Chapter Two

803 56 5
                                    

♬♪But somewhere down the road, our roads are gonna cross again it doesn't really matter when. But somewhere down the road, I know the hearts of yours will come to see that you belong to me...
- Somewhere down the road
( Barry Manilow )

* Richard's POV

It was almost 12nn pero tambak pa rin ang mga papeles sa mesa ko,lahat for signature. Kailangang matapos ko ang lahat dahil bukas may meeting naman ako.Sumandal muna ako sa headrest ng upuan, napapadalas na kasi ang pag-sakit ng ulo ko.Lumabas lang sandali ang secretary ko para bumili ng lunch namin,nagvolunteer na ito na lang daw ang bibili since wala yung clerk namin dahil inutusan ko kanina. Two blocks away lang naman sa building namin ang Mcdo outlet kaya pabalik na siguro yun. Tamang-tama nagugutom na rin ako. After a couple of minutes I heard the door opened. A wide smile on Valeen's face form while she's walking towards me. Hawak nya ang sa right hand ang paper bag na may food and envelope naman sa left.

"Richard, may good news ako sayo. "
excited na sabi nito habang isa-isa nilalagay sa table ko ang mga pagkain.

"What? " tanong ko sa kanya. Nagugutom na talaga ako kaya inumpisahan ko nang kumain. Si Valeen naman ay umupo na rin sa harap ng table ko at sabay na kaming kumain. Ganoon lagi ang set-up namin pag-lunch. Sa tagal nito sa kumpanya naging close na kami. Sya ang secretary ni Daddy dati pa kaya noong nagretiro na si Daddy four years ago ipinamana nya sa akin si Valeen. She's like an older sister at hindi na sya naiiba sa pamilya.

" May nahanap na akong papalit sa akin Richard. I think nasa early 20's sya. Maganda, sexy, flawless at magaan ang loob ko sa kanya mukha kasi syang mabait. Saka I think bagay kayo." kinikilig na sagot ni Valeen habang kumakagat ng manok.

Muntik na akong mabulunan sa huling sinabi nya. "Alam mo Valeen minsan nalilito na ako kung sino ang employee at employer sa ating dalawa eh. Saka secretary kita, kelan ka pa naging matchmaker?"naiiling akong sumubo ng kanin bago tumingin sa kanya.

" Richard naman eh, wag mo naman ako pahiyain. Gusto mo bang ipaglihi ko sa sama ng loob itong magiging inaanak mo? Kainis ka talaga kahit kelan. " nakasimangot na si Valeen habang patuloy sa pagkain.

" Ayan dyan ka magaling ..binablackmail mo na naman ako. " natawa na ako sa itsura ni Valeen.

"Eh kasi hindi mo pa nga nakikita ang resume nag - rereact ka agad dyan."sagot ni Valeen.

" Sige po Mam Valeen, mamaya po pagkatapos ko pong kumain titignan ko po ung resume. Ok na po ba?"pang - aasar ko dito.

Napangiti na si Valeen. Mayamaya pa tapos na silang kumain, agad inabot ni Valeen ang envelope sa akin.Nilabas ko ang resume sa loob at binasa ang pangalan ng applicant.

"Nicomaine Mendoza? " my heart began to beat faster than the usual,lalo na nung dahan-dahan akong dalhin ng mga mata ko sa picture na nasa itaas. That familiar feeling nung 16 years old ako, parang mabilis na na refresh. Titig na titig ako sa picture nya. It was her, It was Maine.Dahan-dahan akong napabuntong-hininga, parang lalo atang sumakit ang ulo ko.

" Hey Richard, bakit ganyan ang reactions mo?? Ok na ba sya?? Tanggap na? Tatawagan ko na ba sya for interview?? Tama ako diba bagay kayo? " sunod-sunod na tanong nito.

" I need to think first Valeen, please iwan mo muna ako. " seryosong sagot ko sa kanya. She knew me, alam nya kung kelan ako nakikipagbiruan,at kung kelan ako seryoso. So without asking any questions she moved out of my office.

Agad akong lumapit sa personal ref ko at naglabas ng wine. I badly needed this right now to calm my nerves, my heart and my whole system to be exact. Binuksan ko ang venetian blinds at hinayaang makapasok ang sinag ng araw sa opisina ko. Umupo ako sa swivel chair at humarap sa bintana. Kitang kita ko ang matataas na gusali sa paligid ko. Kinuha ko ulit ang resume nya at tinitigan ang picture ni Maine, habang marahang umiinom ng wine. Hindi binago ng lumipas na mga taon ang mukha nya, mas lalo pa ngang gumanda. That innocent look was still overflowing on her face. Her round eyes, her full lips,her fluffy cheeks, her imperfect clef chin,lahat ng yun kabisado pa rin ng mga mata ko. Unconsciously,I run my fingers towards her picture. That 16 year old nerdy boy was still inside of me, after all these years. Akala ko nagbago na ako pero nagkamali ako, maling-mali.

Dinampot ko ang intercom at agad tinawagan si Valeen.

"Valeen tawagan mo sya, make sure she's here tomorrow right after my meeting. " then I hang- up the phone.

Nga pala nalimutan kong magpakilala sa inyo, im Richard Faulkerson Jr.,24. President of this advertising company. I was 20 nung ipagkatiwala sa akin ni Daddy ang business nya. Mahirap sa umpisa kasi bukod sa pressure, ang higpit ng competencies .Pero sa lumipas na mga taon nakasanayan ko na rin ang lahat.Pero pag masyado ng mabigat ang desisyong bibitiwan I'll still seek for my father's advice.

Tatlo na lang kami sa pamilya me,my younger sister Rizza Mae at si Daddy. I've lost my mother habang pinapanganak si Rizza, simula nun I felt incomplete. Although Daddy Ricky never failed to shower us with love, iba pa rin ang may Nanay na gagabay.Para akong unsolved jigsaw puzzle na hinahanap ang missing piece. Yes I'm the president of this company, and yes I'm successful in this field but if you looked me on the deeper aspects, I am nobody, I am empty....

Napapikit ako para ipahinga ang pagod kong isipan.

Guys gawa na ang draft for chapter 3 and 4 try ko update bukas ha sana magustuhan nyo po...
Kita tayo sa twitter @iamlhudy87

Philippians 1:3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon