Chapter 4 ∞ New Classmate

187 17 1
                                    


•~•~•picture ni Zoe sa gilid•~•~•

Sophia's POV

Nandito ako ngayon sa classroom, Asusual maingay at magulo. Ang boring pa dahil wala akong kasama. Mamaya pa papasok si Zoe, Late malamang.

Tumayo ako at lumabas muna.  Mamaya pa naman ang first period ko mga 9, 7:30 pa lang naman.

Dumeretso ako malapit sa football field ng school. Meron naman naglalaro. Umupo muna ako sa tabi ng puno at sinandal ang ulo ko.

Kinuha ko naman yung phone ko at nag headset. Sinabayan ko naman yung kanta.

You can leave me, Take away all that I have.. You can want me, Love me for who I am..

Choices,Romance.. Takin' me high in the air... Flying, so scared..

Afraid not to see you again

Ang ganda talaga ng kantang ito. Nakaka senti' kasi eh. Nakapikit ako habang kumakanta.

Cause I'm scared to death..Now that I'm losin' you. I'm scared to death, Knowin' I can't get through, I'm scared to death..♪

Living this-----

Nagulat ako ng may bumalibag sa gilid ko kaya napahinto ako. At pagtingin ko kung ano o sino yun ay ganoon na lang ang pagka gulat ko.

Bigla siyang humarap saakin.

"Ikaw!"- sabay na sabi namin.

"Bakit ka nandito? Alam mo bang ang ingay ingay mo?!"- galit na sabi niya.

Wow! As in wow! Siya pa ang galit huh?

"Wala kang pakielam kung nandito ako! Bakit masama na ba pumunta dito? Bakit sayo ba itong lugar na ito??" - sigaw ko.

"Stupid! Wala akong sinabi na masama ang pumunta ka dito, at wala rin akong sinasabi na saakin tong lugar na ito! Ang saakin lang sana naman kung pupunta ka dito dapat naman tumahimik ka." - sigaw niya rin.

Wala naman akong pakielam kung magsigawan man kami dito. Buti at walang masyadong tao at malayo kami konti sa football field.

"Ang ganda ng tulog ko dito tapos sisirain mo lang dahil sa pangit mong boses!"- nakangising sabi niya.

Aba! Sumosobra na to huh? Ako pangit ang boses? Sino nag sabi? Lahat nga sila sinasabing maganda ang boses ko tapos siya sasabihing pangit! How sure he is?

"Hoy! Sasabihin ko lang sayo na hindi pangit ang boses ko! At sino ba kasing nagsabi na matulog ka huh? Bakit hindi ka ba natulog sa bahay niyo??"- inis na inis na talaga ako sa kanya.

"Tss.. Baka naman sinusundan mo ako."- nakangisi pa rin na sabi niya.

Ang kapal ng mukha niya. Kasing kapal ng dictionary na libro.

"Kapal mo! Asa ka naman na sinusundan kita nuh? Wala akong pakielam sayo!"- sabi ko at tumayo na at umalis sa lugar na yun.

Hindi ko na siya inabalang lingunin dahil ayokong makita ang pag mumukha niya.

Bumalik na lang ako sa classroom.
Habang naglalakad ako maraming bumabati saaakin. Binabati ko na lang rin sila dahil ayoko namang maging bastos.

Oo kilala akong mataray dito sa school pero hindi ako bastos.

Nang nakarating na ako sa classroom binuksan ko ng padabog yung pinto kaya yung kaninang maingay na classmate ko ay tumahimik dahil sa ginawa ko. Sorry sila. Bad trip ako eh.

Perfect Lovers (◆MyungU◆) [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon