Aktong papasok na ang dalawang lalaki upang isagawa ang kanilang plano.. Pagkabukas ng pintuan ay hinampas ng malakas na dos por dos ng kaibigan ni lolo ang isa at ganun din ang ginawa ni lolo bilang depensa nila sa kanilang sarili, upang hindi malaman ng angkan ni Tiniente Gimo ang nangyari sa kamag anak niya ay hinubaran nila ang dalawang lalaki upang hindi kaagad makilalala ang mga ito at upang hindi rin mabuko ang planong pagtakas nila lolo..
At gaya ng binilin ni Tiniente Gimo na balutan ng matibay na sako ang ulo ng mga bisita at pagkatapus ay gilitan ng leeg. At ganun nga ang kanilang ginawa ginapos nila ng matibay na sako at ginilitan nilang pareho ang leeg ng dalawa gamit ang dalang punyal ni lolo na gawa sa tanso na may ukit ding orasyon. Pagkatapos nila gawin ito inihulog na nila ang bangkay sa ibaba ng bahay at dun nga ay kinumog at pinagpiyestahan ng angkan ng tiniente ang dalawang patay..
Ginawa lamang nila ito bilang pagtatanggol sa kanilang sarili dahil kung hindi nila ito gagawin ay sila ang mamamatay sa lugar na iyon. At pagkasilip ni lolo ay kasindak sindak ang mga pangyayari kanya-kanyang tadtaran at hìlapan ng laman, sa mga oras na iyon wala pang may alam kung sino ba talaga ang may balot ng sako sa ulo. At di parin nila nakakalag ang balot sa ulo ng dalawang lalaki..
At sa mga oras na iyon sayang saya ang mga tao, at isang malaking pagkakataon naman para sa kanilang mag kaibigan para tumakas sa bahay na iyon.. Dahil sa sinaunang bahay ni Tiniente Gimo ang bintana'y gawa lamang sa capiz, at doon sila dumaan at tumalon, sasobrang takot na kanilang nasaksihan ay kahit anung taas ay hindi nila inalintana basta ang mahalaga makalayo sila hangga't hindi pa nalalaman kung sino ang ulo ng nasa sako..
Malayo layo na sila sa bahay palibhasa'y liblib at nasa gitna ng katahimikan ng kagubatan nang biglang dumagundung ang napalakas na sigawan at hiyawan, malalakas na iyakan at dinig na dinig nila lolo ang galit na namumutawi sa mga taong kanilang naiwan sa bahay na iyon.
Iyon na nag hudyat na nalaman na ng mag-anakan ni tiniente na hindi pala bisita nila ang napatay kundi kamag-anak din nila.. At palibhasa'y mula Siquijor si lolo ay walang gasinung may kilala sa kanila kaya agad ng nakarating ang lolo sa bahay ng kaniyang pinsan kasama ang kaniyang kaibigan, sa sobrang takot na posibleng mangyari sa kanilang dalawa agad silang nakarating malapit sa kabilang baryo kung saan nakatira ang pinsan ni lolo..