Hemira II - Alamat ng Regnum

8.1K 188 6
                                    

Genre: Fantasy, Action, Romance, Adventure, and Historical

Paalala! Ang lahat po ng natatala rito ay imbento ko lamang at maraming bagay ang walang pinagbabatayan kundi ang aking malawak na imahinasyon lamang so pauso ko lang 'yung mga nandito. XD

***

Prologo

Ano nga ba ang nagpapasama sa puso ng isang tao?

Pagkaganid?

Maruming intensyon sa iba?

Pagkainggit sa mga nagmamalaki?

'Di pagsasabi ng katotohanan at pamumuhay sa kasinungalingan?

Napakarami pang iba na nagdudulot niyon, hindi ba?

Mayroon pa ngang mga bagay na hindi natin namamalayan na dumudungis din sa puti nating mga puso.

Iyon ay ang pagkapuno ng galit.

Pagsiklab ng matinding poot...

At lubusang pagnanais na makapaghiganti.

Mga bagay na nagpapawala sa ating mga sarili at katinuan.

Mga bagay na maaaring magpaiba sa ating katauhan.

At mga bagay na maaaring magkapagparumi sa ating malinis na puso.

Dahil sa liwanag ay may nagtatagong dilim.

Dilim na maaaring lumamon sa ating pagkatao.

Kapag nilamon ka na niyon, magigising ang iyong isang parte.

Ang masama mong bahagi.

Doon ay mamumuhay ka ng walang liwanag...

Kundi sa kadiliman na lamang.

Hemira 1 - Alamat ng Regnum
~Tagapagsalaysay~

Mayroong dalawang lalaking matalik na magkaibigan ang nagpasyang maglakbay papunta sa isang kinatatakutang kabundukan kung saan sinasabing naroroon ang isang maalamat na bato na nagtataglay ng napakalakas na kapangyarihan.

Ang batong iyon ay tinatawag nilang Regnum.

Napag-isipan nilang pumunta roon sapagkat nasasadlak na ng lubos sa kahirapan ang kanilang bayan at nais nilang muling ibalik ang kasaganahan doon sa pamamagitan ng batong iyon.

Lahat ay kanilang gagawin upang maibalik ang kulay sa kanilang bayan para sa kanilang pamilya kaya kahit na isaalang-alang nila ang kanilang mga buhay sa paniniwala sa isang alamat na walang-wala namang kasiguraduhan ay pumunta sila roon.

Naglakbay sila at nang makarating na roon ay sinalubong kaagad sila ng napakaraming mga nabubuhay na nagbabantay sa bundok na iyon ngunit hindi sila pumunta roon ng basta-basta lamang.

Inalam nila ang mga kahinaan ng mga nabubuhay na naninirahan sa kabundukang iyon kaya naman nagawa nilang makalampas pareho sa paanan niyon.

Umakyat sila sa napakaratarik na bundok. Umulan o umaraw ay hindi nila alintana miski na ang gutom.

Maraming araw ang lumipas at hinang-hina na sila pareho sa lubos na pagkapagod bago pa man marating ang tuktok ng bundok at doon ay natagpuan na nila ang kinalalagyan ng batong regnum.

Akala nila'y makukuha nila iyon ng ganon-ganon lamang ngunit isang nabubuhay ang nagbabantay roon.

Isang dragon at lubos silang nagimbal nang makita ito.

Hemira, Kadiliman [VOLUME 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon