Chapter II: The Clock Strikes Straight

3 0 0
                                    


Chapter 2: The Clock Strikes Straight

*Incoming Call~~ Inocensia Co*

"Noxy? Ano na?" sabi ko sa kanya na may pinaka low modulated voice para hindi marinig ni mama.

"So this is the plan Ria, magbihis ka muna tas magtakip ka sa kumot mo na para bang natutulog para sabihin ng mama mo na natutulog ka na." Kung maka ninja moves naman tong si Noxy wagas.

"Tapos?" ganun?! Binabaan lang ako ng telepono. Actually naisip ko din yung sinabi niya. Makapagbihis na nga.

May nagdoor bell pagkaraan ng ilang minute siguro sila Noxy to. Eh ano kayang gagawin nila para makumbinsi si Mama no?

"Sinong tao dyan?" Habang papalapit si mama para buksan ang gate. "Noxy ikaw pala 'yan. Gabing-gabi na ah ba't ka napadalaw bigla?"

Dumungaw ako sa bintana para silipin kung ano ang gagawin nila.

"Eh kasi tita, sabi ni Mama na pumunta raw po kayo sa Lot 18, Blk 4. May gusto pong makipagkausap sa 'yo. Diba tita may nakig chat sayo kanina baka siya na 'yon." Seryosong sabi ni Noxy kay mama. Eh eto namang si mama parang kinikilig masyado. Hayst. Single mom si Mama at okay na rin ako kung makipagkita siya sa iba.

"As in now na? Eh hindi ako makapagpaalam kay Ria natutulog na kasi" ani ni mama.

"Ah, ako na pong bahala kay Ria ako na po yung kakausap sa kanya"

Nagtakip ako ng kumot at nag-ala natutulog-type. Saludong-saludo na talaga ako sa kanila. Pinlano talaga ang mga bagay-bagay.

"Cge hija, ikaw na ang bahala kay Ria ha?" sabi ni Mama kay Noxy. Grabe chks na chks si mama, siguradong inlove na inlove to sa ka chat niya.

"Cge tita, mag-ingat po kayo... Hahaha"

Noxy's Point of View

Hindi talaga madali ang tumakas at tatakas no? Buti na lang nagawan namin ng paraan kung paano namin malusot si Ria sa bruha niyang ina. Yung naki chat kay tita ako lang yun, nag-iba lang ng username at kung anu-ano pa. Actually diring-diri ako sa ginagawa ko. Papahintayin lang namin si Tita sa meeting place nila at kami na mismo ang makipagtext. Paano kung tumawag? Edi papasagot kay Choky expert naman yung hinayupak sa panloloko eh.

"Ria! Lumabas ka na dyan! Diring-diri na akong maki chat at mag formulate ng cheesy lines para sa hinayupak mong ina!" habang tinatawag ko si Ria para maka attend na kami sa party. Naghihintay na yung ibang kasamahan naming do'n. We're The Midnight Partiers and we live when the clock strikes straight.

To Beb Maria:

Wait mo lang ako beb kasi may inasikaso pa ako. Pramis saglit lang to. I love you ❤❤.

From Beb Maria: Sige bilisan mo lang ha?

At hindi ko na siya nireplyan. Urgh nakakadiri na talaga. Pero para sa TMP gagawin ko ang lahat. Akalain mo yun nanay ng kaibigan mo, syinota mo? Pero sa text at chat lang. Para namang walang saysay tong ginagawa ko dba?

"Ah Noxy sino yang ka-text mo? Nag drive ka Noxy baka ano pa ang mangyari satin" Eh kung sabihin ko kaya kay Ria na yung nanay niya yung ka text ko? But anyways, nevermind. "Uyy, si Choky yan no?" Pa smile smile pa niyang sabi. Ewan ko pero anong nakain ng mga tao ngayon?! Hell no, definitely not Choky.

"Ha?! Hindi si Choky ang ka text ko Ria! Hindi!"

"Ikaw naman Noxy para kang sirang plaka! Eh curious lang talaga ako sa ka-text mo" sagot naman niya. Mabuti na yung naka high-pitch tone yung boses para rinig na rinig. Soundproof naman tong sasakyan edi walang problema.

Party At '12Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon