Part 1- Teniente Gimo - Aswang

11.2K 11 2
                                    

Dueñas -Iloilo

May 5 dekada na mula ngayon, ng mangyari at maganap ang kasaysayan ng kwento na ito..


Isang nagngangalang Teniente Gimo ang kasalukuyang Brgy. Captain Sa isang liblib brgy. ng Dueñias ilo-ilo.


Maraming haka-haka na ang pamilyang ito ay pinaniniwalaang aswang, dumating ang tag-anihan ng palay sa bayan ng iloilo, at nag pasya ang lolo ko at ang isa niyang kaibigan na magtungo sa lugar na iyun upang maki-ani ng palay sa pinsan ng lolo ko.

Dumating sila sa isang brgy, at usap-usapan nga na isang Teniente ang pinaniniwalaang aswang at kasalukuyang kapitan ng brgy. Pati ang buong angkan nito ay pinaniniwalan ding aswang, makatapus ang anihan ng palay nagplano ang lolo ko at ang kaibigan niya na alamin ang tunay na katotohanan sa tunay na pagkatao ng teniente.


Isang Gabi, nagsimulang mag tungo ang magkaibigan sa malayo at liblib na lugar kung saan nakatira si Tiniente Gimo, nagpangap silang magtitinda ng asin at uso pa noon ang tikles na gawa sa manipis na kawayan na pinaglalagyan ng mga prutas, pero maliit lamang ito para sa lagayan ng asin.


Pagsapit nila sa pintuan kumatok at pinagbuksan sila ni Tiniente Gimo. Ang sabi ng lolo ko "baka maaring makituloy po sapagkat malayong brgy pa po ang aming pinagmulan baka maaring makituloy lamang po kahit isang gabi lamang.."


At Tinanung ng teniente kung bakit sila ginabi..
"Nagtitinda po kase kami ng asin" at ng pagkasabi niyang iyon, biglang nagtaas ng boses ang tiniente at ang sabi "Wag na wag ninyong ipapasok sa bahay ko ang dala ninyong mga asin ilayo ninyo iyan sa pinto.. At iwan sa labas"

at iyun nga naiwan sa labas ang dala nilang asin....

The true story of Tiniente Gimo.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon