Part 1- Teniente Gimo - Aswang Chapter: 2

4.4K 5 0
                                    

Mula sa labas ay pinapasok na sila ni tiniente, at papasok na sana sila sa pintuan ng may biglang sumundot sa tagiliran ng binti niya, isang batang lalaki kung hindi ako nagkakamali ay 5-7 taong gulang.

Nakakulong ang bata Sa malaking tiklis o tabungos, isang malaking tapayan na gawa sa manipis na kawayan, nkaasandig sa tabi ng pinto, ang sabi ng bata, "Manong parang awa na po ninyo tulungan po ninyo ako papatayin ako ni tiniente gimo aswang!!"

Nagulat ang lolo ko at aktong bubuksan ang tabungos at kukunin ang bata para ilabas, nang sumigaw ang tiniente., "Wag ninyong papakialaman ang batang iyan, siya ay aking apo at kinakastigo ko hayaan ninyo siyang naririyan!"

At ang bata nama'y patuloy sa kaiiyak hanggang sa tinawag ni tiniente gimo ang isang anak niyang lalaki upang ipanhik sa itaas ng bahay ang bata, sa lakas ng iyak ng bata sa itaas ng bahay dinig na dinig ng dalawang magkaibigan ang unti-unting paghina ng iyak at dahang-dahang taghoy ng bata..

At ng makaakyat na sila, wala ang bata sa itaas! Subalit katakataka na may tinatadtad na karneng baboy sa lamesa pero ng dumating sila wala naman silang narinig na nagtatadtad, at sa pintuan palang ng bahay ng tiniente kapansin pansin na ang kakaibang lansa, ganun din ang mga naglalakihang jawa ,kaldero, kaserola na kahìt ang isang buhay na kambing ay kasyang kasya...

At sa pagtatadtad napansin niya ang amoy na malansang utak ng tao at alam niyang ito'y bago at sariwa pa, nagtataka sila sa kanilang nakita at mga napapansin subalit sa mga oras na yaon ay wala ang bata subalit iisa lang ang kwarto sa itaas ng bahay..

Saan napunta ang bata? Ang wika ng magkaibgan..

At doon nabuo ang kanilang konklusion.. Subalit hindi pa dito natatapos ang lahat dahil ng mga panahon na iyon marunong ng kumontra ang lolo ko sa ganitong mga nilalang.. Nag orasyon ang dalawang magkaibigan sapagkat sila'y may alam sa mga bulong/albulario.

At dito na maguumpisa ang tunay na kwento.....

The true story of Tiniente Gimo.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon