Hemira II 2 - Prinsesa

3.5K 123 21
                                    

Hemira 2 - Prinsesa

~Yohan~

"Yohan..."

Minulat ko ang mga mata ko nang marinig ko yung boses na iyon.

Napatingin ako sa paligid nang makita kong nasa puting puting lugar ako na parang walang katapusan 'yung paligid.

"Yohan..."

Napalingon ako. "Hemira?"

Wala akong nakita na kahit sino.

"Yohan..."

Tiningnan ko yung buong paligid. "Hemira! Nasan ka, Hemira?!" Tumakbo ako para hanapin siya pero parang hindi ako makaalis sa pwesto ko.

"Yohan..."

Napalingon ako kasi narinig ko 'yung boses ni Hemira roon.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siya na nakatayo malayo sa akin.

"Hemira!"

Agad akong tumakbo papunta sa kaniya at habang papalapit ako, mas nakikita ko na nakangiti siya sa 'kin pero may tumutulong mga luha mula sa mga mata niya.

"Yohan..."

Mas lalo kong binilisan pero parang konting distansya lang yung natatakbo ko palapit sa kanya.

Nanlaki 'yung mga mata ko nang tumalikod siya at unti-unti nang lamunin ng dilim.

"HINDE! HEMIRA!"

Napabalikwas ako ng bangon at habol na habol ko ang hininga ko.

Madilim na paligid ko agad 'yung sumalubong sa akin.

"Hemira?..." Tumayo kaagad ako at kusa nang bumukas yung ilaw kaya nagkaliwanag na sa paligid.

Doon ko nakita ng maayos tong magara kong kwarto.

Doon din, narealize ko na panaginip lang lahat yung kanina.

Hindi ko na napagilan yung mga luha ko sa pagtulo non mula sa mga mata ko.

Napatakip na lang ako ng mga kamay ko sa mukha ko at napahikbi.

Hemira...

"Nasan si Hemira, Eugene?! Nasan sya?!"

"Patawad ngunit... wala na siya Yohan... Wala na si Hemira..."

"HARRGGGHH!" sigaw ko tsaka ko inihagis sa sahig yung isang vase na nakapatong sa lamesa.

Malakas na nabasag yon.

"A-anong ibig mong sabihin?..."

"Pinasabog niya ang kaniyang sarili... kasama si Abellona. Binalikan namin ang lugar na iyon noong nakaraang linggo habang ikaw pa ri'y walang malay at puro guho na lamang ng mga bato ang aming nadatnan do-"

Hemira, Kadiliman [VOLUME 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon