Hurtful Surprise

10K 223 38
                                    

Hi guys since ilang araw akong hindi nakapag update ay mag aaupdate pa ko ulit ngayong araw na to hehehe

Finally we met Jamie Sebastian ang babaeng nakabihag ng atensiyon ng isang Louie Solis, anong mangyayari kung maging sila ng binate paano na si Ken?

In this chapter magagamit ko na yung gusting gusto kong gamitin na line sa story ko hehehe.

Picture of Ken Kristoff on the right=======>>>>>>

Song is Hurt So Much by Deborah Cox

***************************************************************************************************************************

CHAPTER SIXTEEN

Ken's POV

Nakita ko ang pagsisikap ni Louie sa trabaho and I admire him for that, naging masaya ako sa desisyon ko dahil kahit paano ay nakasama ko ang taong mahal ko hanggang sa opisina ngunit may bahagyang takot sa puso ko habang napapansin ko ang kakaibang tingin nito kay Jamie.

Hindi ko masisisi si Louie kung magkagusto man ito sa dalaga dahil maliban sa napakaganda ni Jamie at sadyang napakabait din ng dalaga.

"Magkape ka muna." ang nakangiting bungad sa akin ni Jamie, hindi ko napansin ang paglapit sa akin ng dalaga.

Nararamdaman ko ang pagiging sincere nito at kahit na pilitin kong ipasok sa isip ko na ang babaeng ito ang maaring maging dahilan ng pagkakalayo naming ni Louie ay hindi ko mapigilan ang sarili kong makasundo ang dalaga.

"Salamat." tipid kong pagpapasalamat dito.

"Walang anuman." nakangiti pa din nitong sagot sa akin, sunod naman nitong dinalhan ng kape si Louie at napansin ko ang ngiti sa mukha ni Louie.

Parang tinatarak ng punyal ang dibdib ko habang nakikita ko ang kakaibang kislap sa mga mata ni Louie habang nakikipag usap kay Jamie.

Pilit kong iwinawaksi sa aking isipan at sa aking puso ang takot na posibleng maging sila, pinilit kong ituon ang isip ko sa ginagawa ko, ngunit hindi ko pa din mapigilang hindi masaktan habang sa mga sumusunod na araw ay napapansin ko ang pagkakalapit nila ng kalooban.

Hanggang dumating na nga ang araw na kinakatakot ko.

"Ken tutal sabado naman bukas gala naman tayo."  paglalambing sa akin ni Louie at natawa ako sa inasal nito habang nakanguso pa itong nakatingin sa kin.

Mag aapat na buwan na din kami sa trabaho at sobrang tagal na din ng huling lumabas kami nito at aaminin ko talagang namimiss ko na ang bonding naming dalawa, kahit na nga ba magkasama kami sa isang opisina at araw araw kaming nagkikita ay hindi naman kami masyadong nakakapag usap nito dahil pareho kaming busy sa mga ginagawa naming at nahati pa ang atensyon nito ng dahil kay Jamie.

Jamie is a really nice girl and I really like her ngunit mas nanaig ang nararamdaman ko sa binata kaya hindi ko siya matanggap ng buong buo bilang kaibigan.

"Sige tapusin ko lang to." ang natatawa kong sagot dito.

"Yes!" he shouted at para itong batang napasuntok pa sa hangin, bahagyang gumaan ang nararamdaman ko these past few weeks.

Finally uwian na at bahagya akong nakahinga ng maluwag ng makita kong naunang umuwi si Jamie so it means kaming dalawa lang talaga ni Louie ang magkasama mamaya, naisip ko kasi na baka kasama namin si Jamie sa lakad namin but seeing her leave ahead of us ay bahagya na akong napanatag.

"San ba tayo pupunta?" I asked him, when I noticed na papuntang Pasay ang rutang dinadaanan namin.

"Pupunta tayong Moa!" he exclaimed, napailing na lang ako sa pagigng impulsive nito.

The First Time Ever I Saw Your Face (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon