♔ Chapter 15 - Meet His Father

117 13 1
                                    

Hanna's Picture at Multimedia~Ivan's Sister ⬆

Sorry Sobrang Sabaw! Wala sa mood si Author kasi may red tide. Whahaha! Happy reading!

Sophia's POV

Nandito na kami sa Mansyon nila Kyle. Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko. Parang pinagpapawisan ako na kinakabahan? Ito na kasi yung araw na makakaharap ko ang buong angkan niya but not lahat naman, yung parents and yung kapatid niya lang. Ngayon na kasi niya ako Ipapakilala sa family niya bilang girlfriend niya para itigil na nila yung pagpapakasal nila ni Jade.

"Kyle.. kinakabahan ako."-sabi ko at napakapit sa braso niya.

"Ok lang yan. I'm here basta makisakay ka na lang."- pagpapagaan niya ng loob ko. Tumango na lang ako.

Pumasok kami sa Office ng Dad niya. Pagpasok namin nakita namin siya na may kausap na isang dalagang babae. Napatingin ako sa babaeng yun at ganoon na lang ang pag kagulat ko. It's Jade. Bigla naman napatingin saamin yung Dad ni Kyle kaya napasunod na rin ng tingin si Jade. Katulad ko. Gulat rin ang mukha ni Jade pero agad rin itong nawala sa mukha niya at napalitan ng Matalim na tingin.

"Kyle.. Anong ginagawa mo dito at sino yan kasama mo?"-seryosong tanong nung Dad ni Kyle at napatingin sa gawi ko.

"Hi po Mr. Buenavista ako nga po pala----"- hindi ko na natuloy yung sasabihin ko ng biglang magsalita yung Dad ni Kyle.

"Ms. I am talking to you?"-seryosong tanong niya. Bahagya akong napalunok at bumilis lalo ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Grabe! Nakakatakot talaga yung Daddy ni Kyle. Nakita ko naman na napangisi si Jade. Gusto ko na siyang irapan pero nakatingin saakin yung Papa ni Kyle kaya hindi ko magawa.

"Sorry po."-yan na lang ang nasabi ko.

"Dad. She's Sophia,My Girlfriend."- seryosong sabi ni Kyle. Nagulat naman ako ng biglang sumigaw si Jade.

"What?? No way!"-sabi niya at humarap kay Mr. Buenavista. "Tito! Tell them na hindi pwede!"- siya pa talaga ang nag utos huh?

"Huminahon ka Hija."- sabi niya at napatingin ulit saamin.

"Kyle.. I told you, wala ka ng magagawa kahit ano pang gawin mo! Ikakasal ka kahit na ayaw mo!"-galit na sabi ni Mr. Buenavista.

"Dad! Ano bang gusto mo huh? Ok naman yung companya natin? Bakit kailangan pa ako ikasal sa taong hindi ko naman gusto!"

"Yun na nga eh! Kailangan mong ikasal kahit sa taong hindi mo gusto!"

"Pero Dad! May Girlfriend na po ako at mahal na mahal ko siya! Mahal ko si Sophia!"-naririndi ako sa pag sisigawan nila. Gusto kong pigilan si Kyle pero hindi ko magawa at tsaka ano daw sinabi niya? M-mahal niya daw ako?

Dug..Dug..Dug..

Napahawak ako sa dibdib ko! No Sophia! It's just a Acting! Hindi totoo yun kaya tumigil ka na!

"Tito! Kyle tama na po. Pag usapan niyo na lang po ito ng maayos."- sabi ni Jade kaya napatigil naman sila. Umupo sa Swivel Chair si Mr. Buenavista at ako naman ay Hinawakan yung kamay ni Kyle para pagaanin yung loob niya.

"A-alis na tayo."-mahinang sabi ko pero umiling lang siya at hinila ako papunta sa harap ni Mr. Buenavista.

"Dad. Ano bang dapat gawin ko para maalis na yung pagpapakasal."- parang maiiyak na sabi ni Kyle. Bigla tuloy akong naawa.

"Diba nga sabi ni Tito wala ka ng magagawa--"

"Stop Jadine."-mahinahong sabi ni Mr. Buenavista. Nakita ko namang umirap ng palihim si Jade kay Mr. Buenavista. Plastic.

Perfect Lovers (◆MyungU◆) [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon