Chapter 6 ∞ Party

173 19 1
                                    


Babawi po ako ngayon, Dahil sa matagal na akong hindi nakakapag update at sa short update so ito ang pangbawi ko sa inyo. Sana magustuhan niyo.

Happy reading!

 
Sophia's Point Of View

Nandito kami ngayon nila Kuya Migs, Luke, and Zoe sa iisang table. Nandito rin kanina si Dylan pero umalis muna siya saglit. May kinuha lang siya sa kwarto niya.

Medyo marami ng dumarating na mga bisita. Meron rin akong nakita na mga pamilyar na mukha na nakita ko na sa school.

"Ah,guys Restroom lang ako huh?" -paalam ko sakanila at tumayo na.

Pumasok ako sa bahay nila at dumertso sa CR.

Pagkalabas ko ay dederetso na sana ako sa table namin ng may marinig akong mga boses. Nagtago ako sa isang pader para hindi nila ako makita dahil malapit lang naman ako sa kanila.

"Ivan I like you." - sabi nung girl. Medyo hindi ko maaninag kung sino yung Girl.

Teka? Hindi pa nagpoprocess sa utak ko yung sinabi ni Girl.

99.. 100..

"Ivan?!!"

Napatakip agad ako ng bibig bigla.

"Sino yun?"- sabi ni Ivan.

My gad! Baka mahuli pa ako nito eh! Pahamak talaga itong bibig ko eh.

"Huwag mo ng pansinin yun!"- nag salita ulit si Girl.

Sinilip ko sila at nakita ko na bigla na lang niyakap ni Girl si Ivan at doon ko na rin nakita ang mukha ng babaeng yun.

Siya...

"Huwag ka ngang lumapit saakin Jadine!"- sigaw ni Ivan.

Bakit sila magkasama? Sila ba? Pero pakielam ko ba?

"Ano ba yung importante mong sasabihin huh? Baka naman niloloko mo lang ako?!" - sigaw niya ulit at umalis na pero hinabol siya ni Jadine.

Nagtago ako ng tumigil sila sa tabi ko.
Nakatalikod sila saakin kaya hindi nila ako kita.

"Huwag mo na akong lalapitan at tsaka I dont like you nor Love you!" -inis na sabi ni Ivan.

"Dahil ba sa babaeng yun! Huh! Nakakainis na talaga siya! Lahat na lang inaagaw niya saakin 'pati ba naman ikaw!" - sigaw ni Jadine.

"Hindi niya ako inagaw mula sayo dahil una pa lang hindi naman ako naging sayo!" - sabi naman ni Ivan.

Ano ba yun? Nakaka curious naman. Pero sino yung girl na sinabi ni Jadine?

"Fine. Kung yan gusto mo. Basta masasabi ko lang Ivan. You will regret this." - mataray na sabi ni Jadine at nag walk out.

Kahit naguguluhan man ako ay hindi ko maiwasan na magtanong sa sarili ko. Anong connect kaya ni Jadine kay Ivan? Bakit parang magkakilala na silang matagal? nung isang araw lang naman damating sa school yang Ivan eh?

At teka nga.. Bakit ko ba ito pinoproblema?

Hoy! Baka sabihin niyo sa tsismosa ako huh? Hindi kaya! Curious lang ako at sabi nga nila "curiousity kills" ganern. *0*

"Bakit ka nagtatago dyan?"

Nanlaki ang mata ko at napatingin kay Ivan na hanggang ngayon nakatalikod pa rin.

Humarap siya at lumapit saakin 'dahil sa nakasandal ako sa pader dahil sa pagtatago ko kanina na corner niya ako sa magkabilang braso niya.

"H-hoy! A-ano bang ginagawa mo? L-lumayo k-ka nga!" - nauutal na sigaw ko sa kanya.

Perfect Lovers (◆MyungU◆) [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon