Chapter Eleven

632 52 6
                                    

♬♪Let them say we're crazy. What do they know? Put your arms around me baby don't ever look back. Let the world around us, just fall apart. Baby, we can make if we're heart to heart.
And we can build this things together, standing strong forever. Nothing's gonna stop us now. And if this world runs out of lovers,we'll still have each other. Nothing's gonna stop us. Nothing's gonna stop us now ohh ohh. - Nothing's gonna stop us
now( Starship)

*Maine's POV

Patuloy ako pagkwento kay Sir Richard. For the longest time I kept it only on myself,wala kasi ako akong mapagsabihan.Kaya ngayong nakahanap ako ng makikinig sa akin,inilabas ko na ang lahat-lahat ng nararamdaman ko.Then naramdaman ko ang mga daliri ni Sir Richard sa magkabilang mga pisngi ko.Tinutuyo nya ang mga luhang kanina pa dumadaloy doon.

" Amnesia,Maine??? " naramdaman ko ang pagkagulat at kaguluhan sa boses nya.

Tumago ako. " Oo hanggang ngayon ang mga pangyayari lang noong nasa California kami ang naalala ko.Ang ibang informations tulad mga dahilan ng pag-alis namin was only from our attorney. The rest wala na talaga akong maalala. Minsan may mga memories, places or people na biglang nagpa flash sa isip ko pero hindi ko talaga maalala kung kelan ko sila na encounter. "

"God, kaya pala Maine.Kaya pala." napatayo sya at marahas na sinuklay ng daliri nya ang buhok nya.

"Sir?" bigla akong naguluhan sa inaasal nya.Muli syang umupo sa tabi ko at kinulong ng mga palad nya ang aking mukha.Kitang-kita ko ang kalituhan sa mga mata nya.Nalilito din ako but I didn't stop him.

" Ako Maine, kasama ba ako sa mga nalimutan mo? Kasama ba ako? Please tell me. "

" Sir,hindi kita maintindihan." I saw an unexplainable pain on his eyes.

" Maine, nagkakilala tayo sa St.Thaddeus College. You were first year highschool then ako fourth year.Una tayong nagkakilala sa acquaintance party ng school natin,since then we're unseperable. Then after ilang months naging girlfriend kita Maine,and that was one of the happiest days of my life." nangngilid na ang mga luha ni Sir Richard kasabay ng panginginig ng mga kamay nya.

" Si- Richard totoo ba ang lahat ng sinasabi mo?"hinawakan ko na rin ang magkabila nyang pisngi.The feeling was strange yet very familiar.Gusto ko alalahanin lahat ng sinasabi nya pero wala talaga akong maalala.

" Yes, nagplano tayo para sa atin noon.Sabi ko pag graduate ko ng highschool, doon na rin ako magka college para atleast magkikita pa rin tayo. But things didn't go on our way.It was our fifth monthsary when my world was literally torn down to pieces. I was planning a surprise lunch for you after school. All set na ang lahat noon sa favorite nating restaurant, tayong dalawa na lang ang hinihintay.But hindi ka pumasok ng araw na iyon,I keep on calling your phone and even your landline but walang sumasagot.I thought may surprise ka lang din sa akin for our monthsary kaya wala ka. Pero lumipas ang mga oras Maine,hanggang sa matapos ang araw na yon walang Maine na dumating.Kinabukasan pumunta ako sa bahay nyo ,only to find out na for sale na ito.Nagtanong tanong ako sa mga kapitbahay nyo kung saan kayo nagpunta,wala ring nakakaalam." his voice trailed-off. Hindi na napigilan ni Richard ang pagtulo ng masagana nyang mga luha.

Napabitaw ako sa kanya at gulat na gulat na napatakip sa aking bibig.Titig na titig ako sa kanya habang ipinagpatuloy nya ang pagsasalita.

" Naghintay ako Maine.Days,that turned into months and years.God knows how long I've waited for you.Punong -puno din ng katanungan ang isip ko,bakit hindi ka nagpaalam? bakit mo ako iniwan?Gusto kitang hanapin noon kaya lang hindi ko alam kung paano." hindi na napigilan ni Richard ang sarili nya at mahigpit nya na akong niyakap.

" I'm sorry Richard, kung kaya ko lang sagutin lahat ng tanong mo gagawin ko.Pinipilit kong alalahanin lahat ng mga sinasabi mo pero-"sabi ko sa pagitan ng mga hikbi.

"Ssshhh....naiintindihan ko Maine.Noong nakita ulit kita sa opisina,pinilit ko na magalit sayo.Gustong-gusto kitang sumbatan sa ginawa mong pag- iwan sa akin. Pero tinalo ng pag-ibig ko sayo ang lahat ng galit sa puso ko Maine.Sa nagdaang panahon hindi ka nawala sa puso ko, nagpahinga lang pero hindi nawala.Ako pa rin yung 16 year old boy na nakilala mo noon, ako pa rin yung binatilyong nagtuturo sa yo ng math subjects noon.At ikaw pa rin ang hinahanap ng puso ko.At handa akong maghintay Maine kahit habang buhay basta sasamahan mo ako."sabi nya habang nakabaon abg kanyang mukha sa pagitan ng leeg ko.Mas lalong humigpit ang yakap nya sa akin.

Unti-unti may nagpaflash na alaala sa isip ko. Pero malabo ang lahat.Biglang sumakit ang ulo ko kaya lumuwag ang pagkakayakap ko kay Richard .Para akong kandila na dahan-dahang nauupos.Hanggang sa mag blackout na ang paningin ko.

Huli kong narinig ang boses ni Richard na paulit- ulit na sinisigaw ang pangalan ko.

Guys kapit lang ,few chapters left na lang at matatapos na.Makisama na kaya ang tadhana sa kanila? Abangan po!!!
Salamat po sa mga patuloy pa rin nagbabasa, this inspires me a lot to write more Aldub fanfic at Aldub poems .Salamat po!! ALDUB YOU!!!!
Don't forget to vote for Maine sa Nickoledeon Kid's Choice Award!!
#VoteMaineFPP #KCA and sa website
kca.nick-asia.com.Let's slimed Meng. ADN!
@iamlhudy87




Philippians 1:3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon