Hemira II 4 - Pagbangon

2.6K 90 1
                                    

Ilang araw ang makalipas...

~~~Yohan~~~

Tok! Tok! Tok!

Minulat ko ang mga mata ko gawa n'ong pagkatok na iyon. "Open Sesame." tinatamad na sabi ko sa spell ko at bumukas 'yung pinto.

Tamad akong mag-isip ng mga ipapangalan sa spells ko kaya 'yan na lang.

May mga pumasok pero tumalikod ako ng higa ko kasi inaantok pa ako.

"Prinsipe Argyris, naririto na ang iyong inang si prinsesa Aerin," sabi ng isang boses na pamilyar sa 'kin.

Bigla akong napabangon ng higa at tiningnan sila.

Nanlaki 'yung mga mata ko.

"David?! Seth?! Teka. Roxanne in boy version?!" hindi ko makapaniwalang banggit ng pangalan nila.

Si David 'yung nagsalita kanina kaya pamilyar sa 'kin 'yung boses niya.

"Prinsipe, Piero ang pangalan ko saka Roxanne lang si Zetes kapag girl version siya so Zetes ang itawag mo sa kanya ngayon." natatawang sabi ni David.

Tumayo na ko at halos magkandarapa pa ako para makalapit sa kanila.

Mahaba kasi tong panjamang suot ko.

"Teka. Kamusta na kayo? Wala bang ginawang masama sa inyo si Mades katulad no'ng ginawa niya kay Damara?" tanong ko sa kanila at tiningnan sila isa-isa.

Mga nakaarmor sila at mukha na silang mga katulad n'ong mga tao rito. Mga sinauna.

"Wala siyang ginawang masama sa amin, prinsipe. Ikinulong niya lamang kami. Nang matalo na ninyo si Abellona ay sinugod ng mga mandirigma ng Gemuria ang Emeas upang iligtas kami roon at doon ay nagawa na nilang mahuli si Mades na walang masyadong alagad na kasama dahil patay na sila Candor, Elina at Adras sa pagkatalo n'yo sa mga iyon sa Abellon. Sa kasamaang palad ay nakatakas siya sa pangloloko sa amin na siya'y mahina na ngunit mayroon pa pala siyang lakas upang makapanglaban. Doon ay nakatakas na siya." paliwanag ni Seth na seryosong-seryoso.

"Kung ganon, hindi pa rin tayo safe kasi pwede pa rin tayong balikan ni Mades para gantihan?" tanong ko sa kanila.

Tumango-tango naman sila.

"Ngunit ang magandang balita ay napakawalan na rin si prinsesa Aerin mula sa pagkakakulong nya sa ilalim ng kaharian sa madilim nyang silid. Ang lahat din ng mga tagapagsilbi ni reyna Mades ay pinaslang na rin upang walang makapangtraydor sa atin dahil siguradong gagamitin niya ang mga iyon upang magmatyag sa ating mga galaw. Ang kanyang anak na si prinsipe Cleon naman ay hindi na nanlaban pa at nagpapiit na lamang kahit kanyang ginigiit na hindi sya masama." paliwanag naman ni David.

Hindi na ako nakaimik kasi hindi ko alam yung sasabihin ko lalo na 'yung tungkol kay prinsesa Aerin.

Siya 'yung totoo kong nanay at ngayon, nandito siya para makita ako.

Bigla akong kinabahan dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kapag nagkita na kami.

"Mahal na prinsipe, nais na nais na kayong makita ni prinsesa Aerin kaya tayo'y magpunta na sa kanyang silid," sabi ni Rox-- Zetes.

Wala sa sariling tumango ako at papalabas na...

"Teka, prinsipe Argyris. Nakapanjama kang pupunta sa iyong ina?" tanong sa 'kin ni David.

Napatingin ako sa sarili ko. "A-Ahh... O-oo nga noh..." Napakamot pa ako sa batok ko.

Mayroong pumasok na isang servant na may dalang damit kasunod pa ang apat na mga lalakeng servant.

Hemira, Kadiliman [VOLUME 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon