Part 3

10 2 0
                                    




Kath's POV

" bes nagugutom na ko gusto kong bumili" gutom na kasi talaga ako kasi naman di na ko nagbreakfast pano malalate na ko nagpuyat kasi ako kagabi gumawa ako ng video ni darren anniv. Kasi ng darrenatics kahapon.

" bili ka wala akong baong dala eh"

"Eh pano ako bibili pano kung dumating bigla yung prof-" di ko natapos yung sasabihin ko kasi may biglang sumigaw.

" GUYS ABSENT DAW YUNG PROF NATIN!" What???? YESSSSS SWERTE KO KYAHHHHH

" yes!! Tara bes bili tayo" kami lang ang lumabas ni bea since yung mga kaklase ko ay nagdadaldalan lang dun.

Pumunta na kami ng canteen.

"Kath bili mo nalang ako cr lang ako" sabi ni bea ay grabeee sya oh inutusan daw ba ako?

"Pasalamat  ka mabait ako" sabi ko sabay tawa. Mabait naman talaga ako di lang halata XD!

Walang kalaman laman yung canteen since may klase mga estudyante. Kami lang ata ang walang prof.

Pumunta na ko sa pilian ng ulam ( kung ano man tawag dun) at nag order ng may biglang sumingit sa harap kong lalake.

" uhmmm excuse nauna ako kesa sayo kaya pwede ka bang umalis jan?" Makasingit kala mo kung sino aba gutom here!!!! Nauna pati ako sa kanya noh!

" i don't care" sabi nya sakin na may halong pag irap. Ano to bakla?!?!?! Sayang gwapo pa naman babakla bakla. Tsk tsk

" look.... Ako ang nauna sayo kaya ako ang unang oorder naintindihan mo ba bakla?!?!" Nasigawan ko sya kasi gutom na talaga ako huhuhu

Humarap naman sya sakin at binigyan ako ng glare. OOPSSSS....... I think i mess with a wrong guy!!!

"What do you called me again?" Paktay na!!! Huhuhu asan ba si bea!! I need help!!!! paatras na ko ng paatras dahil naabante sya. Huhuhu gutom na nga ako tinatakot pa ko!!!

"W-wala akong sinabi ah!!!!" Sigaw ko sa kanya natetense na kasi talaga ako whooooo kapawis! Rinig na rinig pa sa buong canteen ang sigaw ko kasi tahimik. Tagal naman ni beaaaaaa

kruuuuuuuu

Wahhhhh yung tiyan ko nagwawala na!!!!!! Tigilan mo na ko plssss T_T  pinagpapawisan na talaga ako dito mukha kasi syang mangangain wahhhhh

"HAHAHAHAHHAHAHA" may marinig akong tawa sa likod kaya lumingon ako at nakita ko si taylor? Taylah? Ano uli pangalan nito? Tay......tyler!!! Ayun natumpak ko kasama nya din yung mga kabarkada nya.

"HAHAHHAHAHA" narinig ko ding tumawa si mr.maniningit yung sumingit sa pila.

Lumapit silang lahat sakin este kay mr. Maniningit. At tinap ang balikat nito habang tawa pa rin ng tawa. So kaibigan din pala nila to!

" hahahahaha by the way hi miss, i'm clark.... Clark vazarillo "sabi sakin nung may tattoo sa daliri na kulay blue na crown

"Poging blake zargo nga pala" sabi naman sakin nung mahangin na lalake na may tattoo na kulay red na crown

"Ace Monteverde at your service" sabay halik sa kamay ko. Siya naman ay may kulay orange na tattoo na crown

"You know me honey, tyler buenevista" sabi nya sabay kindat ewness lang noh!!! Meron din syang tattoo  sa daliri na kulay black na crown.

"So you are?......." Tanong sakin ni... Tyler Tama si tyler nga

"A-ahhhh ka-"

"Babae!!!!" Tumingin ako kung sino yung sumigaw syempre lumingon ako, ako lang naman babae dito eh and there i saw bea. Lumapit sya sakin at hinigit ako palabas ng canteen.

Speaking of canteen....... HINDI PA KO NAKAIN!!!! Hala nakalimutan ko na pano ba naman kasi gwapo mga nasa harapan mo tignan ko pang kung di ka makalimot. HOY WAG KAYO DARREN MY LOVES PA RIN AKO!!!!!

"San ka ba galing antagal mo magcr hindi mo ba alam na muntik na ko mapahamak dun?!" Sabi ko habang hila hila nya pa rin

"Mukha ngang nagsasaya ka pa dun eh" ayy aray ko beh di naman eh

" hoy hindi ah nagwagwapuhan lang ako sa kanila kanina pa kaya kita inaantay" pumasok na kami sa classroom. Buti wala pa yung prof may 10 mins.pa kami

"Kaya ibibigay mo agad ang pangalan mo? Kung hindi pa ko dumating ede nalama nila pangalan mo" ano ba naman tong bestfriend ko masyadong bitter ginagawang big deal ang pangalan parang pangalan lang eh.

"Parang nakikipagkaibigan lang" umupo na kami sa upuan habang inaantay prof namin naglabas sya ng cupcake at kinain namin yun.

"Hindi sila nakikipagkaibigan masama ang balak nila di mo ba maintindihan?!?"

"Pano mo naman nasabi? Eh hindi mo nga sila kilala"

"Kilala ko sila kilalang kilala!!!" Napasigaw na si bea at kinagulat ko naman yun pati mga kaklase namin tumingin din at gulat na gulat sa pagsigaw ni bea

"S-sorry" tumungo na lang ako

"S-sorry din sorry talaga kasi diba may pangako tayo na di muna tayo maglolovelife" oo nga pala tanda ko na matapos kasi nung break up nila nung ex nyang babaero naging bitter na to at hindi nalapit sa kahit na sinong lalaki. Kahit mga nanliligaw dito tinatarayan kaya naman yung iba sumusuko natakot ata.

"San nga pala galing to?" Tinuro ko yung cupcake na kinakain namin.

"May nakasalubong ako binigay sakin admirer ko daw sya kesa itapon  ko kinuha ko na lang" sabi nya

Dumating na din yung pangalawang prof namin at nagstart na ng klase.

Tyler's POV

"Hahahhahahaha!!"
"HAHHAHAAHAHAH"

Kanya kanyang tawa ang mga baliw na to. Di makamove on kay....kay....sino yun? Kasi naman sasabihin na yung pangalan biglang umextra yung isang babae badtrip!!

"Hahaha hoy tyler!!! Badtrip ka nanaman jan tawa ka naman!! Kahit ngiti lang oh itsura mo eh parang natalo sa lotto  tamo kami happy lang hahahhaha" -_____-
Maniniwala na talaga akong takas sa mental tong mga kaibigan ko

"Panong di mababadtrip di nakuha yung pangaln ni..sino ba yun tyler? Ay di mo nga pala nakuha pangalan awwwwww"

"HAHAHAHAHAHAHA" sabay tawa nilang lahat.

Aba loko tong mga to ah inasar pa ko.

"Hoy magsitigil nga kayo di ko kayo inaano ha!" Umalis na ko sa garden ng school at pumasok sa loob. Yung garden sa school parang tambayan talaga tas may fountain pa may pwesto kami dun at kami lang ang pwedeng umupo dun in short....IT'S OUR PROPERTY!

Habang naglalakad ako sa hallway may narinig akong naguusap na mga babae. Di naman ako chismoso kaso mukang pamilyar sila. Sino ba tong mga to?......G-glitters? Yun glitters!! Sila yung mga babaeng bully dito sa university. Magaganda kaso matataray pati nakakairita damit nila puro glitters! Ang sakit sa mata!

"Girls sabi sakin ni tita may nag cause daw ng scene sa canteen kanina at balita ko crowns daw yun pati isang babae." Sabi nung isa. Lumapit pa ko para mas marinig.

"Huh for sure inaway nila yung girl baka kasi ang chaka ng face pati ng damit you know poor people o kaya naman nilapitan sila at biglang lumuhod sa harap nila at niyayang magpakasal ang crowns hahahaha illusyunada!!" yabang nitong mga to ah! At kami aawayin namin si...si... Ah basta yung kasama namin sa canteen kanina.

Oo kami yung pinaguusapan nila. Crowns kasi pangalang ng grupo namin dito sa school. Actually lima talaga kami kaso yung isa di laging nasama samin. Busy daw kuno.Pati hindi naman kami kasing sama ng iniisip nila. Hindi porket gwapo masama na aba! San ka pa gwapo na mayaman pa at matalino! San ka pa crowns ka na hahahah!! Kaya wala din masyadong nalapit sa amin kasi may nagkakalat ng issue na pag lumapit daw samin mapapahiya at masasaktan. Kaya ayun wala nang nalapit samin lalo na babae!

Umalis na ko doon sa pwesto ko kanina. Sayang lang oras ko sa mga walang kwentang bagay.

Basta ang goal ko ngayon malaman ang pangalan ni ms. Crush

Oo crush ko sya pake nyo? Ang cute nya kasi ngumiti

I WONDER WHO IS SHE

A Dream Far From Reality ( darren fanfic )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon