TROY POV
nag aayos ako ng gamit ko sa kwarto ng mey kumatok.
Sumigaw ako.
Pasok
bukas naman kase ang pinto.
Napalingon ako,pero di nya nakita na napatingin ako dahil sinasara nya ang pinto.
Nag kunwari akong busy dahil busy naman talaga akong mag ayos ng gamit ko.
Hoy..
Tawag nya sa akin.
Oh? Sagot ko sa kanya ng di tumitingin at tinuloy uli ang pag aayos ng gamit ko.
Sinisipat ko sya ng tingin yung hindi halata. Napapansin ko sya na patingin tingin sa paligid ng kwarto.
Nice room ah! biglang sabi nya.
Ano kailangan mo? Sagot ko sa kanya. Tumingin na ako sa kanya na nakaupo sa maliit na sofa at ako nasa sahig nakaupo.
Bigla syang tumayo at dali daling lumapit at umupo sa harapan ko.
tulungan mo ko troy. Seryosong sabi nya..
Tumingin ako sa kanya ng nag tataka.. Tulungan saan? Sagot ko dito.
Yumuko sya. Tinitigan ko sya habang naniningkit ang mga mata ko sa kanya. At sya ayun parang tangang kinukutkot ang mga kuko nya.
Hoy tulungan sa---... Ulit na tanong ko sa kanya pero di na nya ko pinatapos at nag salita na sya.
Liligawan ko si mar. Mabilis na sagot nya.
nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa kanya.
Kung pwede? Isa ka sa maging way para magawa ko yun?
Kumunot ang noo ko sa mga sinasabi nya.
Si david? Utal na tanong ko sa kanya.
Ah sya ba? Mey plano na kami magagawa namin yun sa tulong mo din. Nakangiting sabi nya.
Tss. Ang plastik mong tukmol ka. Sabi ko sa isip ko.
Pero diba erick alam naman nating tomboy sya?
At babae ang gusto nya? Dugtong na sabi nya sa tanong ko. Pero tignan mo din troy ah, sa tagal na naging kaibigan ko si mar ni isa wala syang naging girl friend.
Napaisip ako sa mga sinasabi nya. Binalikan ko ang mga nakaraan simula nung mga bata pa kami.
Ewan ko lang kung ano sila ni lovely ngayon. Biglaang sabi nya.
Napa stop ako sa pag iisip at Agad ako napatingin sa kanya.
Gulat kaba troy? Biglang syang ngumisi at umiling iling. Kanina lang kase kung maka angkla sya kay mar grabe eh. Ewan ko ah pero troy nag seselos ako. Di ako sumagot sa kanya at nanatili lang akong nakikinig,habang nag titiklop ng damit ko sa maleta. Tss.. Putsa for the first time troy nag selos ako dahil sa babae hindi dahil sa lalaki. Natatawang sabi nya.
Gusto mo ba tanungin natin si lovely? O kaya si mar? Tanong ko sa kanya,
gusto ko din kase malaman kung totoo yan iniisip mo. Sabi ko sa isip ko.
**********************
Kumakain kaming lahat ngayon, nag tititigan lang kami ni erick.
Sa bawat tingin namin sa isat isa parang nag kakaintindihan kami kaya tatango tango kaming dalawa na parang tanga.
BINABASA MO ANG
PARE KOY? (On going)
Fiksi RemajaWill you love your mortal enemy ? Even if she's LESBIAN.