♔ Chapter 17 - Sweet Kiss

135 14 2
                                    


Sophia's P. O. V

Hay ang boring naman.'-bulong ko habang pababa sa hagdan. Saturday kasi ngayon at malamang walang pasok.

"Oh kain ka na anak!"- salubong saakin ni Mama ng makarating ako sa dining table.

"Bakit nandito ka Mom? Hindi ka ba sumabay kay Dad na pumuntang kompanya?"- sabi ko habang kumukuha ng pagkain.

"Susunod na lang ako."- sabi niya. Nagtataka ba kayo kung bakit wala pa sila Kuya? Malamang tulog pa mga yun!

Busy akong kumakain ng biglang may nagsalita sa likod ko na ikinagulat ko.

"Ano ka ba Kuya Luke! Ang hilig mong manggulat ha!"- inis na sabi ko.

"Eto naman. Beast mode ka agad."- nakapout ma sabi niya.

"Nakakainis ka kasi eh."- sabi ko sabay tayo.

"Oh? Tapos kana? Sorry na kumain kana ulit."- sabi ni kuya. "Tapos na ako,huwag kang assuming."- mataray na sabi ko. Gumagana nanaman yung mataray mode ko.

"Sige Mom,Punta muna ako sa taas."- sabi ko. Agad agad naman akong pumunta sa kwarto ko.

Humiga ako sa Kama ko at tumingin sa kisame.

'Ano kayang magawa? Lumabas kaya ako? Eh saan naman ako pupunta?
'Hay bahala na!

Nagpalit lang ako ng short at T-shirt. Saka lumabas na at pumunta sa baba.

"Oh saan punta mo?"- tanong ni Mama.

"Sa park Mom."- sagot ko. At lumabas na.

Naglakad na lang ako kasi malapit lang din naman yung park dito eh. At tsaka mas masaya kapag naglalakad ka.

Bigla akong napahinto at tumingin sa pamilyar na bahay. Saka biglang bumilis yung tibok ng puso ko.

Napabuntong hininga ako. Bakit nanaman ba puso? Huh? Huwag ka ng umasa. Ilang linggo na rin ang nakalipas pero hindi pa rin niya ako kinakausap. Miss ko na siya. Miss ko na yung pag susungit niya at yung mga ngiti niya na mas lalong nagpapabilis ng tibok ng puso ko. Kahit na nasa iisa lang kami ng school hindi ko pa rin maiwasang ma miss siya. Iba kasi yung nag uusap kayo sa nakikita mo lang di ba?

Umalis na lang ako doon at dumeretso na sa park. Pag kadating ko doon umupo ako sa isang bench sa ilalim ng puno.

Tinignan ko lang ang mga batang naglalaro sa tapat ko. Hay.. buti pa ang mga bata musmos walang problema,Masaya lang sila dahil puro laro lang naman ang nasa isip nila. Sana katulad ko rin sila. Walang problema at walang iniisip kundi ang masasaya lang.

"Ice Cream! Ice Cream!"- napalingon ako sa nag bebenta ng Ice cream. Bibili na lang ako para mawala ng konti ang problema ko. Sabi kasi nila nakakagaan daw ng loob ang Ice cream.

Lumapit ako sa nagbebenta ng Ice cream pero may nalagpasan akong isang batang babae na umiiyak. Bumili muna ako ng Ice Cream.

"Manong dalawa nga po. Mix po yung flavor."- magalang na sabi ko.

"Ito na po Ma'am."- sabi niya. Binigay ko naman yung Bayad at nagpasalamat at tsaka lumapit saa batang umiiyak.

"Bata. Bakit ka umiiyak?"- tanong ko sabay abot sa kanya ng Ice Cream. Tinignan niya lang ako at hindi kinukuha yung Ice cream.

"Sinabi ba ng magulang mo na huwag makipag usap sa hindi mo kakilala?"- tanong ko pero hindi pa rin siya umiimik kaya nagsalita ulit ako.

"Sige. Ako nga pala si Sophia. Ate Sophia nalang tawag mo saakin."- nakangiting sabi ko. Nakita ko naman na bigla siyang ngumiti.

Perfect Lovers (◆MyungU◆) [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon