♚ Chapter 16 - Confused

111 16 2
                                    


Sorry sa super slow update. Katamad kasi pag walang nag co-comment and vote. Hay nako.. okay na sige. Happy reading po! :-)

Sophia's POINT OF VIEW

Ilang linggo. Ilang linggo na akong umiiwas sa kanya. Ang rami kong problema. Una dahil gusto ko na siya,Pangalawa Dahil gusto ko na siya! Pangatlo DAHIL GUSTO KO NA SIYA!

Oo gusto ko na talaga siya pero ayokong umasa kaya hangga't maaga pa ako na ang umiiwas para hindi ako mas lalong mahulog sa kanya kasi pag nagkataon baka mas lalo pa akong masaktan dahil hindi niya ako gusto.

Ang saklap talaga ni Tadhana. Bakit siya pa? Bakt yung taong wala naman gusto saakin? Alam ko na malabo niya akong magustuhan pero ako ito. Gusto pa rin siya!

Ano ba dapat gawin ko? Arrgh! Ano ba to?? Bakit kasi wala akong alam sa love or like na yan! Isusumpa ko talaga yang gumawa ng love na yan! Pati na rin si kupido. Kung ano ano kasi ang tinatamaan. 😣

"Hi Sophia!"

Hay. Tapos nasa iisa lang kami ng pinapasukan tapos paano ko siya iiwasan?

"Sophia."

Bahala na nga!

"Sophia!"

"Ay Kabayo!"-napahawak ako sa dibdib ko ng biglang sumulpot si Dylan.

"Mukha na ba akong kabayo?"-naka pout na sabi niya. Tinignan ko lang siya. Bakit ganoon? May reaction parin yung puso ko sa kanya. Hindi naman pwedeng dalawa sila dahil iisa lang yung puso ko. Oh no's! Huwag kang ganyan! Mas lalo lang ako naguguluhan sa nararamdaman ko.

"Mukhang malalim ata iniisip mo huh?"

"Sorry. May naalala lang ako."

"Sino?"

Napatingin ako sa kanya. Bakit ba siya nakikipag usap saakin? Hindi ba siya naiilang? Sabagay. Hindi naman niya alam na may crush ako sa kanya kaya siguro hindi siya naiilang. Ako lang naman ang nakakaramdam nun eh.

"A-ano bang ginagawa mo dito?"- naiilang na sabi ko.

"Napadaan lang ako dito at tsaka nakita kita dito kaya nilapitan kita."-nakangiting sabi niya. Omygod! Puso!!! Nagwawala nanaman!

"Sophia,Ok ka lang ba talaga?"- agad naman akong bumalik sa tamang huwisyo ng magsalita ulit siya.

"A-ah oo."-nahihiyang sabi ko.

"Hmm.. sabihin mo nga? May problema ba?"- tanong niya. Tinignan ko naman siya."Makikinig ako."- dagdag pa niya.

Hindi ko alam kung tama ba tong gagawin ko. Crush ko siya pero gusto ko rin si Ivan Kyle.

Hay bahala na!

"P-paano mo ba masasabi kung gusto mo ang isang tao?"- tanong ko. Sana tama lang tong ginagawa ko. At tsaka naging malapit na rin saakin si Dylan.

"So? Sino yang lalaking yan? Gusto mo ba siya?"- tanong niya na ikinalaki ng mata ko. Bakit ba direct to the point? Pwede bang nagtatanong lang? Hindi por que sinabi ko yun eh may nagugustuhan na agad?

'Bakit wala ba?- comment ng utak ko.

Minsan gusto ko ng iturn off yung madaldal kong utak eh. Sabat ng sabat.

Napakamot na lang ako ng ulo ko. Hindi ko kasi alam ang sasabihin ko. Pag sinabi kong Hindi,nagsinungaling naman ako tapos pag sinabi kong Oo.. Ewan.

Nagulat na lang ako ng bigla niyang ipat ang ulo ko.

"Alam mo.. masasabi mo lang na gusto mo na ang isang tao kung.. palagi mo siyang iniisip, siya yung dahilan ng bawat ngiti mo.. siya yung dahilan kung bakit bumibilis ang tibok ng puso mo.. " - paliwanag niya na para bang expert siya. Ngumiti ako sa kanya.

"Inlove ka na ba?" - tanong ko.

"Bakit naman?"- takang tanong niya. Napakunot noo naman ako.

"Inlove ka na ba sabi ko?"- ngumiti siya at cnabing..

"Oo inlove na ako.. pero mukhang wala na akong pag asa.. sayo."

"S-saakin?"- tanong ko. Pero maya maya bigla siyamg tumawa.

"JOKE!"- natatawang sabi niya.ngumiti na lang ako. Akala ko kung totoo na.

"Sige una na ako."- paalam niya at tinanggal ang pagkaka akbay saakin at wait.. pagkaka akbay?? Inakbayan niya ako?? Bigla naman namula yung pisngi ko kahit na wala na siya sa tabi ko.

Maya maya naramdaman ko na parang may nakatingin saakin kaya naman napalingon lingon ako at tama nga ako, may nakatingin nga.

Dug..dug..dug..

Bigla na naman tumibok ng sobrang bilis ang puso ko. Ang mga titig niya..parang tinutunaw ka..

Pero yung tingin niya.. walang emosyon. Hindi ko alam kung galit ba siya o malungkot o ano.

Hindi ko na kaya yung mga titig niya kaya naman nag iwas na ako ng tingin. Nasa kabila siyang puno. Naka upo sa ilalim nito. Bakit ganoon?

Bakit parang may kakaiba? May kakaiba sa mga mata niya? Na para bang may gusto siyang sabihin pero hindi niya magawang sabihin. Itatanong ko ba? Pero iniiwasan ko nga siya.

Ano na ang gagawin ko?

Nakita ko naman siyang tumayo at papalapit saakin. Bigla na naman bumilis yung tibok ng puso ko pero agad rin naman itong bumalik sa normal dahil ang buong akala ko saakin siya pupunta.. yun pala.. nilagpasan niya lang ako. Dumaan lang pala siya.

Bumuntong-hininga na lang ako.

Nakakalungkot pala pag walang Ivan Kyle sa tabi mo. Hay. Bakit kaya hindi niya ako kinakausap?

'Tanga lang? Ikaw ang unang umiwas! Ikaw ang unang hindi kumausap! Malamang hindi ka rin niya  kakausapin.'

Minsan gusto ko na talagang iturn off tong baliw na utak ko. Hay. Kakasabi ko lang kanina. Pero may point rin naman yung utak ko. Ako rin naman may kasalanan.

Tumayo na lang ako at pinagpag ang palda ko. Pumunta na ako sa classroom. Pag dating ko sa classroom bigla akong napatingin kay Jade. Ang sama ng tingin niya saakin. Sunod ko naman tinignan si Ivan. Pero nakatingin lang siya sa bintana. Muli.. napabuntong hininga nanaman ako.

"Best! Upo ka na dito!"- napatingin naman ako kay Zoe ng bigla niya akong tawagin. Ngumiti naman ako at lumapit sa kanya pero bago ako umupo tinignan ko naman siya at nagulat ako ng bigla siyang napatingin saakin.

Nagtama yung mga mata namin pero agad rin naman niyang iniwas.

Muli.. napabuntong hininga na naman ako at umupo na lang. Ilang buntong hininga na ba ang naibuga ko?

"Hoy! Ayos ka lang?"- nagulat naman ako ng bigla akong tapikin ni Zoe. Grabe. Lutang nanaman ako.

"O-oo. A-ayos lang ako."- sagot ko pero hindi talaga ako ok. Pero sana nga ok lang ako.

•••

Hays. Super slow ng update. Sorry kung mukhang sabaw man. Minsan talaga kailangan talaga sa isang story na hindi puro kilig o away lang noh? Kaya ganyan. Sige una na ako. Hindi na ako mag eespeech. Exit na ako!

Vote and Comment po sa comment box po. Love lots.

©copyright May 21, 2016

Perfect Lovers (◆MyungU◆) [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon