Hemira II 3 - Liomean

2.7K 101 9
                                    

~~~Yohan~~~

Nasa veranda lang ako ng kwarto ko at nakatingin sa madilim na kalangitan.

Tulala lang ako roon.

"Pumasok na tayo ng palasyo! Mauubos ang mahika at lakas natin kapag nagtagal tayo rito!"

Sariwang-sariwa pa sa akin lahat-lahat ng nangyari sa Abellon kahit na lagpas dalawang linggo na 'yung nakaraan.

'Yung pakikipaglaban namin sa napakaraming improbus para makapasok sa loob ng palasyo.

'Yung mga kalaban na humaharang sa amin hanggang sa sama-sama na kaming lahat na nakikipaglaban sa mga alagad ni Abellona.

Lahat 'yon, naaalala ko pa.

'Yung pagkabulag ni Kirion.

'Yung pagkamatay ni Ariadne.

'Yung pagkasaksak kay Hemira kaya sinubukan ko siyang tulungan...

At 'yung pagkakasaksak sa akin ni Abellona hanggang sa pumikit na ang mga mata ko.

Napahawak ako sa dibdib ko kung saan nasaksak ako noon.

Wala na ni bakas ng pilat doon.

Sabi nila, si prinsesa Ceres ang gumamot nito gamit 'yung malakas niyang mahika pero hindi ko alam kung pasasalamatan ko ba siya o hindi sa ginawa niya kasi pagkagising na pagkagising ko, yung balitang patay na si Hemira agad ang bumungad sa akin.

Sobrang hindi ako makapaniwala no'n kasi alam kong hinding-hindi mangyayari 'yon kay Hemira dahil malakas siya... pero sila Eugene at Serafina na mismo ang nagbalita sa akin...

Na nakita nilang dalawa 'yung pagsabog ng Abellon kung nasaan sila Hemira at Abellona... Na binalikan nila 'yung lugar na 'yon kinabukasan pero mga guho na lang 'yung nadatnan nila.

Pero bakit hindi ko matanggap 'yon?

At alam kong kahit kailan ay hindi ko matatanggap 'yon.

"Sinasabi n'yo lang 'yan para pakasalan ko si prinsesa Ceres! Ilabas n'yo na si Hemira at wag n'yo na siyang itago sakin!"

Puno ako ng galit noon at ang napagbabalingan ko ng matinding galit ay si prinsesa Ceres.

Alam ko namang wala siyang kasalanan pero hindi ko mapigilang sisihin siya.

Dapat si Abellona 'yung sinisisi ko dahil siya naman ang may gawa ng lahat ng nangyari pero kapag nakikita ko si prinsesa Ceres... galit agad ang nararamdaman ko at sobrang paninisi sa kanya.

Alam kong mali pero anong gagawin ko?...

Nasasaktan na ako ng sobra sa pagkawala ni Hemira at hindi pa rin magsink in sink in sa akin iyung sinasabi nilang wala na siya.

"Magkakaibigan tayo at walang iwanan! Tatalunin natin si Abellona at lahat tayo, makakabalik sa Gemuria kasama ang prinsesa!"

Nagsimula na namang tumulo ang mga luha mula sa mga mata ko.

Nagsimula na namang tumulo ang mga luha mula sa mga mata ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Hemira, Kadiliman [VOLUME 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon