Maaga nagising si troy, agad naman sya nag ayos ng sarili at sinoot ang uniform nito para makapasok sya, sinilip nya sa bintana nya ang kwarto ni mar ngunit patay pa din ang ilaw nito, agad sya nag ayos at bumaba nakita nya pa ang kapatid nya na nakaupo at tulala, agad naman syang lumapit dito."rhea ,"
tumingin si rhea sa kanya ng dahan dahan kaya nag tatakang lumapit si troy dito at hinawakan ang kapatid sa noo at leeg .
"ano nang yayari sayo? asan ang hyper kong kapatid ibalik mo dali dali..." panloloko ni troy sa kapatid nya.
nag smirk lang si rhea. bumuntong hininga si troy, "mey problema ba rhea?"
mangiyak ngiyak na nag salita si rhea, "kuya nanlalabo na paningin ko at ang sakit sakit palagi ng ulo ko, mamamatay na ata ako. kuya ayoko pa mamatay."
agad naman binatukan ni troy ang kapatid, "aray! kuya naman eh , mey sakit na nga yung tao eh. grabe ka naman.."
"eh monggoloid ka eh, nanlalabo lang mata at nahihilo mamamatay agad?" sabay iling iling ni troy "saka rhea kaka internet mo kaya siguro nanlalabo mata mo.. nag start na yan siguro lumabo lagi ka kase nakaharap sa computer."
"sigurado ka kuya ganun lang yun?" masayang sabi ni rhea sa kuya nya.
ginulo ni troy ang buhok nito "ou kaya bukas papacheck up tayo wala naman ako pasok eh, ok?"
"ok kuya thanks," at sabay yakap nito sa kuya nya.
"sige na pack your things na. baka dumating na yung mag susundo sayo."
"aye aye captain" at sabay saludo nito natawa na lang si troy at kiniss sa pisngi si rhea. "mauuna na si kuya ah?" at umalis na sya.
pag labas nya pasulyap sulyap sya sa bahay nila mar, nag babaka sakaling lumabas si mar. pero hindi kaya nag tuloy tuloy na sya ng lakad.
SCHOOL
agad umupo si troy sa upuan nya. agad naman sya siniko ni james. "huy, nangyari sayo at nakabusangot yang mukha mo."
"wala." sagot agad ni troy.
"wala nga ba talaga?"
"ou nga sabi eh."
"weeeh maniwala sayo, if i know si mar nanaman ang dahilan nyan."
"tsk .. pwede ba james tantanan mo ko kahit ngayon lang."
agad naman pasok ni mar na nakasaklay."woooah" sigawan ng mga classmate nila di iyon pinansin ni mar. si troy naman ay nag babalak na lumapit at tulungan si mar kaso naunahan sya ni erick na agad na naka alalay dito. napasipa na lang sya sa sahig at umupo.
biglang nag salita si james. "tss.. ouch naunahan.." natatawang arte ni james with matching hawak sa puso kaya naman binatukan sya ni troy.
pumasok na din naman agad ang prof nila. habang nag kaklase sige ng sulyap si troy key mar, kaya hanggang sa matapos ang klase wala syang naintindihan.
"ok class be ready for our quiz next meeting, bye." sabi ng prof nila.
nag labasan na ang mga tao sa loob ng classroom pero si mar nakaupo pa din. kaya tinanong sya ni erick. "ano ba nangyari sayo at nakasaklay ka ah?" ngumisi lang si mar at tumingin sa gawi ni troy na nakatingin din. kaya napalingon si erick sa gawi nila troy. "sya ba dahilan nyan?" agad na sagot ni erick. tumayo si erick at sinabing "namumuro na talaga yang lalaki na yan eh." pinigilan naman sya agad ni mar, "ano kaba sya nga tumulong sa akin, at erick mag kaibigan na kami. di na kami asot pusa ok? kaya kalma lang."

BINABASA MO ANG
PARE KOY? (On going)
Teen FictionWill you love your mortal enemy ? Even if she's LESBIAN.