirapan ang sarili matagal ko nang nararamdaman, ako yata ang Nanay mo." nakangiti nitong paliwanag sa akin at ngayon ko lang napagtanto na kilala talaga ako ng Nanay ko.

"So alam niyo din ang tungkol kay Louie?" nahihiya kong tanong dito, hindi ako makapaniwala na ganito ang topic naming, who would guess.

"Na mahal mo ang matalik mong kaibigan?" she asked me at bahagya akong napayuko dahil hindi ko siya matitigan sa mata.

"Nalaman ko iyon dahil sa lahat ng mga kaibigan mo, iba ang nakikita kong kislap sa mga mata kapah tumitingin ka kay Louie." she continued and I can't believe how transparent I am sa harap nang Nanay ko.

"Sorry po." I said at nakita ko ang pag-iling nito.

"Wala kang dapat na ipaghingi nang paumanhin anak, wala kang ginawang masama sinunod mo lang kung ano ang nasa puso. Nga pala nasan na ba si Louie bakit parang hindi na nagagawi dito ang batang iyon?" she asked me, bigla akong nalungkot dahil sa totoo lang ay miss na miss ko na ang taong iyon.

Kinuwento ko ang lahat nang nangyari sa akin at tahimik lang ang Nanay ko habang nakikinig sa mga sinasabi ko, hindi ko na naman napigilan ang sarili kong maluha pagkaalala sa mga masasakit na bagay na nangyari at naramdaman ko ang banayad na paghagod ni Nanay sa likod ko.

The First Time Ever I Saw Your Face (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon